"Talaga ba? Si Jane? 'Di siguro. Siya ba talaga yung naghatid sakin?" Gulat na gulat kong sagot kay Cloude habang kinukwento kung paano nila ako iniwan sa kamay ni Jane. Hindi ako sigurado pero nagkakatugma ang sinabi nila sa sinabi ni Faith sakin.
Nakakahiya. Hindi ko alam kung paano ako magsosorry at kung paano ko itatanong kung ano ang mga ginawa ko habang magkatabi kami. First time ko siyang natabihan pero hindi ko maalala.
Ano kaya dapat kong gawin? Puntahan ko kaya siya sa room niya? Pero baka magka-iskandalo lang – isipin e manliligaw niya ako. Paano kung abangan ko kaya sa labas para kausapin? Kaso baka magmukha naman akong stalker na desperado. Eh kung i-chat ko na lang kaya siya? Pero 'di ko alam surname niya.
"Cloude, ano na nga yung surname ni Jane?" Pabulong kong tanong sa kanya habang nakikinig sa prof namin ng Philosophy.
"Collins yata nakita ko sa Bulletin Board ng CBA. Officer yata siya 'don, e - oh 'di ba mukhang sosyalin pero sarap murahin sa tinginan." nakakalokong biro ni Cloude patungkol kay Jane.
Paano ko nga talaga siya makakausap? 'Yon na lang ang huli kong pag-asa. Gusto ko lang naman magsorry sa kanya sa mga abalang nagawa ko. Pero paano kung hindi niya ko pansinin. Paano kung lalo niya akong iwasan? Hayst bahala na mamaya pag-uwi.
-
10:00 pm na 'ko naka-uwi, nagdadalawang isip kung itutuloy pa ang plano o hindi. Baka kasi tulog na siya, baka busy o baka may ginagawa? Ang hirap naman kaso nakakahiya talaga – bahala na.
Me: Hi! po?
(seen)
(active now)Wala na siguro talaga. Mukhang galit na galit. Thanks na lang sa kanya at hinatid niya ako.
Tapos habang nanunuod ako ng Kimi No Nami sa TV ay nag-vibrate yung phone ko.
Jane Collins: Hello? What's up?
"Tangina nagreply." Malakas na sigaw ko sa sala na tila naalimpungatan si Faith sa pagkagulat.
"Ano ba 'yun rish? Nanjan ka na pala?"
"Ay hanep talaga matulog, ni hindi mo ako naramdaman. Tignan mo nga nanunuod na ako ng anime hindi mo pa alam." sagot ko sa kanya na tila kumunot yung noo habang papalapit sa akin at biglang hampas sa ulo ko sabay sabing..
"Eh ano kung malalim ako matulog? Ang sinasabi ko bakit ka maingay, e natutulog ako?"
"Eh kasi – naalala mo ba yung babaeng naghatid sa akin kamo dito sa bahay? Chinat ko sya at nagreply ng 'hello'. Ang saya makakapagsorry na 'ko!"
"Sige pagpatuloy mo lang. H'wag ka lang maingay, tsk."
-- convo --
Me: Hi! po?
Jane Collins: Hello? Whats up?
Me: Ah, eh sorry po pala sa abalang nagawa ko kagabi. Saka thanks na din kase hinatid mo ako.
Jane Collins: Ay, okay po. Wala lang po yun. Kilala naman kita, e.
Me: Panu mo pala nalaman yung bahay namin? Lakas ko talaga mang abala ;( sorry
Jane Collins: Sige lang okay nga lang diba? Saka hindi ko talaga alam bahay nyo. Pang 5 bahay kaya yun na sinubukan ko. Ayaw mo kaya makitulog sa iba, pilit ka ng pilit umuwi.
Me: Naku naman, talaga ba? Madami ba kong pinaggagawa at pinagsasabi sayo nung nasa bus tayo?
Jane Collins: wala naman pong masama dun. Ang funny mo kaya pag nalalasing. Inaalok mo pa ng weed yung driver. Badboy ka pala nag weweed ka haha.
BINABASA MO ANG
Inside Out
Teen FictionPaano mo malalaman kung sino? Kung sino ang pipiliin mo, kung sino ang paniniwalaan mo at kung sino ang nagsasabi ng toto kung sa kwento at suspetsya mo lang nalaman ito?