Habit(stay high)

12 1 0
                                    


Riiiiinnnngggggg!!!!

Tunog  ng nagsusumigaw kong alarm clock, na nagsasabing kaylangan ko nang gumayak para mag enroll, saka 1st day din ng second semester. Isang malupit na sem na naman, anim na buwan ng kabaliwan.

(Text message receive)
Classmate Cloude: Bro! What time ka pupunta dito? Tara na mag enroll ang haba ng pila shit.

Oo nga kaylangan ko na talagang gumayak pero bago ako tumayo nakareceive ulit ako ng isang text.

Classmate Cloude: oo nga pala boy nakita ko si Jane yung Accountancy, kasama yung pulpol nyang boyfriend sasapukin ko na ba?

Nakakatawa kase kaaga aga nang gagago na agad. Oo nga pala may boyfriend sya. Sayang naman kase kahit madaling hulihin ang manok pag nakatali hindi ko ginagawa kase meron ng may ari haha.

Pagsakay ko ng bus papuntang school naalala ko kung pano ko unang nakita si Jane.

--flashback-- 


Naka pikit ako habang nakaupo sa bandang gitna ng bus pauwi samin. Nakatulog ako siguro mga 10 min. Antok na antok ako ng gabing iyon dahil galing ako sa part-time ko. Hindi ko namamalayan na puno na pala ang bus ng tao at siksikan na. Isang babaeng estudyante ang nakatitig sakin habang nakatayo. Hindi ko alam kung anung gusto nyang sabihin sakin kung gusto ba nyang maki upo o ano. Mukhang pagod sya at siksik na siksik na. Sa hindi sinasadyang pagkakataon at sa katangahan na din ng driver ay biglang nagfull stop yung bus napakapit ang lahat sa pwedeng kapitan para lang hindi sila tumaob. Pero sya iba. Walang kapit kahit saan at tila hindi din sya natinag sa kinatatayuan nya. Hindi rin natinag yung pagkakatingin nya sakin na para bang may dumi ako sa mukha. Nung kakausapin ko na sana sya para paupuin ay bigla syang umiling sabay ngiti at sabi ng good luck at kasunod nuon ay ang pag lalakad nya palabas ng bus. Oo nga pala, nasa St. lived na.

Ibig sabihin dito rin sya nakatira? Taga dito pala sya? Pero bakit ngayun ko lang sya nakita? San ba sya galing?

--end of flashback--

Ang daming tanong sa isip ko nung mga time na yun. Napaka dami kong naiisip na kasagutan pero di ako kuntento. Hindi ko malaman kung bakit pero nakuha nya ang atensyon ko. Hindi sya kagandahan maliit, singkit at hindi ganung kaputian. Basta nakakatakot syang tumingin na kala mo papatay.

2:30pm.

Salamat at tapos na din mag enroll napaka haba ng pila, kala mo naman ganun kalaki yung eskwelahan namin.

"So ano na balak?" Tanung sa akin ni Cloude habang naglalakad kami papuntang department. "May 1k na tira sa pinang enroll ko ano? Set na dali."

Eto na ang sinasabi ko 200 lang ang natira sakin di ko pa alam kung naipasok na yung pay check ko sa atm.

"Sige may 10k ako dito". Sagot naman ni Dein kay Cloude.

Iba talaga pag mga rich kid. Wala lang yung pera sa kanila. Ako pang isang buwan na baon ko na yun.

Hindi pa namin napag dedesisyunan kung saan kami mag gagala o mag iinum. Ang alam ko lang ayoko yata sumama, may pasok pa kase ko bukas sa trabaho.

"Hoy chupol, h'wag mong sabihing di ka sasama? Ano ka ba, di ka ba masaya na hindi nya boyfriend yung kasama nya kanina?" Pahayag ni Cloude.

"Sino ba?" Patay malisyang tanong ko.

"Si Jane. Diba narinig mo naman yung usapan nila kanina? Friends lang sila kaya may pag asa ka pa. Saka malay mo sya na yung sagot para makalimot ka." Cloude.

"Tang ina. Sige makalimot pa puta!" Galit kong sagot sa sinabi ni Cloude.

"Ez boys lalabas tayo para mag saya hindi para makalimot okay". Masayang sagot naman ni  Dein samin habang inaayos ang loob ng sasakyan nya.

"Sa Spade tayo kung saan namamahay ang lahat ng bisyo, babae, weed, Ice, party drugs, sugal, alak lahat ng klase nandun kaya dun tayo". Masayang sigaw ni Dein habang nag dradrive palabas ng school.

Siguro nga tama sila yun ang kaylangan ko para maka move on at makalimot na sa mga bagay na kinikimkim ko.

🎶
"You're gone and i got to stay high all the time to keep you off my mind.

High all the time to keep you off my mind"
🎶

"Ey! Ey! Ey! Ey!" Sigaw ng lahat sa club. Wala kang ibang maririnig kundi ang malakas na tunog ng speaker habang nagtatalunan ang lahat sa kasiyahan.

Lumipas ang mga oras nag 8, 9, 10, 11 hanggang sa may hawak na kong weed ng hindi ko namamalayan. Hindi ko na rin alam  ang mga susunod na nangyare hanggang sa--

"A'rish! A'rish!. Ay puta! Hoy! Tang ina ka bakit ka nagweed ha?" Sigaw na gumising sa akin sa isang masayang panaginip. Oo nga no, bakit nandito na ko pano ako nakauwi? Ang natatandaan ko lang nag iinom kami.

"Ano bang nag weed sinasabi mo? Kaayos ayos kong nakauwi nag weed." Pabalang kong sagot. Siguro ay ihinatid ako nila Dein kagabi.

"Anong hindi? Lintik ka amoy na amoy sayo tapos babae pa yata yung nag hatid sayo kase nung may nag doorbell ay lumabas ako. Nakita kitang nakahiga sa labas ng gate tapos nung tumingin ako sa paligid may babae akong nakita. Tang ina mo babaero ka talaga". Sigaw sakin ni Faith.

Talaga ba? Sa isip isip ko, hindi ko talaga alam yung tunay na nangyare basta ang huling naaalala ko ay nag iinum kami sa Spade at langung-lango na ko sa alak at weed di ko na alam ang mga sumunod.

--

Geez, di na naman ako naka pasok sa trabaho. Napakasakit pa ng ulo ko, late pa ko. Bulong ko sa aking sarili habang nag aabang ng bus.

Naaninag ko si Jane sa waiting shed. Siya to, alam ko ang hubog nya kahit nasa malayuan. Nang ako ay nakalapit, tama nga ang hinala ko, sya nga. Pero parang may mali sa kanya? Ngayon ay hindi sya tumitingin ng masama? Bakit kaya?

Nakaka curious tong tao na to. Di ko alam kung bakit, pero kalaki ng interes ko sa kanya. Hindi ko din alam kung bakit, pero gustong gusto kong tinititigan yung mukha nya na masungit para sa iba pero maamo para sakin. Kahit madalas kaming magkasabay ay hindi pa kami nagtatabi sa bus. Ayoko syang katabi mas gusto ko syang katapat kundi naman ay mas okay na sakin na nakatayo ako para matititigan ko sya.

Pagdating sa school ay triny ko syang sabayan pero pagdating pa lang sa Gate ay bigla syang lumiko sa cr. Akala ko ay mag ccr sya kaya nag cr din ako pero pagpasok na pagpasok ko ng cr ay lumabas sya at madaling madali sa paglalakad na para bang alam nyang sinusundan ko sya. Di nya ba naisip na parehas kami ng school at magkalapit lang ang department namin? O masyado lang akong paranoid para isipin yung mga ganun? Ni hindi nga nya napapansin na tinititigan ko sya. Siguro nga ay coincidence lang yun.

"Bro! musta uwi mo kagabi? Masaya ba? Ano naka score ka ba? Pumayag ba?" Hindi ko maintindihan ang tanong sa akin ni Cloude pagpasok ko ng room namin.

"Anung pinagsasabi mo jan?" Nagtatakang sagot ko sa kanya.

"Si Jane! Di mo ba matandaan? Hinatid ka namin sa sakayan kahapon. Nakita namin sa harap si Jane walang katabi kaya ipinakiusap ka namin sa kanya. Ang akala naman namin alam mo na sya ang katabi mo."

Putang ina talaga ba? Hindi ako nakasagot sa sinabing iyon ni Cloude. Masyadong magulo isip ko. Lahat tumutugma, ako na lang ang ayaw maniwala. Babaeng naghatid. Ihinatid sa bus kung nasan ang babae. At ibinilin sa babaeng naghatid. 

PUTANG INAAAAAAAA. Hindi ako makasigaw dahil sa malat kong boses kaya sa isip na lang ako napa mura. Kaya pala ganun ang kilos nya, ibang iba. Hindi tulad ng dati. Hindi pala coincidence lang ang lahat. May dahilan pala kung bakit ganun na lang ang reaksyon nya.

Inside OutTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon