★Execution

6.7K 135 0
                                    

Multimedia: Markeus Valereon

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Multimedia: Markeus Valereon

!!Reader discretion is advised. Proceed only if you are comfortable with the scenes!!

MALALIM ang paglunok ni Katrina habang pinapanood ang mga nakakadenang mamamayan habang hinihila ito mga kawal. Palihim niyang sinulyapan ng tingin ang nakapangalumbabang hari habang pinapanood ang nangyayari. Mataas ang sikat ng araw sa umagang iyon at hindi niya mawari kung ano ang nangyayari sa paligid. Isang linggo na ang nakakalipas at hanggang ngayon ay hindi pa rin nila napapansin ang pinuno ng kanilang grupo.

Bahagya niyang siniko si Julio sa gilid. "Alam mo ba kung anong mayroon ngayon?" mahinang tanong niya sa gilid.

Kasalukuyan silang nakatayo sa ikalawang palapag ng balkonahe kung saan matatanaw ang malawak na nasasakupan ng palasyo. Mayroon malawak na entabladong nakatayo sa ibabang bahagi at napapalibutan ng mga kawal.

"Secret." 

Muli niya itong siniko nang mas malakas dahilan para mapangiwi ito sa sakit

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Muli niya itong siniko nang mas malakas dahilan para mapangiwi ito sa sakit. "Kaylan ka ba sumagot ng maayos sa 'kin?"

"Baka kapag sinagot kita, kiligin ka." Pang-aasar nito. "Hindi ko rin alam, Kat. Alam mo namang palagi tayong magkasama. Anong alam ko r'yan sa trip gawin ng hari? Masyado ka kasing dikit sakin ayan pareho tayong walang ideya."

"Ang kapal mo! Ako pa 'tong sinisi mo? Palibhasa takot ka mag-isa kaya sunod ka nang sunod sakin."

Tumindig ito ng tayo sa kanyang harapan at marahang ini-untog ang dibdib nito sa kanyang mukha. "Hoy, Kat, baka nakakalimutan mong mas malakas ako sa 'yo. Kitang-kita naman sa pangangatawan. Lakas ng loob mong magmatapang patpatin ka." Saka siya nito pinagtawanan.

"Palabasin niyo na ang mga taksil!" natigilan silang dalawa nang magsalita ang hari. Sinamaan niya ng tingin ang katabi bago pa man umayos ng pagkakatayo.

Nanlaki ang kanyang mga mata nang makita ang nakakadenang lalaki. Maging ang binata'y napahawak sa batong harang sa balkonahe nang masilayan kung sino ang nasa ibabang bahagi. Pareho silang hindi nakapagsalita't natanga sa nasaksihan.

Karma Butterfly ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon