Chapter 10: Gone

10.6K 402 12
                                    

"This kingdom will be ruined by him."

"Him?"

"Yes! Him. You need to stay away from him. Stay away as long as you can! He'll be your downfall. He'll take everything away from you!"

Napabalikwas ako nang bangon dahil sa panaginip na iyon. Mabilis akong napahilamos ng mukha ko at pilit na inaalala ang nangyari sa panaginip ko. "What the hell was that?" mahinang tanong ko sa sarili. Mayamaya lang ay napahawak ako sa kanang bahagi ng aking dibdib. My heart is beating so fast. Hindi ko alam kung bakit nagkakaganito ito ngayon ngunit hindi maganda ang kutob ko rito. And my dream? Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin nito. "He'll be my downfall." Halos walang tinig na wika ko at napakagat na lamang ng pang-ibabang labi.

I sighed. "It was just a dream, Shanaya. Just a dream." I stated and convinced myself about it being just a dream. Nothing more, nothing less.

Nagsimula na akong mag-ayos ng sarili ko. Maingat ang bawat galaw ko at habang pilit kong iniintindi ang napanaginipan ko ay bigla ko namang naalala ang nangyari kagabi. Wala sa sarili akong napangiwi at mahinang tinampal ang noo.

Last night was a disaster! Nagsinungaling ako kay Simon which is never ko pang ginawa sa kanya noon! I always speak the truth! I never lie, lalo na sa mga taong malapit at pinagkakatiwalaan ko! Pero hindi na ngayon! I lied and I don't know if I can face him without feeling guilty about it!

At dahil lang iyon sa kanya, dahil lang kay Timothy na siyang dayo lamang sa kaharian namin! Alam kong mali iyong ginawa ko ngunit hindi ko naman hahayaang mapahamak ito dahil lang sa pagbisita niya sa akin kagabi! He already suffered enough. Ayaw ko nang dagdagan pa ang paghihirap nito dito sa Xiernia!

Mabilis kong tinapos ang pag-aayos sa sarili at lumabas na sa silid ko. Wala akong gagawin ngayong araw kaya naman ay gagamitin ko na lamang ang libreng oras na mayroon ako ngayon upang maglibot sa palasyo.

Tahimik akong naglakad habang nakasunod sa akin ang iilang taga-silbi at royal guard. Hinayaan lang nila ako sa nais kong gawin at noong mapansin ko kung saan ako dinala ngayon ng mga paa ko ay mabilis akong natigilan sa pagkilos. Gulat akong napatitig sa gusaling nasa harapan at mabilis na napahawak na lamang sa noo ko.

What the hell am I doing here?

"Princess Shanaya." Napalingon naman ako sa gawing kanan ko. May tatlong kawal akong namataan at mabilis na yumukod sa gawi ko. I simply nodded at them as my response.

"Kung hindi niyo po mamasamain, ano pong ginagawa niyo rito?" tanong ng isa sa kanila. Napatitig ako sa kanila at wala sa sariling napatingin sa gusali kung saan nanunuluyan ang ibang royal guard ng palasyo.

I silently sighed at pilit inalala kung bakit ako napunta sa lugar na ito! Napangiwi ako noong wala akong makuhang sagot sa naging tanong nito sa akin! All I know was I'm in my room, spacing out and beating myself about what happened last night, and after I got my senses back, I'm already here!

Hindi na lamang ako sumagot sa naging tanong nito. Muli akong humugot ng isang malalim na hininga at noong napagdesisyunan ko nang umalis at magpatuloy sa paglilibot, mabilis akong natigilan noong may nagsalita sa likuran ko.

"Are you here to see him?" It was Simon! Agad akong tumingin sa kanya at sinalubong ang matamang titig nito sa akin. "Are you here for Timothy?" He asked again.

Mariin kong kinagat ang pang-ibabang labi. I'm really too occupied right now! I'm spacing out and can't focus! Dahil maging ang presensya ni Simon ay hindi ko man lang naramdaman! What the hell, Shanaya? Umayos ka nga!

Mabilis akong umiling kay Simon. I'm not here for him. Iyon ang totoo! I'm here because my feet brought me here and not because of him. Not for him!

Hindi kumibo si Simon at tiningnan ang mga kawal na bumati sa akin kanina. Mayamaya lang ay naramdaman kong umalis na ang mga ito. Ganoon din ang mga taga-silbi na kasama ko. Umatras ang mga ito at hinayaan akong makipag-usap kay Simon. "He's gone," muling sambit nito na siyang ikinatigil ko. Bahagyang kumunot pa ang noo ko sa narinig mula sa kaibigan.

Shanaya: Queen of the FairiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon