"HINDI ka naman mamamatay kung magtitiwala ka sa kahit na papaano!" sigaw ng isang lalaki sa 'di kalayuan.
Humigpit ang pagkakahawak niya sa kanyang espada. Masamang tiningnan ang katunggali bago pa man niya ito tutukan ng sandata. Kasabay nito ang dahan-dahang pagdaloy ng apoy sa talim ng kanyang espada.
"Tiwala? Nagpapatawa ka ba?" gigil niyang sambit. "Hindi mo ba alam na iyan ang pumatay sa mga taong mahahalaga sa akin? Iyan ang muntik nang pumatay sa akin." Batid niyang nagulat nang bahagya ang binata.
Natural na sa mga tao ang banggitin ang salitang tiwala, utang na loob, at mga pangako. Pero sa oras na makuha na nila ang kanilang kailangan o gusto, dito mo na makukuha ang totoong kulay ng bawat isa. Sabi nila, gumawa ka nang mabuti at babalik sa 'yo ang kabutihang ibinigay mo sa ibang tao. Ngunit sa buhay na kanyang pinagdaanan, tila ba pinagkakaitan siya ng langit at lupa.
"Alam mo bang iyan ang pinaka-ayokong naririnig sa lahat. Ang diktahan ako sa kung ano ba ang dapat kong gawin." Angil niya. "Kung ako sa 'yo, problemahin mo nalang ang sarili mo at h'wag mo na akong gambalain pa. Hindi ko kailangan ng kahi na sino."
Huminto ang pagdaloy ng apoy sa kanyang sandata at winasiwas niya ito sa huling pagkakataon bago isabit sa kanyang lalagyan. Ibinaba na rin ng binata ang depensa nito at isinilid na rin ang sariling sandata.
"Hindi ko alam kung anong pinagdaanan mo. Pero gusto lang kitang tulungan, nagdurugo ang braso mo." Nag-aalalang sambit nito.
Nilingon niya lang ang bahagyang punit na manggas ng kanyang damit bago balikan ng tingin ang binata. "Hindi mo ba narinig ang sinabi ko?" Tinalikuran niya ito ang nagsimulang maglakad papalayo.
Naramdaman niya itong sumusunod sa kanya ngunit kaagad din siyang tumigil. "Sumunod ka pa sa akin at hindi ako magdadalawang isip na putulan ka ng paa." Pagbabanta niya bago pa muling ipinagpatuloy ang paglalakad papalayo.
Mas lalo pang lumalim ang gabi sa bawat oras na siya'y naglalakad. Habang hawak ang nagdurugong braso, tinanaw niya sa 'di kalayuan ang kastilyo kung saan nagmumula ang maliliwanag na ilaw. Sa mundong kanyang ginagalawan, hindi nila nararanasan ang pagkakapantay-pantay. Dahil kadalasan, kung sino rin ang nasa lebel mo ang mismong nagiging kaaway.
"Napakahirap talagang iasa na lang sa tadhana ang kapalaran." Sa isang madilim na kanto siya tumigil. Sa pagdaan ng liwanag ng buwan, nakita niya ang imaheng nakapaskil sa isang lumang papel. Gumuhit ang ngiti sa kanyang labi bago pa man niya alisin sa pagkakadikit ang larawan.
Nagmarka ang dugo niya sa lumang papel bago pa man niya ito lukutin. "Ang mga tao talaga. Natataranda na kapag alam nilang mapapahamak na sila." Kasabay ng paglukot niya ang pag-apoy ng papel sa kanyang palad bago pa man ito tuluyang maging abo. "Wanted Karma butterfly?" matawa-tawa niyang sambit.
"Ano nga bang gagawin nila kung hinahanap na sila ng karma nila?"
✪✪✪
First draft/Version. Already working with the revisions and it will be all written in Lilith's POV.
••••••
KARMA BUTTERFLY
©SnowSparksJoviieAll Rights Reserved
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
No part of this publication may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any means, including photocopying, recording, or other electronic or mechanical methods, without the prior written permission of the publisher, except in the case of brief quotations embodied in critical reviews and certain other noncommercial uses permitted by copyright law.
SnowsparksJoviie Facebook page:
Facebook.com/Snowsparksjoviie✪✪✪
BINABASA MO ANG
Karma Butterfly ✔️
Fantasía[FIN] Ang nais lang ni Lilith Remington ay mamuhay ng normal tulad ng iba. Subalit nang pagtaksilan siya ng taong pinagkakatiwalaan niya, bumaliktad ang lahat sa kanya. Inabandona siya nito, pinagtangkaan ang buhay at pinatalsik sa sariling palasyo...