Chapter 1

209 8 2
                                    

    Magsisimula ang kwentong ito sa pinakamalaking piging ng taon, ang debut ng anak ng mahal na president. Gaganapin ito sa Edsa Shangri-La sa Ortigas, kung saan isang live-telecast ang gagawin gawa ng maraming bigatin at sikat na pangalan sa iba’t ibang larangan ang dadalo dito. (O diba, ang bongga! Ngayon lang kayo nakarinig ng isang live-telecast na birthday noh? Tara simulan na natin to!!!)

    “Why do I need to freakin’ attend this freakin’ debut??? Like hello! We’re not even close!” sabi ni Sophia, halatang yamot na yamot habang kausap ang mama niya sa kabilang line gamit ang kanyang cellphone.

    Si Sophia Madrigal, maganda, sosyal at idolo ng mga kalalakihan. Siya ang nag-iisang taga-pagmana ng Madrigal Corporation and Network Communications, isa sa mga biggest company sa buong Pilipinas, lalo na sa larangan ng Show Business. Siya rin ang major endorser ng company nila, ng university kung saan siya nag-aaral, at ng kung anu-ano pang mga high-end products. Ganun kalakas ang appeal niya sa public. Ang company nila ang may sagot sa live-coverage ng debut ng first daughter.

    “Just freakin’ attend that freakin’ debut! Remember, we’re the media partner of that event. Okay? Enjoy Piyaya. Ciao! Don’t let us down.” sabi ni Mrs. Madgrigal

    “Waiiit!” sabay baba din ng cellphone “No freakin’ way! Arrrgh!!! Makababa na nga ng sasakyan.” sabi na lang ni Sophia.

    Pagbaba niya ng sasakyan ay sinalubong siya kaagad ng mga camera flashes at ininterview siya. “Ms. Sophia! Ms. Sophia!" pagtatanung ng reporter “ Ang ganda ng green gown mo. Sino stylist mo? Pati pala ikaw invited sa party na ito?”

    “Secret! Haha thanks! Yeah, medyo close friend ng family ko ang president you know. Haha, saka minsan lang ‘to kaya dapat puntahan na din. Anyone who’s important should definitely be here. Like me!” sabi ni Sophia, sabay kindat. At naglakad na siya sa red carpet, nagpose muna ng konti sa media bago tuluyang pumasok sa event hall.

    Sunod na dumating ang isang babae na nakasuot ng deep blue na gown, habang nakatuon ang pansin sa kanyang Ipad Air at naglalaro ng Candy Crush.  Halatang bored na bored na ang dalaga kaya hindi na nagpaunlak na mainterview. “Sshhh! Malapit na mag-high score. Please, do not disturb.” Sabi ni Janelle. Nagpose lang siya saglit sa media at pagkatapos ay dumiretso na sa loob ng hall. Naiwang tulala ang mga reporters at napakamot na lang ng ulo.

    Siya si Janelle Sandoval, ang nag-iisang babaeng anak ng mga Sandoval. Cute ngunit tahimik at medyo weird minsan, pero di mo aakalaing napakagaling pagdating sa business at mga negotiations. Siya rin ang taga-pagmana ng Sandoval Telecommunications Inc. isa sa mga major sponsors para sa debut for tonight. Ang mga Sandoval ang tinitingala pagdating sa telecommunications dahil sa sobrang hi-tech na gadgets at magandang services nila. Ang di alam ng marami, siya ang dahilan sa patuloy na pag-unlad ng company nila.

    “And here’s the brains of this party, in a stunning red gown, Ms. Michelle Valderama.” pagbungad ng reporter pagdating ni Michelle.

    “Oh thank you!” sabi ni Michelle.

    “So kamusta naman ang naging pagpaplano mo ng debut of the first daughter? Nahirapan ka ba?” tanong nito.

    “Actually, oo mahirap kasi malaki yung event, magarbo at detalyado yung mga needs of the party, but everything turned out right naman. I hope every guests will enjoy what’s in store for them. Of course, this is a once in a lifetime event.” Sagot ni Michelle

    “For sure magugustuhan yan, I won’t keep you any longer, enjoy the party” sabi ng reporter.

    “See you sa loob ng hall” pagpapaalam nito. Nagpose muna siya sa media saka pumasok sa loob ng venue.

When Kings and Queens CollideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon