Thanks to ChristineJaneDecinil dahil sa pagsupport mo sa story ko. Keep on supporting JUDGE ME NOT! 。^‿^。.
****************************
LANCE POV
"Bakit ba ang dami mong binili, Ralley? Para saan ba yan?" Nagtatakang tanong ni Flame dahil sa napakaraming binili ni Ralley na groceries. Kakagaling lang namin sa mall.
"Don't mind me na nga lang." Inis nyang sagot kay Flame. Lumapit naman si Flame sa akin. Naka upo kasi ako sa sofa.
"Kunwari pa sya, eh para kay Clyde naman ang mga yun" bulong nya sa akin.
"Pch. Pabayaan mo na!" Sagot ko naman sa kanya.
"Sino magluluto sa adobo?" Sigaw ni Ace galing sa kusina.
"Ikaw!" Sagot naming lahat maliban kay Siera. Nagpipigil naman kami ng tawa dahil sa reaction nya.
"Hindi ako marunong eh, sino ba nag suggest na mag adobo?" Napatingin naman ang lahat sa akin.
"Huh? Suggestion lang naman yun!" Sagot ko sa kanila. Mahirap na baka ako ang palutuin nila. Di ako marunong magluto noh.
"Dapat pala, the one who suggested will make luto." Ralley na inaayos ang mga groceries.
"Ako na magluluto!" Napatingin naman kami kay Flame dahil sa pag volunteer nya.
"Yun! Buti na lang andito ka president." Si Clyde na umakbay kay Flame.
"Tseh! Kayo na mag luto ng kanin. May binili akong itlog na pula, lagyan nyo ng kamitis. Basta kayo na bahala."yun nalang ang huli nyang sinabi at umalis pumunta na ng kusina.
"Asus! Ang swerte ni Lance" panunukso ni Ace. Di ko na lang sya sinagot.
"Nung si Ace ang nataasan di pa nagvolunteer pero nung si Lance na, dun pa nagvolunteer." Siera na ngayon lang nakapagsalita.
"Magvovolunteer din yun!"sagot ko sa kanila.
"Ano pala pinag-uusapan nyo kanina? At parang ang saya-saya nyo?" Si Clyde naman ngayon ang nagtatanong habang sinisiko ako.
"Kung makapag usap kayo akala nyo nasa ibang bansa ako noh. Nasa kusina lang po ako, kaya rinig na rinig ko ho kayo rito."sigaw ni Flame mula sa kusina kaya nagtawanan naman kami.
"You better prepare that egg na nga lang." Pag-uutos ni Ralley.
"Tayo na lang dito Ralley, ikaw na lang magsaing Ace, tapos kayo Lance at Clyde prepare nyo na lang ang table." Paguutos ni Siera sa amin kaya dumiretso na sila sa kusina at kami na lang Clyde dito.
"Naku Warrent? Hindi ka pa naman marunong mag ayos ng table kaya turuan mo yan Clyde." Sigaw ni Flame sa akin.
"Pag ako marunong Flame, who you ka talaga sa akin." Sigaw ko pabalik.
BINABASA MO ANG
Judge Me Not
Teen FictionSa mundong ito, madaling manghusga pero madali ka ring husgahan. Kilala mo ba kami? Kung oo ang sagot mo? Gaano ka nakakasigurado? Hindi lang kami 'Wierd Loser', 'Promise Breaker', 'Best Student', 'Rich Heir', 'Naughty Bitch', at 'Bad Boy', kasi hi...