A/N: Inspired by today's (Feb. 4, 2017) Kap's Book of Amazing True Love Stories episode. Where we saw Bae-Rangay Tanod Alden and Secretary Maine's first meeting.
Di po ako experienced sa "Barangay System" sa Pinas, so I apologize for any inconsistencies.
Everything in this story is fictional...I repeat, FICTIONAL. Any similarities are purely by chance...or simply, destined.
Kaya sabay-sabay po nating panuorin ang Destined To Be Yours, this February 27, on GMA Primetime TV!
-
Masayang sumisipol at naglalakad si Alden, ang Barangay Tanod ng Sta. Rosa Laguna, sa poder ng Mayor nito. Dadating kasi ang Mayor ng Sta. Maria Bulacan, sa kanilang fiesta. Malapit na magkaibigan ang dalawang Mayor, at kahit na bukas pa ang fiesta, minabuti na nitong pumunta ng maaga upang makatulong at makisalamuha sa iba't ibang miyembro ng pulitika.
"O, Alden!" bati ni Mayor Reyes sa kaniya.
"Mayor! Ayos po ba?" tanong naman ni Alden, humihingi ng katiyakan dito.
"Salamat sa team mo, Alden."
"Salamat din ho sa patuloy niyong pagtitiwala sa amin, Mayor."
"Boss! Boss!" sigaw ng isang binata.
"O, Lando, bakit?"
"Mayor," tango ni Lando, upang batiin ito.
"Ah, dumating na po sina Mayor Diaz, kaya sabi ko ho idaretso na dito 'yong sasakyan."
"ANDITO NA?" biglang sigaw ni Alden.
Laking gulat naman ito ni Lando at Mayor.
"Ah, sorry, sorry...andito na?"
Tumango na lang si Lando at noong oras din na 'yon, narinig na nila ang tunog ng isang sasakyan. Umalis sila sa daanan papunta sa loob ng bahay ni Mayor Reyes, upang sila ay makapasok sa driveway. Ginabayan ni Alden ang sasakyan upang maayos itong makaparada.
Bumaba ang driver ng kotse, at binuksan ang isa sa mga pintuan nito. Lumabas si Mayor Diaz, ang ngiti niya ay nagniningning, at mabilis nitong nakita si Mayor Reyes.
"Pare!" sigaw nila sa isa't isa.
Nabaling ang atensyon ni Alden ng may narinig siyang boses galing sa sasakyan.
"Kuya naman e! Montikan na akong masalpak ng pintuan!" reklamo ng isang babae.
Tinitigan ito ni Alden. Balingkinitan, may suot na salamin, at may nunal sa kanang banda ng baba. Malaki ang mga mata nito, matangos ang ilong at mapula ang labi.
"Maine!" tawag ni Mayor Diaz.
Tumakbo si Maine habang nakatungo, nagmamadaling makalapit kay Mayor Diaz. Ngunit sa kagustuhan nitong makalapit, hindi na niya napansin si Alden na kanina pang tulala sa kaniya. Ang mukha ni Maine ay umuntog sa dibdib ni Alden, at natural na napayakap si Alden sa bewang nito.
"AH!" sigaw ni Maine, habang minamasahe ang noo niya.
Itinaas ni Maine ang kaniyang ulo para makita kung sino ang nasa harapan niya. Nanlaki ang mga mata nito, nabibighani sa nilalang sa kaniyang harapan. Kumurap si Maine, dahil hindi pa din siya makapaniwala sa mga pangyayari.
"Maine!" muling sigaw ni Mayor Diaz, na nakapagpagising sa kaniya.
"Se-Ser! Eto na po!" sigaw ni Maine, pagkakalas nito sa bisig ni Alden.
-
Ipinapakita ni Mayor Reyes ang kalawakan ng bahay nito. Si Maine naman ay nakasunod sa kanila, habang nagsusulat sa notebook na kaniyang dala.
"Maine, ano bang isinusulat mo diyan?"
"P-Po?" gulat na sabi ni Maine.
"Anong sinusulat mo?"
"Eh, Ser, diba sabi niyo po idocument ko 'yong mga pangyayari? Eto po, sinusulat ko po lahat ng pangyayari," sagot nito habang ipinapakita ang notebook niya.
"Hindi ko alam kung seryoso ka o sadiyang pilosopa lang," naiiling na sambit ni Mayor Diaz.
Napakamot na lang si Maine sa kaniyang ulo, naguguluhan sa gusto ng Boss niya. Napabaling ang tingin niya sa direksyon nina Alden at Lando, at napansin niyang pasimpleng sumulyap at lumingon si Alden sa direksyon nila. Ayaw niya itong pangunahan, ngunit bigla siyang kinilig sa posibilidad na pinagmamasdan siya ni Alden.
Naramdaman niyang umiinit ang kaniyang pisngi, kaya napahawak siya dito, ngumingiti sa kaniyang sarili.
"MAINE!"
"AY! Andiyan na po!"
Napatawa si Alden sa nakita niya, at nanghinala si Lando kung bakit.
"O, Boss, bakit?"
"Ha? Wala," nahihiyang sambit ni Alden habang siya'y nakangiti pa din.
"Cute ni Secretary Maine no?"
"Hay, oo," hindi sinasadiyang sabi ni Alden.
"Sabi ko na eh! Type mo si Secretary noh?"
"'Wag ka nga, Lando, ngayon pa lang kami nagkita noong tao," sabi niya at siya'y lumayo na kay Lando.
Lalo ng hindi naniwala si Lando ng makita niyang tumatawa si Alden sa sarili niya.
"'Di lang yata type, nababaliw na din."
-
Ng gumabi na, nagsimula na ang pagdiriwang ni Mayor Reyes. Imbitado din sina Alden, hindi para magbantay, ngunit dahil parte sila ng mga bisita ni Mayor.
"Alden! Lando! Dito na kayo," tawag sa kanila ng iba pa nilang kasamahan.
Uupo na sana si Alden, ngunit nakita niya si Maine na mag-isang nakaupo sa malapit na la mesa. Binabasa lang nito ang notebook na dala-dala niya kanina pang umaga, hawak-hawak niya pa din ang bolpen. Napansin niyang kumunot ang noo nito at nagkakamot ng ulo.
"Sige na, Boss, puntahan mo na," pansin ni Lando, habang sinasagi ang braso ni Alden.
Nagpatungo na si Alden kay Maine. Sa pagco-concentrate nito, hindi na niya namalayang may tumabi sa kaniya. Umubo si Alden, upang kuhanin ang atensyon niya. Dahan-dahang ibinaba ni Maine ang kaniyang notebook, hanggang sa ang mga mata niya lang ang kita. Hindi nito inaasahang makita si Alden, kaya dali-dali niyang itinaas ang notebook para matakpan ang mukha niya. Natuwa naman si Alden sa nagawa nito, hinawi niya pababa ang notebook para makita niya ito ng maayos.
"Hello...Maine, diba?"
"Ah, oo...Maine," nahihiya niyang pag-amin.
"Alden nga pala," sabi niya habang iniaabot ang kaliwang kamay niya dito.
Kinuha naman ito ni Maine. Natulala sila sa mga mata ng isa't isa, parehong nakangiti at tuwang tuwa sa nakikita nila. Natural na inilagay ni Maine ang isang hibla ng buhok niya sa likod ng kaniyang tainga.
"Handa ka bang bumyahe from South to North?" hamon ni Mayor Diaz, habang ibinagsak niya ang parehong kamay sa balikat ni Alden.
Napakalas sila sa kanilang pagkahawak at sabay na namula ang mga pisngi. Si Maine ay napatingin sa baba, habang si Alden ay napahawak sa kaniyang batok.
"Kaya 'yan! Si Alden pa? Alam mo ba, Pare, siya na yata ang pinaka matiyaga na Barangay Tanod na nakilala ko!" pagmamalaki ni Mayor Reyes.
"Talaga lang ah? Ahhh, hindi mo pa nga pala nakikilala si Jake."
"Jake?"
"Oo, 'yong Barangay Tanod namin sa Sta. Maria."
Ay, lagot, naisip ni Lando, na patagong nagmamasid sa kanila.
BINABASA MO ANG
Runaway (MaiChard Oneshot Compilation)
Fiksi PenggemarSince I always search for and come up with a bunch of MaiChard prompts, I decided to just post them up here. Who knows, I might even end up making a full fic out of a few of them!