Epilogue

194 26 1
                                    

Author's note:

Bibitinin ko muna kayo sa epilogue ha. Gusto ko lang po kasi na magpasalamat sa lahat ng nagbasa, umunawa, nakaintindi, at supurporta, sa story na toh mula sa simula. Pasensya po if mostly naging boring ang flow ng story, yun lang po kasi ang nakaya ng powers ko.

Sa lahat naging friends ko sa wattpad man o sa real world, salamat sa pagpapalakas ng loob ko para magawa at maging successful ang story na toh. Hindi ko po kayo mention lahat kasi dami nyo but I know kilala nyo na kung sino kayo. Love you guys.

Keep reading and God bless.

DIA POV

After 9 years

Inilapag ko sa tabi ng lapida ang dala kong bulaklak. Matatagal na din since last akong bumisita dito. Pinatayuan namin ng isang maliit na masisilungan ang libingan nya. Dito na din kami nagkikita, nagkakaroon na kasi kami ng kanya-kanya naming responsibilidad.

"Mommy matagal pa ba tayo?" Napangiti ako kay Ashly na kinakalabit si Siera.

"Inaatok ka ba Ash?" Tanong ko sa kanya na tinanguan nya ako bilang sagot.

"Matulog ka na muna, gingisingin ka na lang namin mamaya." I can't help but to smile as I look at Siera combing her hair.

"Segi, kukunin ko nalang ang unan at kumot mo, anak ha." Yun nalang ang huling sinabi ni Ace at pumunta sa sasakyan nya na nakapark sa hindi kalayuan.

Nakahiga si Ashly sa lap ni Siera. She 3 years old pero fluent kung magsalita.

Parehong nagtake up ng bussiness administration sina Ace at Siera, sabay silang nag graduate. Later, nagpakasal din sila at hanggang ngayon the fire of their love was still there. Lumaki na din ang negosyo nila at nakapagpatayo na sila ng mga branch sa Asia.

Tumulong nalang ako sa paghahanda ng pagkain na dala-dala namin. Napagkasunduan kasi namin na magkanya-kanya kami ng mga dishes na dadalhin since magkalayo na kami.

"Siguro matatagalan pa si Clyde. Buntis pa naman ang asawa nun." Nagkibit balikat lang ako sa sinabi ni Ace.

Clyde is now handling their business na dapat sa kanya. Nagtake up sya as business administration. Pero nakapag patayo din sya ng mga gallery nya for all his captured photos na most of the subjects kami. Masyado nga syang sikat eh. Marami syang branch from Philippines to the other side of the world. May tinutulungan din syang mga kapos-palad na gustong magphotographer. At ang mga photos nila naka exhibit din sa mga gallery nya.

"Sana lang hindi sila nag-aaway ngayon." I chuckled dahil sa sinabi ni Siera.

"Impossible na siguro na mangyari yun. You know that couple." I said with full of sarcasm.

"Hey, hey! Ako ba pinag-uusapan nyo?" Napaangat ang tingin ko sa may pinto.

"Guyyss!! I really miss you na talaga!" Sigaw nya habang pilit na hinihila ang bisig nya mula sa pagkakahawak ni Clyde dito. Hindi ko naman mapigilang matawa. Kahit sina Ace at Siera din natatawa.

"Honey naman, di ba sinabi ko na sayo na wag kang tatakbo. Malaki na yang tyan mo oh." Inirapan lang nya ang asawa nito.

"Oo nga naman, ingat-ingat din makakapag akapan din tayo." Si Siera na mismo ang lumapit dito at humalik sa pisngi.

"I really miss you all talaga. Sayang lang at wala pa si pinsan in law ko." Medyo nalungkot naman sya.

"Darating yun si insan, maghintay lang tayo, ang layo pa kaya ng pinanggalingan nun." Sagot ni Clyde habang inalalayan ang asawa nya na umupo. Kahit palaging nag-aaway ang dalawang toh, makikita mo parin ang pagmamahalan nila sa isa't-isa.

Judge Me NotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon