★Warning

10.5K 159 9
                                    

Knights of Cornelia: Katrina "Kat" Madera

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Knights of Cornelia: Katrina "Kat" Madera

DURING ancient times, most people believed in angels and demons, especially those from the church. Some of the people who lived in the upper class had the power to use forbidden spells and magic. Most of them used it for personal gain, which made a huge impact on society. Due to greed and selfishness, they hunted down these people to be killed. From that day on, they all remained a tale, a once-upon-a-time story.

But, did you know that good and evil are not born? They are made, especially in a world where magic is used. It's up to the individual whether they wish to use their power for good or bad. However, once this power reaches a certain point, it can cause harm to people, especially its users.

"Really? The demon is hunting me now?" Hindi makapaniwalang sambit ni Lilith pagkatapos punitin ang nakapaskil na larawan sa bawat poste ng kapitolyo. "Sino ba ang gumuhit ng larawan na 'to. Mukha akong pagod dito." Saka niya ito nilukot.

Bumaling siya ng tingin kung nasaan ang kastilyo't napangiti.

Nagsisimula na ang hari sa paghahanap ng karma niya. Masyado na ba siyang naiinip para sunduin 'yon?

Nagsimula siyang maglakad sa kahabaan ng kapitolyo. Ipinagpapasalamat na rin niyang hindi siya gaano dumadalo sa pagtitipon noong bata pa siya't halos walang nakakakilala ng mukha niya bilang si Avery. Dahil dito, malaya siyang nakakakilos sa bayan lalo na kung iiwasan niya ang ilang miyembro ng palasyo.

"Hindi mo ba tinitingnan ang dinaraanan mo o sadyang bulag ka lang?" Natigilan siya sa paglalakad nang makarinig ng komusyon sa hind kalayuan. "Ang lakas naman ng loob mo na abalahin pa ako ngayong araw."

Dala ng kyuryosidad, sumilip siya sa nagkukumpulang tao ilang hakbang mula sa kanya. Tumingkayad siya't pilit na tinatanaw ang nangyayari.

"Ipagpaumanhin niyo, hindi ko sinasadyang masagi ang mga prutas at humarang sa dinaraanan niyo." Nakayukong sambit ng isang dalaga. "Pasensya na ho. Paumanhin sa nangyari."

"Napaka-inutil talaga ng mga kagaya niyo. Sinayang ko lang ang oras ko sa mga kagaya niyong hampaslupa." Asik ng matandang lalaki sa loob ng karwahe. "Patakbuhin niyo na ang kabayo. Mahuhuli pa ako sa pagtitipon sa palasyo."

Nanatiling nakayuko ang dalaga't hindi makuhang gumalaw sa takot. Itinigil niya ang pagtingkayad nang magsimulang mag-alisan ang mga usisero sa paligid. Pinanood niya lang ito habang dinadampot ang ilang prutas sa simento.

"Ibang klase talaga ang nagawa ng kapangyarihan at posisyon sa isang tao. Nakakalimutan na nilang magpakatao. Why do these stupid nobles act like they are some god?" Tinalikuran niya ito't nagsimulang maglakad papalayo. "Kung sabagay, kanino ba naman matututo ang mga 'yon kung hindi naiimpluwensyahan ng mas mataas?"

Pumasok siya sa pagawaan ng sandata. Nasilayan niya ang nakangiting mukha ng matanda nang siya'y pumasok ngunit napalitan ng pagtataka nang magtama ang kanilang paningin.

Karma Butterfly ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon