Chapter 11 Music Of Life I

169 46 2
                                    


ACE POV

Music class namin ngayon,whole day kami dito sa music room ngayon. Ganun daw kasi ang bagong pakulo ng school. In one year magkakaroon daw kami ng tatlong music class. Naninibago nga ako sa music room eh,wala kasing ganito sa dati kong school sa probinsya. Malaki ang room na toh! May mini stage sa gitna na may iba't-ibang music instruments. Hindi ko na nga kilala ang iba. At yan, ang purpose ng school. Na kahit kunti hindi kami maging inosente sa music. Hindi din naman daw toh kasali sa grades.

"Good morning everyone! " Napabalikwas ako ng marinig ko ng magiging guro namin. Napag alam ko din na kanina pa pala ako lutang.

"Before we start,let me just introduce my name first. I am Zoren Mat Cabal,your music teacher."-sir. Sapalagay ko ay nasa mid 20's pa lang sya. Mukha din syang mayaman base sa tindig at pananamit nya.

"I will also let you introduce yourself BUT! In the different way!" Napanganga naman ang mga kaklase ko.

"I will let you introduce yourself by singing the song of your life."-sir. Agad namang nag-ingay ang buong kwarto dahil sa mga binitiwang salita ni sir. Kahit ako nga ay nabigla.

"Guys,music is not just a simple words,phrases, or sentences that is in tone. It is a feeling and emotion that define us."-sir. Agad namang napatahimik ang mga kaklase ko.

"I'll give you 30 minutes to think. And your time starts now!". Napataranta naman agad ako dahil hindi ko alam kung anong gagawin ko? Ay mali! Anong kakantahin ko.

Napatingin ako kay Siera na katabi ko lang. Nakatingin sya sa kabilang banda ng dingding kaya nakatalikod sya sa akin,sya kasi ang pinakadulo. Naka Indian sit kasi kami ngayon na nakaporman letter C. Pinapalibutan namin ang mini stage.

Napadako naman ang tingin ko sa katabi ko ding si Clyde. Nakasandal sya sa dingding at... ano pa nga ba? Edi, tulog ulit! Katabi nya naman si Ralley na busy lang sa pag kulikot ng cellphone nya. Kasunod nya naman si Dia na tintingnan lang ang kamay nyang pinapapa-ikot ang ball pen sa daliri nya. Katabi nya naman si Lance na kumakain lang ng chichirya. Magaling! Ako lang yata ang namumublema dito? Nagtataka ba kayo kung ba't kami mag katabing anim? Sa totoo lang nagtataka din ako eh!

"Okay,times up!" Napa ayos naman ako ng upo. Magaling, ginugol ko lang ang 30 min. sa pag describe sa mga katabi ko. Wala tuloy akong maisip na kanta.

"In alphabetical order, let's start with letter A." Nabunotan naman ako ng tinik. Makapag-isip isip pa ako nito, matagal-tagal pa naman ang F eh.

Napatigil naman ako sa pag-iisip ng maramdaman kong tumayo si Siera. Hindi ko man lang napansin na natapos na pala ang iba kong kaklase.

"Boad?"tanong ni sir na agad namang tinanguan ni Siera.

Kinuha nya ang isang gitara at sinimulang mag strum. Marunong pala syang maggitara!

("Nobody's Home")

Well I couldn't tell you why she felt that way,
She felt it everyday.
And I couldn't help her,
I just watched her make the same mistakes again.

Hindi ko inaasahan na maganda pala ang boxes nya. Maging ang mga kaklase namin ay nabigla din. Lahat ay nakatuon lamang sa kanya. Malayong-malayo sya ngayon sa Sierang kilala namin. Ang astig! Pero alam mong may puso.

What's wrong, what's wrong now?
Too many, too many problems.
Don't know where she belongs, where she belongs.
She wants to go home, but nobody's home.
It's where she lies, broken inside.
With no place to go, no place to go to dry her eyes.
Broken inside.

Judge Me NotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon