Third Person's POV
Gulat na gulat ang mukha ni Faith habang yakap ni A'rish.
Faith:
"Pero teka. Bakit ka nandito? Uy Jane, alagaan mo tong iyakin na to ha."Jane:
"Sige sige, babalik ka naman diba?"Maluha-luhang banggit ni Jane. Hindi maipinta ang mukha ni A'rish habang nakayakap kay Faith. Sa yakap nya ay parang walang nangyaring nakaraan sa mga magulang nila.
Faith:
"Huy! Tumigil ka naman na. Para naman kita asawa nyan. Saka babalik naman ako, hindi naman ako mamamatay."A'rish:
"Faith sorry. Sorry sa lahat. Alam kong mali yung papa mo. Syempre di ko rin matatanggap agad iyon. Pero hindi mo naman kaylangang magsakripisyo ng dahil sa kasalanan nya. Saka iba tayo sa kanila, magkaibigan tayo, at hindi naman iyon ang sinira nila."Halata sa mukha ni Jane ang pagtataka. Tila wala syang alam sa mga nangyayare.
Faith:
"Pero teka nga.." Sabay tanggal ng pagkakayakap ni A'rish. "Okay na ba kayong dalawa? Wag na kayong mag aaway ha. Saka Jane, wag mong lalasingin to ng kasama ka ha, bahala ka ikaw din."Wala na ang lugkot sa mukha ng tatlo pero may natitira paring kyuryosidad sa mukha ni Jane.
Faith:
"By the way, pano na si Loreign? Anung balak mo?"A'rish:
"Hindi ko alam, siguro kakausapin ko na lang muna sya. Mahal ko sya pero parang ang hirap na bumalik sa dati."Jane:
"Ikaw lang naman e, nandito lang naman ako e."Pabirong banggit ni Jane sa dalawa sabay tawanan. Tanggap na din ni A'rish si Jane pero bilang kaibigan lamang.
Faith:
"Oh sya, pano? Aalis na ko, babalik naman ako e. Alagaan mo yung bahay A'rish ha. Ikaw naman Jane alagaan mo tong asawa ko ha." Sabay tawa.Nang lahat na ay masaya, kanya kanyang kaway na din sila sa isa't isa para mag paalam.
Hindi pa rin nawawala sa mukha ni Jane ang pagtataka kung ano yung sinasabi. Dahil dito ay tinanung na nya si A'rish habang nasa sasakyan kung ano nga ba ang totoong nagyari.
Jane:
"Rish, anu ba talaga nangyare sa inyo ni Faith? Saka bakit ka umiyak kanina? Saan pupunta si Faith at anung gagawin nya dun?"A'rish:
"O easy ka lang, okay? Sasagutin ko lahat ng yan." Nakatawang sagot ni A'rish kay Jane. "Ganito kase yan. Sa totoo lang eh dati pa kami magkakilala ni Faith. 3yrs old ako nung magkakilala kami. Hindi na masyadong malinaw sa ala ala ko dahil masyado pa akong bata."Jane:
"Wag na jan, yung sa ngayon na."A'rish:
"Makinig ka muna kase. Magkaibigan yung mga magulang namin. Yung papa nya ay kababata yung papa ko. Pero nang dahil sa pera, nawala lahat ng ala-ala na yon sa papa ni Faith. Niloko nya si papa at itinakbo ang pera."Jane:
"So bakit ka pa rin lumapit kay Faith, kung alam mong sya yung anak ng dahilan kung bakit namatay ang papa mo?"A'rish:
"Diba alam mo naman na sa library kami nagkakilala ni Faith?"Jane:
"Oo, and then?"A'rish:
"Noong una, hindi ko alam na sya yun. Hindi ko na din kase talaga maalala yung mukha nya pero alam ko nakalaro ko sya dati. Hanggang sa isang araw natutulog ako sa library ay narinig ko sya, narinig ko sya na kinakanta yung kanta sakin ni mama nung bata pa ko. Madalas kase noon sila Faith sa bahay at sabay kaming pinapatulog ni mama habang nag mimeeting sila papa."Jane:
"Sa ganun lang natandaan mo sya?"A'rish:
"Oo naman, iba kase yun. Para sa akin, yun ang theme song ko. Yung lullaby na gawa ng nanay ko."Jane:
"So kaya mo sya ginawang girlfriend para makaganti?"A'rish:
"Huh? Anu kamo?"Jane:
"Kita mo na nag mamaang-maangan pa to."A'rish:
"Actually nung una oo. Gusto ko lang gumanti. Pero nung nakilala ko sya unti unti kong nakita na alam nya din na ako si Arish at alam nya din kung sino ang tatay ko. Kaya simula noon ay ginawa nya akong parang baby. Kahit labag sa loob nya yung mga ginagawa ko ay okay lang sa kanya. Wala akong ibang inisip non kundi pahirapan sya. Hanggang sa--"Jane:
"Hanggang saan? Hanggang sa nainlove ka na sa kanya?"A'rish:
"Hindi, hanggang sa isang araw narinig ko syang umiiyak. Alam kong namimiss nya na yung family nya, kausap nya yung kuya nya sa phone pero ayaw nyang kausapin yung papa nya. Nung matapos yung tawag ay umiiyak sya habang hawak yung picture nila nung Dad nya. Naawa ako sa kanya. Alam kong gusto nya ding makasama yung papa nya pero kaylangan nya akong tulungan, kaylangan nya akong gabayan. Para makabawi man lang sya sa kasalanang hindi nya ginawa. Alam kong sinisisi nya yung sarili nya sa mga nangyare. Alam kong nagsasakripisyo lang sya para maka bawi. Kaya kanina, alam ko din na malabo na syang bumalik. Dahil alam ko na ako na lang naman talaga ang dahilan kung bakit ayaw nyang umalis."Jane:
"Edi pano na yan ngayun? San ka na titira? Diba sya din yung nagpapaaral sayo?"A'rish:
"Oo, pero pinapalitan ko naman yung pera nya pag nagkakapera na ko."Jane:
"A'rish oh." Sabay abot ng bag na pamilyar sa mata ni A'rish.A'rish:
"Alam ko kung kanino to ah? Bat na sayo to?"Jane:
"Pinuntahan ako ni Faith kaninang umaga, ibigay ko daw sayo yan pag nakaalis na sya. Hindi ko alam kung anung laman nyan."A'rish:
"Atm to, akin tong bag na to eh. Hanep talaga na babae na yun napaka kulit."Jane:
"Pagbigyan mo na malay mo yan ang magpapalaya sa kanya diba?"Tuloy lang ang kwentuhan ng dalawa habang pauwi sila. Hindi lingid sa isip na A'rish na hanggang ngayon ay naguguluhan pa rin si Jane at hanggang ngayon ay mahal pa rin sya nito.
BINABASA MO ANG
Inside Out
Ficção AdolescentePaano mo malalaman kung sino? Kung sino ang pipiliin mo, kung sino ang paniniwalaan mo at kung sino ang nagsasabi ng toto kung sa kwento at suspetsya mo lang nalaman ito?