Chapter 35 The Reopened Case

80 21 0
                                    

Hello school, how your first week? Or second na ba? Ilang chapters na lang.

ACE POV

"Oh, gets nyo na ba?" Walang sumagot sa tanong ni Dia sa amin.

"Dia pwede mo bang ulitin? Wala talaga kasi akong naintindihan eh." Huminga ng malalim si Dia sa tanong ni Clyde.

"Ok, uulitin ko. There are two types of resources. One, is renewable, consumed and replenish in short period of time. Ito yung mga resources na madaling mahanap, madaling mapalitan ganun! Gaya ng soil, water, plants..." Pag-papaliwanag ulit ni Dia. Nagre-review kasi kami sa earth science. Masyado din kasi akong naging busy sa pagpractice kaya marami din akong leksyon na napabayaan. Tapos para na rin kay Ralley dahil sa conditions nya at syempre para kay Clyde, ang pangit daw kasing magturo ng mga guro namin kaya wala syang naintindihan.

"Guys, you need to focus! Kasi baka sa susunod na araw hindi na muna ako makakapunta dito." Malungkot syang napatingin sa amin.

"Alam nyo naman na—"

"Alam namin." Pinutol ko ang dapat nyang sasabihin. Magsisimula na kasi sa susunod na araw ang paglilitis tungkol sa kaso nya.

"At alam mo Dia, marami akong natutunan!" Dagdag ni Clyde.

"Marami daw, eh kanina mo pa pinau-ulit si Dia." Pagpaparinig ni Lance kay Clyde habang diritso ang tingin sa bintana at pina iikot ang ballpen sa mga daliri.

"Nagsalita ang hindi nakikinig." Pagpaparinig din Clyde kay Lance kaya nagtawanan kami.

"Pch. Alam ko na yan." Kampating sagot ni Lance kahit nakatingin parin sa labas.

"Tss. Yabang! As always." Dun na sya napatingin sa amin dahil sa sinabi ni Dia.

"I'm just telling truth Ms. Riddle." Napa "ow" naman kami sa eksena nilang dalawa.

"You want truth?" Naka cross lang ang kamay ni Dia at nakataas ang isang kilay.

"The second type of resources is nonrenewable resources. It takes millions of years to accumulate. Example, iron, natural gas, oil, and biogas." Inikotan pa ni Lance si Dia at kami naman ay nakatutuk lang sa kanila.

"So, therefore I conclude na mayabang ka parin Mr. Villanuv." Nagmartsa si Dia papalapit sa board at binura ang mga nakasulat dito. Nagpipigil naman kami sa pagtawa pati si Lance na masuyo kaming tinitingnan.

"Hey ugly creature! Give me a glass of tubig bilis!" Napatingin naman kami kay Ralley na inutusan si Clyde, si Clyde naman ay napakamot lang sa ulo.

"Sh*t! Ako, ugly creature? Sa gwapo kong toh! Marami nga nagpapapicture sa akin eh." Inayos pa nito ang collar matapos iabot kay Ralley ang tubig.

"You look at there nga." Agad namang sinunod ni Clyde. "Here, sa kabila." Lumingon naman sya sa kabila. "Over there sa ceiling." Tumingin naman sya sa kesami at nakakunot noo na tiningnan si Ralley na nakakakunot noo din.

"In what banda ka na naging gwapo? I don't see kasi any part of your face that proves you are gwapo?" Napahawak naman si Dia sa than nya sa kakatawa.

"Tandaan mo ang mukha toh!" Tinuro nya ang mukha nya at medyo naman nagtataka si Ralley.

"Ito ang mukha ng mapapangasawa mo at ang tatay ng magiging mga anak mo." Natahimik naman kami, pati si Ralley nabigla. Kahit si Clyde hindi inaasahan ang mga nasabi nya.

"Ayeiiiii..... " pangangatyaw ni Dia sa kanila. Halata namang namumula si Ralley, si Clyde ay kinakabahan, at Lance na tinatawanan ang pinsan nya.

"Wag kasi kayo magbiro masyado may napapa amin nang maaga eh." Tawa ng tawa si Lance habang naka akbay kay Clyde.

Napansin ko naman na tahimik si Seira. Pansin ko netong mga nakaraang araw nagiging tahimik sya.

"Ok ka lang?" Tanong ko sa kanya. Nabigla naman sya dahil sa bigla kong paglapit sa kanya at agad na tiniklop ang notebook nya. Habang nagtatawanan kasi kami ay nakatutuk lang sya sa notebook nya na tila may sinusulat.

"Oo, medyo nahihirapan lang ako sa mga leksyon natin." Pagdadahilan nya, pero alam ko namang nagsisinungaling sya.

"Kung may problema ka, tandaan mo andito lang ako. Andito lang kami." Pareho kaming napatingin sa aming mga kaibigan na panay ang tawanan.

"At nahahalata ka nila. Hinihintay lang nila na mag open ka sa kanila." Napatingin sya sa akin.

"Alam ko, sasabihin ko din naman sa inyo eh. Hindi pa lang siguro ngayon." Yumuko sya kaunti.

"Uy, uy, uy! Ano yan? Kayo, ba't may sariling mundo kayong dalawa ha?" Napaangat ang tingin ko kay Dia na kung makapagturo ay parang nagtuturo ng magnanakaw.

"Just let them Dia, they are just spending a lone time together." Dagdag pa ni Ralley.

"Oh ako, umamin na. Si Ace dumadamoves na—"

"Ah—" balak ko sanang kumuntra kay Clyde pero pinutol nya din ang sasabihin ko.

"Ikaw insan, anong gagawin mo? Mukhang naiingit si Dia eh." Nanlaki naman ang mga mata ni Dia at si Lance ay natigilan naman.

"Ako?" Tinuro nya ang sarili nya. "Naiingit? Bakit naman?" Mas nanlaki pa ang mga mata nya.

"Oo." Simpleng sagot ni Clyde.

"Dia, hindi ka ba sasama bukas?" Natigil naman kami sa tanong ni Siera.

"Hindi, naisip ko lang. Pasensya na." Medyo na konsensya naman si Siera sa tanong nya.

"Hindi ok lang." Pilit na ngumingiti si Dia kaya nilapitan na sya ni Siera.

"Sorry ha." Hinaplos nya ang likod ni Dia.

"Ok lang talaga, tsaka bukas? Ikaw nalang muna i-aasign ko para sa byahe ninyo." Tumingin sya kay Seira.

"Kinakaylangan ko kasi na maghanap ng witness para mas mapadali ang case ko." Tumango lang si Siera sa kanya.

"Nakalimutan din kasi ni mama kung kaninong funeral yun kasi matagal na nangyari yun plus pilit pa namin kinanakalimutan. Alam mo naman anong nangyari diba? " tango lang ang sinagot ni Siera sa kanya.

"Guys, gusto ko talaga sumama sa inyo pero kaylangan ko eh. Kaylangan kong lutasin ang problema ko para atleast pag gumaling na si Ralley, wala na tayong problema." Sabi nya sa amin.

"Pano kung samahan mo nalang kaya si Dia Lance." Suhesyon ko kaya napatingin sila sa akin.

"Hindi, wag nah." Pagtanggi nya.

"Pero, tama sya Dia. Diba ba, your fight is our fight? Kaya hindi ka namin hahayaang kikilos mag-isa. May kikilos for Ralley, may kikilos for you." Umakbay si Lance kay Dia.

"Nagiging pabigat na ba ako?" Tanong nya.

"No, hindi ka pabigat!" Pag-angal ni Ralley.

"They are right. Kaya na nilang tatlo yan." Dagdag nya pa. Kaya napahinga sya ng maayos.

*tok tok*

Tumayo ako para puntahan ang kumatok. Nung bumukas ang pinto bigla nalang napataas ang tuno ni Dia na nagpagulat sa aming lahat.

"Bakit kayo andito?"

Judge Me NotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon