A'rish POV
Alas-tres na pala ng umaga, kaya pala labas sa school ang banda na to. Antok na antok na ko. Ngayon palang natapos yung tugtog namin, sasali kase sa battle. E battle naman pala ng puyatan. Pero sarap din sa pakiramdam na nasa stage ka at may kasama kang tumutugtog.
Pagtingin ko sa cellphone para mag check ng text message e nalungkot ako. Naalala ko na wala nga pala si Faith na magpapaalala sa akin na gabi na naman at delikado sa daan. Ilang araw na din syang wala dito. Antahimik ng bahay, nakakapanibago. Wala ng breakfast, pero hindi pa rin sya na dala at iniwan nyang puno ang ref, pati ang gas, at malinis ang buong bahay. Nakakamiss din magka nanay talaga.
Pag-uwi ko diretso na agad ako sa kwarto sobrang pagod na ko, sobrang antok na din .
***
Nag-alarm yung cellphone ko ng 7am. Sobrang badtrip ko kase di na ko makatulog. Nakahiga ako ng 7-7:30 pero di na talaga ako nakatulog.
Sabado ng umaga ngayon. Tulad ng lingo lingo kong ginagawa kinuha ko yung gitara inayos ko yung amplifier.
🎶
Di ko mawasto,
Ang kilos ko,
Ang paghakbang di magaan,
At madalas mahina
ang aking isipan Tila hibang
Ngayun biglang bigla
sumagi sa isipan
Bukas makalawa wala kana
lungkot ay maiibsanWag mong pilitin na limutin ang damdamin minsan pa,
Wag sabihin na di kayang lamp as an
Wag mong sabihin
sa sarili kung hindi na tunay pa
Panalangin sana lang ay minsan paDi ko matanto ang ibig m-🎶
"Ah! Ah! Ah! Aray ko!" Isang babae ang pumalo ng pumalo sa likod ko ng payong.
Me:
"Teka sino ka!!?"Pasigaw kong banggit pero di nya ko pinansin at sumigaw sya ng "Magnanakaw!!!" ng paulit-ulit. Walang tigil ang paghampas nya sakin at sinabi nyang "Umalis ka sa bahay ko!!" Natawa na lang ako at hinawakan ko yung payong. Parang bata to, sinu kaya to?
Me:
"Sino ka nga? Bahay mo? Dito ko nakatira? Bahay ng kaibigan ko to. Sino ka ba kase?""Kaibigan mo? Sino si ate Faith?" Sabi niya.
Me:
"Oo, bakit mo sya kilala? Saka bakit gamit mo ang pajama ni Faith? Ikaw siguro ang magnanakaw noh?"Kinabahan din ako kase wala namang nabanggit si Faith na may dadating dito.
(Phone ringing)
(Faith calling)Me:
"Hello! Sino ba 'tong bata na to?"Faith:
"Yun na nga, hindi ka kase ma contact kagabe, lintik ka. Pinsan ko yan. Alagaan mo yan ha, wag mong gawin yung karahasan na ginawa mo sakin." Sabay tawa.Me:
"Kapal mo naman."Sinenyasan ko yung babae para magbihis ng damit masyadong malaswa e, walang undies.
Faith:
"Ynah pangalan nya. Pinsan ko sya, sa kanya ako tumira nung nagpaiwan ako jan sa pinas. Alagaan mo yan ha."Me:
"Hanep ka, sige sige. Siguro naman nakausap mo na sya tungkol sa ugali ko at sa kung anong mga ayaw ko."Faith:
"E yun na nga kaya ako tumawag sayo. Haha kase nakalimutan ko. Ikaw na bahala. Kaylangan ako ni Dad sa hospital ngayon e. Ingat jan miss you bebe ko... Nga pala si Loreign."
BINABASA MO ANG
Inside Out
Ficção AdolescentePaano mo malalaman kung sino? Kung sino ang pipiliin mo, kung sino ang paniniwalaan mo at kung sino ang nagsasabi ng toto kung sa kwento at suspetsya mo lang nalaman ito?