Alam mo yung feeling na pag-gising mo sa umaga, ramdam mo na na hindi magiging maganda ang araw mo? Hindi mo naman gustong mangyari, at pinagdarasal mo talaga na hindi mangyari...pero mangyayari na lang siya, at wala kang magagawa.
Pagtayo mo pa lang galing kama mo, maaapakan mo yung jackstone na naiwan ng bunso mong kapatid sa kuwarto mo. Papasok ka ng kubeta, na pa-pilay-pilay, at dahil dito, madadali ng balakang mo yung lababo. Papasok ka ng banyo, para malamang wala kayong tubig. Lalabas ka, umaasang may pagkain na sa la mesa, pero malalaman mong ikaw na lang pala ang natira sa bahay dahil lahat sila ay nakaalis na. Magtataka ka, na 'di ba, maaga pa o kaya naman bakit iniwan ka nila sa bahay? Pero makikita mo sa orasan na 8:30am na pala, at namiss mo na ang unang klase mo.
Magbibihis ka ng nagmamadali, tubig na lang ang ginawa mong breakfast, at tumakbo ka na papuntang abangan. Naghihintay ka na ngayon. 5 minutes, 10 minutes, 30 minutes, 1 oras. Eto na, dumating na ang jeep na sasakyan mo, natagalan daw kasi may aksidente itong nadaanan. Babalewalain mo ito, at sasakay na ng natataranta. Traffic, as usual, expected mo na 'to, pero umasa ka pa din na para bang hindi ka na natuto noon.
Nakarating ka na ngayon sa eskwela, nagsisimula na ang susunod mong klase. Dukot ka ng dukot sa bag mo, hinnahanap ang ID mo, pero syempre naiwan mo 'to sa bahay dahil sa pagmamadali mo. Late ka na nga, wala ka pang ID, paano ka na makakapasok sa loob niyan? Sumugod ka pa din papuntang gate, at salamat naman ay kakilala mo si Kuya na nakabantay ngayong araw. Pinapasok ka niya, dahil mabaiit siya, mukhang magiging maganda na yata ang mga pangyayari ngayong araw. Sandali, please, 'wag mo nang pangunahan.
Tatakbo ka pataas ng hagdanan, dahil sa 3rd floor pa ang klase mo. Finally, nakarating ka din, pawisan at hiningal, pero at least may maaabutan ka pang klase.
"Ok class, turn to page 105 of your history book," narinig kong bigkas ni Prof. Pero bakit parang nagiba yata ang boses ni Prof?
Naglakad na ako patungo sa loob, wala akong pake kung masita man ako, basta uupo na ako sa normal kong inuupuan. Pero kahit ganoon, eh tinyempuhan ko pa rin na nakatalikod si Prof, para di niya mahalata na late na ako.
"You must be Ms. Mendoza?"
Napalingon ako sa direksyon ng boses. Shocks! Ang pogi, anyare na kay boring Prof na ubos na ang buhok, at namumulok na ang ngipin? Yes! Napalitan na siguro siya nitomg si Sir Tisoy! Yiie, lalo na akong magaganahang pumasok! Uy, may dimples pa! Simula na talaga ng magandang araw ko!
"Hi Sir Tisoy! Ako nga po, bat plis, kol me Maine."
"Hmmm, Professor Carlos warned me about you."
"Anong sabi niya? Mabait? Masunurin? Ay, maganda?"
"Class clown, pasaway, laging late."
Hmp. Kung makatawa naman 'tong mga 'to!
"Si Prof talaga o, laging nakakalimutan na sabihing maganda ako."
"Please Ms. Mendoza, take a seat. Stop holding the class back from their learning."
Sungit naman, pero pogi pa din.
"I'm sorry, were you saying something Ms. Mendoza?"
Lagot, sinabi ko ba 'yon? Maine naman o!
"H-Ha? W-Walaaaa! Wala po akong sinabi Sir, guni-guni niyo lang po siguro."
"Apologies class, please continue to read from page 105."
Asaan na ba yung libro ko? Anbayen, pati ba naman 'yon nakalimutan ko ding dalhin? Saklap naman o! Mahiram nga yung book ni Sir. Sandali, ano bang pangalan nito?
"Ah, Sir! Sir! SIR! SIR TISOY!"
Aba kung makareact naman, nanlilisik yung mga mata...pero pogi pa din.
"Ms. Mendoza! Please, be quiet! What is it?"
"Eh Sir, nakalimutan ko po yung libro ko sa bahay, puwede po bang mahiram 'yong sa inyo?"
'Yan, sige Sir, hinga lang ng malalim.
"And by the way, it's Mr. Faulkerson," sabi niya habang inaabot 'yong libro niya.
"Pokerson? Anong klaseng apelyido naman 'yan Sir? Parang ang pangit naman pakinggan."
O, edi natawa na ukit kayo sa akin, class?
"Mr. F na lang. Now please, just read the book."
-
"Now, let's review by doing a little question and answer portion. Let's see...ah! Ms. Mendoza! Give me a cause of the Civil Rights Movement. Also, explain why," sabi niya sa akin habang naka smirk pa siya.
Aba, mukhang hinahamon ako nito ah. Ano tingin ng mokong na 'to sa akin, tanga? Porket pasaway, tanga na agad?
"One of the causes of the Civil Rights Movement was due to the long term issue of slavery. During the eighteen hundreds, the African slave trade was in full swing, with many African slaves being sold in the United States of America, or as they called it back then; the New World. These slaves were treated very poorly, as they were continually degraded. This mindset continued to ruin the perspectives of others on the African-American population, as they weren't given the same privileges as their fellow American citizens. Therefore, the movement was put into place."
O, ano? Edi natameme ka ngayon? Kung maka-underestimate ka naman, wagas! Umupo na ulit ako, at tumungo. Saktong nag-ring na ang bell, at dali-dali kong niligpit ang mga gamit ko. Nagmamadali akong lumabas kasi sobrang naba-badtrip na talaga ako kay Mr. Faulkerson."Ms. Mendoza," narinig kong tawag sa akin ni Mr. Faulkerson.
Tumigil ako sa paglalakad ko, pero hindi muna ako lumingon kasi hindi ko pa yata kayang tingnan ang pagmumukha niya.
"Ms. Mendoza, can I please talk to you."
Wala na akong choice, tumalikod na ako at pumunta sa desk niya - kami na lang ang natitira sa classroom. Nakita kong parang aligaga siya sa kinauupuan niya, kasi nilalaro niya 'yong glasses niya at hindi siya makatingin sa akin.
"Ano 'yon, Mr. Faulkerson? Will you be sending me to detention? Are you gonna make me write a sentence over and over again? Will you be giving me extra homework?" yes, mga bes, napa-english na tuloy ako sa inis.
"Ah...n-no. I-I just wanted to apologize for earlier. Hinusgahan kita kaagad," sabi niya habang hindi pa din siya makatingin sa akin.
"Mr. Faulkerson, inaamin ko na makulit ako. Pero, hindi ako tanga. Kaya puwede ba? 'Wag mong ipamukha sa akin na para bang wala akong alam."
BINABASA MO ANG
Runaway (MaiChard Oneshot Compilation)
FanficSince I always search for and come up with a bunch of MaiChard prompts, I decided to just post them up here. Who knows, I might even end up making a full fic out of a few of them!