DUMAGUNDONG ang malakas na kidlat sa kalangitan at nagsimulang magkaroon ng makakapal na ulap. Maaninag ang pagkislap ng mga itlo at ang lahat ng iyon ay umiikot sa direksyon sa kamay ng hari. Isa-isang bumagsak ang nakakabinging kuryente sa kalupaan at tarantang iniwasan ni Lilith ang ilan sa mga iyon.
Nawalan siya ng balanse't gumulong bago pa man magtago sa pinakamalapit na pader. Hinawakan niya nang mariin ang nasugatang braso't bahagyang sinilip ang nangyayari sa labas. Napansin niyang natigil din ang tunggalian sa pagitan ni Xavier at Julio dahil sa pagbagsak ng nakakatakot na botahe sa kalupaan.
Napakagat siya nang makita ang epekto nito sa paligid. Nagmarka ito sa lupa at nagkapira-piraso ang ilang sirang pader. Maging ang ilang kalapit na kabahayan ay nagsimulang masunog dahilan para magkagulo ang mamayan ng Cornelia.
"Damn, wala na talagang ginawang matino si Markeus!" inis niyang sambit bago pa man muling damputin ang sandata't tumakbo ng palihim sa bawat pagitan ng pader.
She prepared for a surprise attack. She spent ten years seeking revenge for his father's death. Spent all her time training alone with swords and magic in anticipation of this day.
Nagkaroon ng pulang liwanag sa kanyang palad, nagkaroon ng pulang linya at nagsimulang umikot sa kanyang kamay. Kumislap ang liwanag at nagsimulang mabuo ang bolang apoy. Hindi na siya nagdalawang isip at itinapat ito sa kinaroroonan ng hari kasabay ng malakas na pagsabog.
Namilog ang mga mata niya nang sumulpot ang boltahe ng kuryente sa pagitan ng makapal na usok. Otomatiko niyang sinalag ang surpresang pag-atake at tinapatan ng kanyang apoy. Sa lakas ng pagsabog sa paligid ay itinulak ng malakas na hangin ang kanyang katawan.
Mabigat ang kanyang pag-ubo kasabay ng pagkakaluhod niya sa lupa. Hindi niya nagawang salagin ang atake nang mas maayos kung kaya't napuruhan siya mula sa malakas na pagsabog. Nalasahan niya ang sariling dugo at kaagad itong idinura sa lupa.
"Umiwas ka!" malakas na paghiyaw ni Xavier.
Hindi niya magawang makakilos mula sa pagkakaluhod sa lupa. Nawindang siya nang tumama ang boltahe ng kuryente mula sa kalangitan. Pansamantala siyang nabingi at halos mamanhid ang kanyang katawan. Malakas siyang napasigaw sa sakit na naramdaman at ipinagtungkod ang espada sa lupa.
"Shit naman talaga!"
Mahilo-hilo siyang napayuko at pilit pa ring hinihigpitan ang pagkakahawak sa kanyang espadang nakabaon sa lupa. Ramdam pa niya ang paggapang ng nginig sa kanyang katawan at hingal. It was a clear killing intent. He doesn't allow her to stand up immediately in position and always followed by a fresh attack.
She almost choked when he grabbed his neck and forcefully pinned her to the wall.
"Do you know why you're losing?" Nakarinig siya ng pagtawa habang dinidiinan ng hari ang pagkakahawak sa kanyang leeg. Mahigpit niyang hinawakan ang kamay nito at pilit na inaalis. "Because you're weak, Avery."
BINABASA MO ANG
Karma Butterfly ✔️
Fantasy[FIN] Ang nais lang ni Lilith Remington ay mamuhay ng normal tulad ng iba. Subalit nang pagtaksilan siya ng taong pinagkakatiwalaan niya, bumaliktad ang lahat sa kanya. Inabandona siya nito, pinagtangkaan ang buhay at pinatalsik sa sariling palasyo...