Rein'

13 0 0
                                    

Loreign's POV

( Araw pagkatapos nyang makitang muli si A'rish) ( Araw na nalaman ni Faith yung tungkol sa Dad nya)

(Doorbell ringing)

Nagising ako sa tunog ng doorbell, actually wala pang 3 hours yung tulog ko at sobrang sakit din ng ulo ko.

Habang bumabangon ako sa higaan ay tumunog muli ang doorbell.

Me:
"Sandali lang."

Kaaga naman atang pumunta ni Kuya dito.  Wala pang alas sais ay nambubulahaw na sya.

Kuya:
"Dalian mo, antok na antok na ko."

Me:
"Edi matulog ka na jan sa labas. Abala ka!"

Pagbukas ko ng pinto ay pulang pula ang mata nya at amoy alak. Hay nako, nag inum na naman. Lagi na lang ganito to.

Half brother ko sya, magkaiba kami ng tatay at pareho naman ng nanay. Pero parang baliktad e kase mas magalang pa sya kay Dad kesa kay Mom. Siguro dahil masyadong naging mahigpit si Mom sa pagpapalaki sa kanya.

Me:
"San ka ba nag inom at ngayon ka lang? At saka may sarili kang bahay diba? Bat dito ka umuwi?"

Kuya:
"Masyadong malayo. Jan lang ako sa tabi tabi nag-inum e. Pero teka nga, Bakit mas mapungay pa yang mata mo kesa sakin? Adik kaba? Adik ka yata e. Ay hindi nga pala mangyayari yon kase takot kang lumabas ng bahay dahil jan sa mata mo. Ay sorry realtalk."

Me:
"Geezz, kadami mong alam! Bukas yung guest room, sindihan mo na lang air-con at mainit jan pag-umaga."

Kuya:
"Pero iniyakan mo na naman yung siraulo na yon! King ina naman Rein, ilang taon na! 4th year highschool ka pa non. Sobrang tagal na, para hindi makalimutan."

Me:
"Hindi naman ako umiyak e. Naalala ko lang naman saka ako kase yung mali kaya nagiguilty ako."

Kuya:
"Edi hindi mo na sya mahal. Peo sya mukhang mahal ka pa rin." Sabay sarkastikong tawa.

Me:
"Paasa ka talaga, matulog ka na. Hindi mangyayari yon dahil alam mo naman kung sino yung humahadlang. Kaya hindi pwedeng maging kami."

Kuya:
"Oo alam ko, pero bakit takot ka? Andito naman na ko ah? 18 years ngang naitago yung identity ko ni hindi nga nya ko kilala. Saka kung nuon hindi kita na protektahan, iba na ngayon." Seryoso nyang banggit habang nag-aayos ng higaan.

Me:
"Saka alam mo namang sya pa rin ang kakampihan ni Mom diba?" Malungkot kong sagot habang nakatayo sa pinto ng guest room.

Kuya:
"Geez, kaya di ako bilib dun e. Sige na umalis ka na jan at baka ako ang magpaiyak sayo. Malamang masarap tulog nun ngayon. Habang ikaw di makatulog, hunghang."

Close kami kahit na half of my life itinago sya sakin. 10 years old na ko simula ng malaman kong kapatid ko sya.

Laking probinsya kami. Masarap ang buhay doon. Masaya kahit hindi maluho. Binubuhay kami nina Mom and Dad sa marangal na paraan. Si Mom ay mananahi at si Dad naman ay police officer.  Pero sa isang iglap nagbago ang lahat. Inalok si Mom ng trabaho ng Mommy ni Jane. Magkapatid sila ni Mom pero nagkalayo sila dahil sa batang nabuntis si Mom.

Nagbago ang buhay namin. Natutunan namin mamuhay sa syudad. Hindi nagtagal ay sumunod na din si Kuya at Dad dito dahil dito na sya nadestino. Kaso hindi na nga lang tulad ng dati ang pamilya namin. 4th year high school ako noong lumipat kami at noon ko nakilala si A'rish, dahil kay Jane.

*
Flashback
*

Ako na lang ba ang tao sa bahay na to? Paggising ko, tulog na si Dad. Si kuya naman ay gumagayak na para pumasok. At si Mom naman ay umaga palang wala na. Nasa malaking bahay nga ako at may kanya kanyang kwarto pero parang wala naman akong kasama.

Nang makilala ko si A'rish nagkaroon ng konting excitement at natuto ulit akong  ngumiti. Alam kong nakakalungkot yung nangyayari sa bahay pero masaya pa rin ako at kasama ko sila. Pero si A'rish ay maagang nawalan ng magulang. Kitang kita sa mukha nya ang pagkawalang interest  sa mga bagay bagay. Sayang yung talino nya. Sya yung tipo ng lalake na akala mong hindi magalang pero gentleman, yung akala mong masungit pero makulit at yung akala mong tahimik lang pero madaldal pala talaga. Mahiyain sya at hindi pala asa sa ibang tao. Hangga't kaya nyang gawin ay gagawin nya. Hindi sya mahilig humingi ng tulong sa iba. In short, maaga syang naging independent.

Nang maging close kami ay hindi ko mapigilang mahalin sya. Alam kong mahal sya ng pinsan ko pero hindi sya mahirap mahalin. Hindi ako ang nag comfort sa kanya, kundi sya ang nag comfort sa akin. Nilayuan ko si Jane hindi dahil trinaydor ko sya, kundi dahil nahihiya ako sa kanya. Nangako ako kay Jane na hinding hindi ma fafall kay A'rish at tutulungan sya na makilala ito. Sakit sa ulo ng init.

Maayos ang samahan namin ni Jane noong una pero simula nang maging kami ni Rish ay nagbago sya. Syempre hindi ko naman maitatanggi na isang trabahador lang nila ang nanay ko pero kahit ganun ay close pa rin kami noon ni Jane. Hanggang sa unti unti nya na akong pinahihirapan at ginagawang utusan, na parang yaya nya. Sinusunod ko sya noon dahil kay Mom. Pero nang sabihin nya sakin na layuan ko si A'rish ay duon na ko hindi sumunod. Binaliwala ko yung utos nya, hindi na ko bumalik sa bahay nila o sa pabrika nila. At malaman laman ko ay si mom naman ang pinagdidiskitahan nya. Hindi ko natiis ito at kinumpronta ko sya sa harap ng magulang nya. Hindi sya umiimik at parang maamong tuta. Umalis na lang din ako at baka hidi ako makapagpigil, mabastos ko pa sila tita.

Hindi nya pa rin kami tinigilan pagkatapos non. Okay lang kay Mom pero nang malaman nya na dahil  sa lalake ang puno ng pag aaway namin ay nagalit sya sakin. Anu na naman kaya ang sinabi ni Jane kay Mom at pati sarili nyang anak hindi na nya kinampihan?

Wala akong nagawa kaya nakipaghiwalay ako kay Rish. Alam kong kinausap din sya ni Mom. Mahal namin ang isa't isa, alam kong nagkakaintindihan kami. Yung huling pagsasama namin bago kami maghiwalay, alam ko na parehas kami ng iniisip na hindi kami bibitaw. Kaya naman kahit wala talagang pangako sa theme park na iyon ay nagkikita kami sa parehas na araw at oras sa bawat taon na nagdadaan.

*
End of flashback
*

Naguguluhan din ako ngayun kung may mararamdaman pa sya sakin. Kung pwede ko lang tanungin kay kuya pero magagalit lang sya malamang. Tae ang sakit ng sikmura ko.

(One Message Receive)

Unknown number: Good morning, ikaw si Loreign tama? Bale ganito kase actually kararating lang ni A'rish ng bahay. Gusto ko lang tanungin kung gusto mo pa sya, kase sa nakikita ko dito sa bata na to e, mahal ka pa nya. At sana kung mahal mo pa din sya ay ipaglaban mo sya. Hindi ko alam yung lahat ng detalye, pero sana magkaayos kayo. Kung hindi mo naman sna sya maahal e sana lang pakisabi sakanya. Sya nga pala ako nga pala si Faith friend nya. Sorry sa abala.

Hindi ko agad na gets nung una kong nabasa. Halos tatlong minuto akong naka tulala sa cellphone ko. Mahal ko sya oo, pero baka madamay sya, malapit na sya kay Jane ngayon. Siguro oras na para kalimutan ko na ang lahat para samin.

Me: Salamat po sa paalala, may mga bagay lang po talaga na kahit taon ang magdaan hindi mapagdedesisyunan. Sana po maintindihan nyo salamat po.

Kaylangan kong mag isip mabuti kung tatawagan ko na ba o mag-aantay ako. Guso ko muna siguraduhin na paniniwalaan nya ang sasabihin ko, ang lahat ng mga paliwanag na hindi nya maunawaan noong una pa lamang.

Inside OutTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon