Knights of Cornelia: Shanaia Baroña
ENCOUNTER
DISMAYADO ang hari sa balitang dumating pagkaputok pa lang ng bukang liwayway. Dahil sa ginawang pagpapakita ng assassin sa palasyo, magdamag na naghanap ang ilang mga kawal at maging ang hari sa paligid ng kapitolyo maging sa kalapit na gubat. Nagbabakasakaling m aabutan pa ang pagtakas ng dalaga sa paligid ng palasyo.
"Hindi talaga umaayon ang lahat sa gusto ko! Ganyan ba talaga kayo magtrabaho?" bulalas nito sa grupo ni Xavier na magdamag din nagpatrol.
Nanatiling nakayuko si Xavier at hindi umimik. Hindi na niya pinagtuunan pa ng pansin ang pagrereklamo ng hari dala ng matinding antok. Maging si Julio't Kat sa kanyang gilid at hindi na nagtangka pang magsalita. Maging siya'y nagugulat na lang din sa mga nangyayari lalo na't hindi na nagbibigay ng impormasyon si Lilith sa kanya sa susunod nitong hakbang.
He was stunned when he saw a familiar figure, even though it was dark last night. Kahit na anino pa nito'y makikilala niya kahit gaano pa man kalayo ang distansya nito sa kanya. Ang haba ng buhok, hubog ng pangangatawan, ultimo ang pagtindig at pagkilos nito'y kabisadong-kabisado niya.
Ganoon pa man, kailangan niya pa rin itong makausap upang magpasa ng panibagong impormasyong makakatulong dito.
"Tatayo ka na lang ba r'yan, Shanaia?" bulalas nito. "Lumapit ka rito't pakinabangan mo ang kapangyarihan mo. Hindi kita inilabas sa piitan para maging dekorasyon lang."
"P-pasensya na mahal na hari."
Bahagya niyang nilingon ang paglapit ng dalaga at nagtungo papalapit sa hari. Sa grupo ng Knights of Cornelia, ito ang pinakatahimik sa kanila. Mahaba ang dilaw na buhok at mapupungay ang mga mata. Isa rin ito sa nag-iisang anak ng pamilyang Baroña at pinsan ni Kat. Ngunit ayon kay dito, may tinataglay itong kagaspangan ng ugali. Hindi maganda ang tono ng pagkakasabi nito kung kaya't hindi niya alam kung totoo iyon o sadyang malayo ang loob ng dalawa sa isa't-isa.
Sa nagdaang mga araw, madalas ay iginugugol lang nito ang oras sa pagbabasa ng ilang libro na makakatulong sa kapangyarihan nito. Kakaunti na lang ang populasyon ng mga kayang makagamit ng healing magic dahil sa takot na pag-initan ng ilang maharlika.
Sila lang ang may kakayahang kontrahin ang itim na mahika. Dahil dito, palihim silang pinapapatay ng ilan. Sa kaso ng hari, nais nitong pakinabangan ang panggagamot ng dalaga para sa sariling kaligtasan. Lalo na ngayon na may nagtatangka sa buhay nito.
Itinapat ni Shanaia ang kamay sa duguang braso ng hari. Bahagyang nanginginig habang ginagamot ang sugat nito. Hindi niya maiwasang isipin kung anong pinagdaanan ng tatlo sa loob ng Zero Zone. Hindi niya rin matanong ng detalyado ang nangyari sa mga ito bilang pag-iingat sa sarili.
Kahit na nasa iisang grupo lang sila'y kinakailangan niyang maging maingat sa kilos at salita. Hindi lahat ng nakapaligid sa palasyo'y maaring mapagkatiwalaan lalo na kapag estado't kapangyarihan ang pagbabasehan.
BINABASA MO ANG
Karma Butterfly ✔️
Fantasy[FIN] Ang nais lang ni Lilith Remington ay mamuhay ng normal tulad ng iba. Subalit nang pagtaksilan siya ng taong pinagkakatiwalaan niya, bumaliktad ang lahat sa kanya. Inabandona siya nito, pinagtangkaan ang buhay at pinatalsik sa sariling palasyo...