A'rish POV
Nagpa ikut-ikot ako sa mga pwedeng puntahan ni Ynah. Tang ina! Ubos na pera ko. Bakit ko ba ginagawa to? Pero para talagang may mali e. Di ko alam kung saan at kung kaylan, pero madalas kong marinig yung ganung kataga.
Umupo ako sa park kung saan dati akong tumutugtog, nagpapalamig at nagiisip isip na tila ba may missing pieces sa utak ko na kaylangan kong maalala. May naglakad na bakla sa harap ko at may kausap na matandang lalaki ng biglang..
"TANG INA!!!!!" Malakas na sigaw ko dahil naalala ko na kung saan ko narinig ang ganung salita. Dali dali ay kinuha ko ang cellphone para tawagan si Faith, wala kasi akong number ni Ynah.
Faith:"Oy hello? Bat napatawag ka?"
Me:
"Send mo sakin number ni Ynah, dali. Thanks"
Sabay patay sa tawag. Wala pang 5 minuto ay natanggap ko na ang number ni Ynah na may kasamang pagtataka mula kay Faith.Tinatawagan ko sya pero di sumasagot. Lumipas ang lima, sampo at hanggang sa mag tatlumpung minuto na ay di parin sumasagot si Ynah. Wala na akong nagawa, kahit ayokong kumausap ng walker ay ginawa ko.
Me:"Ate san po bo ba may malapit na motel dito? San po ba dinadala yung mga pa walk dito?"
Ate walker:
"Dun sa Boyages. O di kaya sa Kremame inn. Pero tignan mo din sa Villas bar, minsan dun sila pumupunta."
Me:
"Salamat po."
Nilibot ko lahat ng sinabi nung walker na motel, pero wala sila. Nag try akong magpunta sa bar, pero madaming tao. Siguro mali nga lang ako ng hinala. Habang nag aabang ako ng taxi ay naaninag ko ang isang babae. Teka si Ynah yun ah. May kasama syang lalake at dalawa lang sila galing sa loob ng bar. Inabutan si Ynah ng 1k at ipinagbukas ng pintuan ng kotse. Hindi na ako nag isip at bigla na lang lumapit.
Hinawakan ko ang kamay ni Ynah, kinuha ang pera, at ibinalik sa lalake. Kasunod non ay hinatak ko papalayo si Ynah at naglakad. Pero hinawakan sya ng lalake.
Boy:"Teka sino kaba saka ynah akala ko ba okay na tayo sa 1k?"
Ynah:"Rish, bakit..."
Di ko na hinayaang tapusin ang sasabihin nya.
Me:"Sino ko? Ako yug guardian neto. Bakit ikaw, sino ka bang putang ina mo ka. Napaka bata nito para sayong hayop ka."
Walang ano ano ay sinapak ako ng lalake. Pag sapak nya sakin ay inilayo ko si Ynah at nakipagsuntukan sa kanya. Nilabas ko lahat ng galit ko sa katawan sa kanya. Hindi ko namamalayan ay hindi na sya gumagalaw at sinasapak ko pa rin ang kanyang mukha. Hinila ako ni Ynah sabay sabing, "Rish, tara na." At sumakay na kami ng taxi.
Hindi ako kumikibo at sya ang nagturo ng bahay. Tinignan nya yung dugo sa labi ko pero tinapik ko yung kamay nya.
Ynah:"Manong, paki daan nga po sa convenience store."
Driver:"Sige po ma'am. Sir, ayos yung suntok mo kanina ah. Lupaypay yung mayaman na mayabang."
Ynah:"Kilala nyo po yung nakaaway nya?"
Driver:"Ma'am, e lagi jan sa bar yon iba iba kasama na babae. Akala nga namin libre yun, e nagbabayad lang naman pala sya."
Me:"Manong pwede palakasan na lang yung sounds."
Pagdating sa convenience store ay bumaba si Ynah para bumili ng benda, yelo at alcohol. Pero bumili din sya ng beer.
Ynah:"Diba sabi ko sayo pag uwi ko mag iinum tayo. Di mo naman na ako naantay. Nakipag away ka pa."
Sabay tawa ng malakas.
Me:"Edi bumalik ka don puta."
Naiinis na ko kase nakukuha pa nyang tumawa.
Ynah: "Anu ka ba wala naman talaga akong balak magpa ganun e. Aatras na talaga ko kase ayoko. E kaso dumating ka, ayun natuluyan. Pero thank you pa rin Rish, sorry sa trouble."
Dumating kami sa bahay at ginamot nya ang sugat ko habang umiinom kami ng beer. Nagkalapit ang mga mukha naming dalawa, unti unti kong naramdaman ang kanyang paghinga na parang gusto kong halikan ang mga labi nya. Pero hindi pwede, pinsan sya ng ex ko. Saka may Loreign na ako sa buhay ko.
BINABASA MO ANG
Inside Out
Teen FictionPaano mo malalaman kung sino? Kung sino ang pipiliin mo, kung sino ang paniniwalaan mo at kung sino ang nagsasabi ng toto kung sa kwento at suspetsya mo lang nalaman ito?