Reminisced

7 0 0
                                    

Faith's POV

🎶
I try not to think
About the pain i feel inside
Did you know you used to be my hero?
All the days you spend with me
Now seem so far away
And it feels like you don't care all anymore

And now i try to make it i just want to make you proud
I'm never gonna be good enough for you
I can't pretend that I'm alright
And you cant change me

Coz we lost it all nothing lasts forever
I'm sorry i can't be perfect
Now its just to late and we can't go back
I'm sorry i can't be perfect

Nothing's gonna change the things that you said
Nothing's gonna make this right again
Please don't turn your back I can't believe it's hard, just to talk to you but you don't understand
🎶

Sumabay pa tong kanta na to. Ang hirap lang kase pinalaki nya ako ng matino, inalagaan at minahal. Sobrang proud ako sa kanya bilang tatay ko, ipinagmamalaki ko sa mga kaibigan na sya ang tatay ko. Pero lahat pala ng saya may katapusan. Bakit pa kase nya ginawa yun? Edi sana masaya pa rin kami ngayun. Bakit kase nabulag sya sa bagay na kahit wala ay magiging masaya kami? Hindi man lang nya naisip na may masasaktan sa gagawin nya. Hindi naman namin hiniling na ibigay nya samin yun lahat, kase sya na ang lahat para sa amin. Ang masakit pa doon, ginagawa nya lang daw iyon para sa amin.

---Flashback---

Dumating si dad ng aligagang aligaga. Nagmamadaling pumunta sa kwarto para kausapin si mom. Nagtatalo sila, sa hindi ko malaman na dahilan. Hindi ko masyadong marinig yung sinasabi ni dad pero si mom parang di sang-ayon sa gustong gawin ni dad. Narinig ko na lang nang sumigaw si dad ng, "Wala ka ng magagawa. Nagawa ko na, kaya sumang-ayon ka na lang at mag impake ka." Naguguluhan na ako sa parteng iyon, hindi ko alam ang nangyayare at noon ko palang narinig si dad na sumigaw ng ganun kalakas.

Lumabas sya ng kwarto at pumunta sa living room kung saan nandon sila kuya.

Dad:
"Ihanda nyo na mga damit nyo at aalis tayo ngayun na."

"Dad, bakit?" Sagot nila kuya sa kanya.

Dad:
"Basta wala nang madaming tanong. Sundin nyo na lang ako dali!"

Agad tumayo sila kuya at nagpunta sa kwarto nila. Habang ako, nakahiga. Ayokong umalis, gusto ko dito. Pano na yung pag aaral ko kung aalis ako!?

(Knock! Knock!)

Dad:
"Faith, Faith?" Malumanay na salita ni dad.

Actually daddy's girl ako, lagi kaming nagkukulitan at pag broken hearted ako sinasabi ko sa kanya. Kulang na nga lang e patayin nya yung ex-boyfriend ko e.

Dad:
"Anak alam ko gising ka. Alam ko din na narinig mo na aalis tayo. Anak sige na, please lang, kahit ngayon lang pagbigyan mo ako."

Hindi ko natiis si dad, kaya lumabas na ko. Nag impake din at sumama sa kanya. Hindi ko alam kung saan kami papunta pero sa loob ng kotse ay walang nagsasalita, walang music, wala kahit radio. Hindi ako umiimik dahil nagtatampo ako kay dad. Hindi ko kase alam yung detayle kung bakit kami aalis. Basta aalis na lang bigla? Ang hirap ng ganun.

Nakarating kame sa bahay nila dad noon. Liblib na yung lugar tapos walang kapit bahay.

Dad:
"Dito muna tayo pansamantala. Aasikasuhin ko lang yung mga papel nyo at pupunta tayo ng US."

Nagulat ako sa sinabi ni Dad. Syempre gusto ko din kaso bakit? Bakit kaylangan namin magpunta ng US samantalang okay naman yung buhay namin dito?

Me:
"Bakit tayo aalis dad? Anu bang meron? Di ko maintindihan."

Dad:
"Saka ko na ipapaliwanag. Mag ayos na muna kayo ng gamit nyo. Ikaw Faith, dun ka sa kwarto namin matulog. Dalawa lang kase kwarto dito."

Napakamot na lang ako ng ulo, wala na kong nasabi. Gusto ko pang magtanong pero ang feeling ko kahit magtanong ako at mag demand ay di rin masusunod. Sa isang iglap ay nagbago si Dad ng di ko inaasahan.

---after 2 weeks---

Habang natutulog kami nila dad at mom na magkakatabi at handa na din ang lahat para sa pag alis namin bukas na bukas din ay nagising ako sa usapan nila.

Mom:
"Dad kaylangan pa ba nating umalis? Baka pwede mo pa maayos yan saka maiintindihan ka naman siguro ni Pareng Albert."

Dad:
"Kung pwede nga lang, bakit hindi? Kilala ko si Albert simula pagkabata, alam ko takbo ng isip nya, alam ko hindi nya ako mapapatawad."

Mom:
"Yun na nga e. Kilala mo sya simula pagkabata pero bakit mo ito nagawa? Okay naman yung buhay natin a."

Dad:
"Naluge ako sa isang negosyong pinasok ko. Hindi ko alam na iligal 'yon kaya wala akong magagawa kundi gawin ito. Ayokong maghirap kayo ng dahil sakin, kaya kahit patalim hahawakan ko para sa inyo."

Gulat na gulat ako sa nalaman ko hindi ko alam kung anong dapat maramdaman. Hindi ko alam kung dapat pa ba akong magtiwala sa sariling tatay ko. Alam kong ginawa nya yon para samin pero hidi ko maiintindihan kung bakit. Hindi ko alam kung bakit nya ginawa iyon para samin kahit hindi naman namin hiniling. Yun lang ba ang tingin nya sa amin? Yun lang ba ang alam nyang gusto namin galing sa kanya?

(6:00am 3hours before flight)

Hanggang ngayon ay tumatakbo pa rin sa isip ko kung bakit nagawa ni Dad yun. Kung kaylangan ko ba talagang sumama. Hindi ko nakikita ang future ko sa States ayoko talaga don.

Gulong gulo ang isip ko at ilang oras na lang ay aalis na kame. Kaylangan ko ng mag desisyon kung sasama ba ako o magpapaiwan.

(One message received)

Cous' Ynah: Ate sorry ngayun lang ako nakapagreply kaloload ko lang kase. Meron pang isang bakante sa pinagtratrabahuhan ko kung gusto mo pwede kita i refer, wala akong kasama sa apartment pwede ka din dun. May problema ba ate? Kase hindi na kita nakikitang pumapasok nitong mga nakaraan.

Lalo akong naguluhan sa sinabi ni Ynah sakin. Gusto kong manatili, gusto kong makatapos dito. Hindi pa nga ako magsisimula, tatapusin na nila. Malaki na ko. Kaya ko na ang sarili ko. Buo na din ang loob ko. Tatakas ako, magpapaiwan ako.

Nag-abang ako ng tamang pagkakataon para tumakas. Inantay kong maubos ang oras para makalabas. Nung 30 min na lang before our flight, nag paalam ako kay Dad. Iniwan ko yung bagahe ko para hindi nya ako mahalata. Siguro nga ay hindi ko masyadong pinag isipan to, pero eto ang gusto ko.

--- end of flashback ---

Taxi Driver:
"Ma'am excuse me po, andito na po tayo sa airport."

Me:
"Ay sorry po manong. Eto po bayad. Keep the change thank you po."

Taxi Driver:
"Thank you po Ma'am. Have a nice trip. Kung ano man po yang iniisip nyo, magiging okay din po yan. Dasal lang po kayo."

Sinagot ko na lang ng ngiti ang payo ng manong sa akin. Tama din naman sya sa sinabi nya at yon na lang din ang magagawa ko ngayon at sa kahit anung oras.

Habang nakaupo ako sa lobby ng airport, may isang lalake ang tumayo sa harapan ko. Kilala ko tong shorts na to pati tong tsinelas na 'to. Sa kabilang banda may kasama syang babae, pero teka si Ja-

"Faith makinig ka." Pag tingala ko ay si A'rish ang nakita ko. Sabi ko na at sya iyon.

Me:
"Oh anung ginagawa mo dito?"

Nakakapagtaka kase nung umalis ako sa bahay ay tulog pa tong kolokoy na to. Siguro babawiin yung atm at wala syang pera e iniwan ko din naman sa ba-- Bigla nya na lang akong niyakap. Nagulat ako, di ko inaasahang ganun din ako kahalaga kahit alam nya ang lahat. Akala ko magagalit talaga sya sakin sa mga kasinungalingan ko.
----

Inside OutTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon