Tahimik ang bawat hakbang ko habang tinatahak ang madilim na daan patungo sa portal na siyang magdadala sa amin sa Xiernia. It's almost four in the morning at kagaya nang napag-usapan namin, sasama silang lahat sa pagbabalik ko sa mundong pinanggalingan ko.
My friends were silent, too. Maging si Timothy ay naging tahimik lang na siyang ikinabahala ko. I wanted to know what's on his mind right now. Simula kasi noong natapos ang pag-uusap namin ng magkakapatid na Alvarez, naging tahimik na ito at may kung anong iniisip. Maging si Nates ay napansin iyon kaya naman ay hindi na niya inabala bang kausapin ito at awayin.
Mayamaya pa'y bumagal ako sa paglalakad. At noong tumigil ako, nagsihinto rin ang mga kasama ko. I bit my lower when I saw the portal just a few steps away from us. "Nandito na ba tayo?" I heard Natasha asked.
Marahan akong tumango at bumaling sa kanila. Kita ko kung paano nila nilibot ang paningin sa paligid, like they're looking for something. Madilim pa kaya naman ay wala silang maaninag na kahit ano sa paligid. Ngunit kahit naman maliwanag na, hindi pa rin nila iyon makikita. "The portal is invisible. Hindi iyon nakikita ng mga Tereshlian na kagaya niyo. Only a Xier can see it. And to open it, tanging kagaya ko lamang na miyembro ng royal family ang may kakayahang gawin iyon," Paliwanag ko sa kanila.
Bumaling naman ako kay Timothy na ngayon ay nakatutok ang buong atensyon sa unahan namin. Sinundan ko ang tingin niya at natigilan ako sa puwesto noong napansing nakatitig ito sa direksiyon kung saan naroon ang portal patungo sa Xiernia. Can he see it?
"Let's go," aniya sa isang seryosong tinig at nauna nang maglakad patungo sa portal. Napaawang ang labi ko. What the hell? Can he really see it? How?
Marami akong nais itanong kay Timothy ngunit mas minabuti kong isantabi lang muna iyon. My questions can wait! Kailangan kong ituon ang buong atensiyon sa gagawing pagbukas ng portal! Humugot ako ng isang malalim na hininga at sumunod kay Timothy. Tumigil ako sa paglalakad at tumayo sa tabi niya. Itinuon ko ang paningin sa portal at mariing ikinuyom ang mga kamao. I can feel the strange power coming from the portal. It's a strange yet so familiar energy. Tila ba'y kahit hindi ko pa nasubukang gawin ito noon ay hindi ako mahihirap sapagkat kilala ng katawan ko ang enerhiyang bumabalot sa portal na ito.
I took a deep breath and slowly raised my right hand and face it towards the portal. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko bago sinambit ang mga katagang magbubukas sa nakasarang lagusan patungo sa Xiernia. Alam kong manghihina ang buong katawan ko pagkatapos ng gagawin. Sa kondisyon ko ngayon, maaring mawalan pa ako nang malay! Kaya isang malaking tulong talaga sa akin na kasama ko sila Timothy ngayon!
'El syerdee portal xii' I chanted the spell inside my head. Mayamaya lang ay napapikit ako noong dumaloy ang matinding enerhiya sa mga kamay ko. Maingat kong tinaas ang isa pang kamay at itinutok na rin iyon sa portal. At dahil sa ginawa, mas dumoble ang lakas ng enerhiyang dumadaloy sa buong katawan. I gasped some air and concentrate. Damn! Biglang nanghina ang buong katawan ko!
Muli akong napahugot ng isang malalim na hininga at iminulat na ang mga mata mo. Mataman kong tiningnan ang portal sa harapan. Nagliliwanag ito ngayon! It's opening! The portal between Xernia and Tereshle is opening! I silently bit my lower lip and a tear escape on my eyes.
Xiernia... I'm almost home. Shit! I mentally cursed when I felt my body is about to collapse. No! Not now, please! Hindi pa lubos na bukas ang portal!
Pilit kong nilabanan ang matinding sakit na nararamdaman at itinuon ang buong atensyon sa lagusang kalahating bukas na! And when I finally opened it, ibinaba ko ang dalawang kamay at nilingon ang mga kasamahan ko. "It's open. We can enter the portal now. But we must be quick! Hindi ito magtatagal na bukas."
BINABASA MO ANG
Shanaya: Queen of the Fairies
FantasíaKingdom of Tereshle Story #3 [COMPLETED] Shanaya. Queen of the fairies. She doesn't want the crown nor the throne. Para sa kanya, mas nanaisin pa niyang mamuhay ng matiwasay sa labas ng kanilang kaharian, ang Xiernia. Noon pa man, itinatak na ni Sha...