FOUR months had passed since Lilith regained her strength. It was a busy month for her, and she was glad Xavier was there to assist her with the paperwork piled on her desk. Kamuntikan pa siyang matapilok dahil sa suot-suot niyang sapatos na may takong. Lumingon ito sa kanya upang siya'y saluhin ngunit naitungkod kaagad niya ang kamay sa hawakan ng upuan nito.
He smirked while looking up at her and leaned on the chair's armrest. She was also stunned by how close their faces were to each other.
"Anong binabalak mong gawin, Lilith?" pabiro nitong sambit.
Dumistansya siya kaagad mula rito at inayos ang nagusot na damit. "Ano bang iniisp mo r'yan? Nawalan lang ako ng balanse dahil sa sapatos na 'to." Saka niya itinaas ang laylayan ng mahaba niyang damit. "Sadyang mahirap gumalaw sa ganitong klaseng pananamit. Ang haba-haba ng damit ko at ang taas-taas ng takong ko."
"At saan ka naman nakakita ng prinsesang nakasuot ng pantalon sa palasyo? Mangangabayo ka ba?"
"Kapag hinayaan niyo akong magsuot ng komportableng damit, baka sakaling makakita kayo." Pilosopo niyang sagot.
"Hindi ka lang sanay dahil hindi iyan ang nakasanayan mong isuot. H'wag kang mag-alala, kapag nahulog ka palagi kitang sasaluhin." Ngiting sambit nito bago pa man kunin ang ilang mga papeles na kailangan nilang basahin.
"Kung ano-ano na lang sinasabi mo." Inismiran niya lang ito at sumalampak sa malambot na upuan. Isa-isa niyang pinagmasdan ang tumpok ng mga papel sa kanyang harapan.
Pansin niyang natigilan ito sa pagbuklat ng mga papel. Naaninag niya ang seryoso at diretsong tingin sa kanya. "Nasa opisina tayo, Lilith, kung wala tayo rito'y hindi ka makakarinig ng kahit ano dahil gagawin ko kung ano ang nasa isip ko. Nagpipigil lang ako."
As she felt the heat rise to her cheeks, her thoughts stumbled over each other like clumsy dancers on a crowded stage. She couldn't tear her gaze away, trapped in the intensity of the moment, her mind a whirlwind of conflicting emotions.
"Napapansin kong nagbabago ka na ng pananalita sa akin ha?" binago niya ang tono ng pananalita niya.
"And now, you're using your title to me?" She caught a sweet smile on the young man's face before he even released the papers.
"Bakit hindi? Dapat magbigay ka ng ga---" natigilan siya nang tumayo ang binata. Sinundan niya ito ng tingin habang lumalapit ito papunta sa kanya. Hinawi nito ang ilang mga papel sa mesa't dumantay doon saka hinawakan ang magkabilang hawakan ng upuan.
Mabilis niyang hinawakan ang dibdib nito't pinigilang lumapit sa kanya.
"Teka! Nasa opisina tayo!"
Natigilan silang dalawa nang makarinig ng katok sa pinto. Pareho silang napalingon dito lalo na nang marahan itong bumukas. Nanlaki ang mga mata ng dalagang sumulip sa pintuan at muling isinara ang pinto. Pakiramdam niya'y nabuhusan siya ng malamig na tubig nang maramdaman ang biglaang paghalik ng binata sa kanyang leeg bago pa man umalis sa kinasasandalan nito.
BINABASA MO ANG
Karma Butterfly ✔️
Fantasy[FIN] Ang nais lang ni Lilith Remington ay mamuhay ng normal tulad ng iba. Subalit nang pagtaksilan siya ng taong pinagkakatiwalaan niya, bumaliktad ang lahat sa kanya. Inabandona siya nito, pinagtangkaan ang buhay at pinatalsik sa sariling palasyo...