Ano nga ba ang dapat natin maramdaman kapag iniwan tayo ng taong mahal natin? Dapat bang malungkot o dapat magalit? Kailangan bang malungkot sa kadahilanang wala na siya sa tabi mo o dapat bang magalit dahil ang taong minahal mo ay iniwan ka? Ano nga ba? Ang gulo 'di ba?
--
There I was, thought I had everything figured out
It goes to show just how much I know the way life plays outI take one step away then I found myself coming back to you
My one and only
One and only—"Hoy!" Sabay hampas sa akin ni Faith habang kumakanta kasabay ng malakas na sounds ng electric guitar. "Maglaba ka na ng damit mo, tamad na 'to!"
Oo nga pala, madami pa 'kong gagawin. Pero paano nga ba? Paano ko nga ba sisimulan ang lahat ng 'yon? Maglalaba ba muna ako bago gawin ang projects at paperworks o matutulog muna 'ko kasi dalawang oras pa lang ang tulog ko? Hay nakakatamad talaga pag sabado na.
Sa dinamirami ng makakasanayan ko, 'yon pa yung pinakamahirap - ang matulog ng may araw na.
Siguro dahil na lang din sa part-time job ko noong summer kaya nasanay ako. Dumagdag pa yung pag-iisip ko sa mga subjects kong kailangan na ng permit at yung babayaran ko sa school na kulang 20k. Hay nako.. ang hirap mabuhay ng walang magulang na aagapay sa'yo kapag kailangan mo ng karamay.
Buti na lang nandyan si Faith..
Para maging nanay sa akin.
Hindi ko sya kaano-ano pero pinapatira niya 'ko sa bahay niya. Parehas kami na wala ng kasama pero ang kaibahan lang ay ang pamilya niya nasa ibang bansa at ayaw niyang sumama doon. Mas matanda nga pala siya sakin ng pitong taon pero parang tropa lang ang tingin ko sa kanya. Ayaw niyang tinatawag ko siyang 'ate' o 'tita', basta Faith lang.
Nagkakilala kami sa school. Student assitant siya sa library noong 1st year college ako. High school pa lang ay mahilig na talaga akong matulog sa library kapag vacant time ko kaya nadala ko 'yon hanggang college. Ang naging problema ko lang ay siya. Lagi nya kong pinapalabas ng library sa tuwing mahuhuli nya akong tulog. Napakahigpit niyang tao pero 'di ko rin inaasahan na maiinlove ako sa kanya.
Hindi niya lang alam, mahirap umamin. Lalo na kung alam mong malaki ang agwat ng pagkatao niyong dalawa.
"Nga pala 'rish, baka 'di ako umuwi ng dalawa o tatlong araw ha. May lakad kami ni Jasper." Paalam sa akin ni Faith habang nagsasandok ng tanghalian namin.
"Saan naman kayo pupunta? Bakit ang tagal? Pwede mag-aya ng bisita? Maglilinis na lang ako? Isasarado kwarto mo? Okay lang?" Nakakalokong sagot ko sa kanya.
Lagi naman siyang ganito kapag may bago siyang manliligaw. Aalis at makikitulog. Sabagay batang 90's kase kaya hayok na hayok sa manliligaw. Tapos ang ending e, magsasawa rin siya at babalik sa akin, ay este sa bahay pala.
"Sige lang magdala ka ng bisita. H'wag lang si Loreign at baka hindi na umalis dito 'yon. Char!" Nakangiting sagot sa akin ni Faith. Pero ako 'di ako natutuwa sa binanggit niyang 'yon.
"Puta, si Loreign? Sige palock na lang ng bahay pag-aalis ka na maglalaro lang ako. Nawalan na 'ko ng gana kumain." Sabay tayo at labas ng pintuan ng bahay napakadaming pwedeng sabihin. Nandyan si Carah, si Khaila, si Shantal, pero bakit si Loreign? Tangina talaga nakakapang-init ng ulo.
Alas otso na ng gabi ng lumabas ako sa computer shop sa St. Lived. Hindi ko rin alam kung umalis na si Faith sa bahay basta ayoko siyang makita ngayon.
Hindi parin nawawala yung init ng ulo ko. Dumagdag pa yung sunod-sunod na talo sa laro nakaka bwiset na!
Pagdating ko sa gate naaninag ko na bukas yung ilaw sa bahay at nakabukas din ang pintuan. Hindi pa siguro siya nakakaalis.
"Anong oras ka ba aalis ng bahay?" Marahang tanong ko pagpasok ko ng bahay. Nang pagtingin ko sa kanya, wala siyang suot na kahit ano paglabas niya ng banyo.
"Putangina mo, bastos!" Sabay balibag sa akin ng tuwalyang pinampupunas niya sa ulo niya.
"Tangina ka maglock ka ng pinto pag wala kang kasama!" Sabay takbo palabas ng pinto at dali dali kong sinara ito. Sanay naman na 'kong ganun sa kanya kasi hindi lang isang beses niyang ginawa 'yon. Mas malala pa nga yung mga nakaraan kasi bigla na lang syang pumapasok ng kuwarto ko habang tulog ako at wala siyang kahit anong damit. Pero kapag ginagawa niya 'yon ay nakainum siya o kaya naman ay naka 420. Kaya wala na lang sakin 'yon. Saka wala akong pagnanasa sa matanda na 'yon.
After 5 minutes ay binuksan na nya yung pinto, hindi pa rin siya nakabihis at naka tuwalya lang siya. "Bigla na lang kasi pumapasok ng hindi kumakatok."
"Nagsalita ako. Ikaw 'tong biglang lumalabas ng C.R ng walang saplot. Bastos ka talaga." Sarkastikong sagot ko sa kanya habang nakatawa.
"Eto nga pala yung 25k. Magbayad ka na sa Monday tapos yung sobra pang down payment mo sa enrollment o kaya mag enroll ka na rin, ha."
"Tsk! Sinabing 'di naman kailangang magbigay. Kaya ko naman, e."
"May part-time ka nga, e kulang naman 'yang kinikita mo. Saka paano mo babayaran lahat ng binibigay ko sa'yo kung 'di ka magiging lawyer, 'di ba?" Nakangising sagot niya sa akin habang papasok sa kwarto nya para magbihis.
Hindi ko naman talaga pinangarap 'yon basta isang araw nagising ako pagod na pagod na 'kong magkulong sa kwarto habang sinisisi ang sarili ko sa katangahan na nangyari sa buhay ko at naisip kong gusto ko maging abogado.
Isang mahabang kwento ang buhay ko na pinipilit kong kalimutan. Habang nakatulala ako sa sofa at wala pang dalawang minutong nakalabas si Faith ay may dumating na sasakyan at biglang bumukas ang pinto.
"Hindi ka sasaya kung hindi mo siya kakalimutan." Kumaripas agad siya ng takbo palabas at napabalibag naman ako ng unan sa pintuan.
Kilalang kilala na talaga ko ni Faith.
Alam niyang yoon ang iniisip ko sa tuwing mababanggit ang future.
BINABASA MO ANG
Inside Out
Teen FictionPaano mo malalaman kung sino? Kung sino ang pipiliin mo, kung sino ang paniniwalaan mo at kung sino ang nagsasabi ng toto kung sa kwento at suspetsya mo lang nalaman ito?