Silence

6 0 0
                                    

Jane's POV

"Jane, Jane gising na." Sabay hawak sa akin ni mom sa ulo.

Mom:
"Lasing na lasing ka kagabi alam mo pa ba ginagawa mo?"

Me:
"Mom sakit ng ulo ko. Pano po ko nakauwi? Saka ano po yung ginagawa ko?"

Mom:
"Bumangon ka na muna jan at may pampatanggal ng hangover dun sa lamesa. Halika na, sabay sabay na tayo mag breakfast."

Iniisip ko kung anung ginawa ko kagabi. Habang nandito ko sa kama ko, nakatulala, katulad ng araw araw kong ginagawa.

Mom:
"Oo nga pala hinatid ka ni A'rish dito. Pero bakit parang nag aaway kayo nung makita ka ng papa mo sa labas?"

Me:
"Talaga po ba? Anu pong pinag aawayan namin? Di ko pa po matandaan mga nangyari ang alam ko lang po ay nagkakasiyahan kami sa bahay nila."

Mom:
"Pero anak matanong ko lang. Si A'rish ba, sya ba yung sinasabi ng pinsan mo?"

Me:
"Ah ehhh opo mom sya nga."

Mom:
"Ipapaalala ko lang ha. Wala ka sa kalagayan na yan para mahalin sya, pero parang gusto mo na ata sya?"

Me:
"Hindi ko din naman to ginusto mom e. Nagkasabay lang kase na nag break kami ng boyfriend ko, tapos saka kami nagkakilala. Tapos ayun yung atensyon na namimiss ko sa boyfriend ko sya yung gumagawa. Saka hindi sya mahirap mahalin. Hindi ko nga alam e kung bakit ganun yung pagkaka sabi sa akin, pero maling mali mom."

Me:
"Anak, bata ka pa. Saka mahirap sumugal sa pag iibigang ganyan. Kami ng papa mo alam mo ba. Nung una ay wala talaga akong gusto saknya. Pero ayun sa sobrang bait minahal ko din."

Dad:
"Anung wala? Ikaw nga tong naghahabol sa akin nun e. Naalala mo pa ba nung player pa ko ng basketball? Isa ka pa sa mga babaeng sumisigaw para sakin."

Ang saya ng umaga ko kahit masakit ang ulo ko at nahihilo pa ko ay masaya pa rin. Ngayun ko lang naranasan na maging ganito kaming tatlo.

Dad:
"Pero anak, kung mahal mo talaga mahal mo. Wala kang ibang gagawin kundi mahalin sya at maiintindihan naman siguro ng pinsan mo yung dahilan mo kung bakit di mo napigilan diba? Basta siguraduhin mo lang na mahal ka din nya ayoko ng maulit yung pag iyak mo dun sa loko lokong ex mo, okay?"

Naku si Dad talaga lagi na lang. Pero mahal ko na nga ba talaga sya? Hindi ko pa rin talaga alam. Siguro masyado pang maaga para magdesisyon para dun. Mabuti pa makapagsorry ako mamayang tanghali sa kanya, kase malamang tulog pa yun.

--

Bakit kaya pag nag mamahal ka kaylangan handa kang masaktan? Bakit kase sa maling tao pa ko nagkamaling mahulog. Bakit kase wala akong lakas ng loob noon na sabihin sa kanyang gusto ko sya. Bakit ako nagsinungaling sa sarili ko nang sabihin ko kay Loreign na hindi ko sya gusto? Ako naman ang nauna e, sakin dapat sya pero wala e. Wala akong lakas ng loob para magtapat noon, wala akong tapang na harapin ang nararamdaman ko. Pero ngayon, kakayanin ko na, ipaglalaban ko na kung ano ang alam kong tama. Wala na sila kaya okay na. Siguro nga mahal pa nya si Loreign pero gagawin ko ang lahat para mapalitan ko sya hindi ko lang sya tutumbasan kundi ay lalagpasan ko pa.

(One message received)
A'rish❤️: Jane, sorry kagabi ha. Medyo lasing na din ako. Sorry sa mga nasabi ko sana di ka galit sa akin naguguluhan pa lang din talaga ako sa mga pangyayare hindi ko pa rin mapagdesisyonan yung totoo. Nahihirapin din ako sa mga nalalaman ko sorry talaga.

Inside OutTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon