Chapter 22

82 2 4
                                    

Monday – 8:30am (SC Office)

      “Thank God! All set na tayo para sa Christmas Event sa Friday! Congrats everyone!” masayang bati ni Michelle sa lahat ng tumulong maayos yung event. In fairness, 2 months din silang ngarag para sa napakabonggang event na ‘to.

       “Finally! Pwede nang matulog!” sabi nung PRO na humilata na sa couch.

      “Yes, pwede nang makipag-date ulit!” sabi naman nung Treasurer. Ay, kelangan malandi?

      “Tama yan, para mabasted ka ulit” sagot naman nung Auditor kay Treasurer. Tumawa naman yung iba.

      Saktong dumating naman si Adrian kasama yung delivery boy from Yellow Cab. “Guys, good job! Let’s celebrate” sabi ni Adrian sabay lapag ng dalawang 18 inch pizza sa table nila. At umiral ang katakawan ng buong Student Council. Agad sinunggaban yung pizza pagkabukas pa lang ng box. Ay, patay gutom lang ang peg? At dahil may pagkain, galit galit muna ang lahat. Lahat sila sari-sarili munang mundo.

      Tahimik lang na nakikinig si Michelle sa kwentuhan ng council nila nang biglang mag-ring yung phone niya. Sinagot niya agad ito nang di man lang tinitignan kung sino yung tumawag. “Hello?”

      Maya-maya, nanahimik si Michelle at tila namumutla. Buti napansin agad ni Neri kaya pinatahimik niya ang mga kasama nila. Nung super quiet na, yung boses ng kausap ni Michelle na lang yung naririnig sa buong office. Lahat sila napatingin lang kay Michelle.

       “What the hell is wrong with you?! How could you make such a stupid mistake! Kung alam ko lang na magiging ganyan ka kapabaya, hindi ko na sana ipinagkatiwala sa’yo yung malaking project na yun! Paano mo ihahandle yung family business kung ngayon pa lang, hindi mo maasikaso nang maayos?” sabi nung nasa kabilang linya.

      “Pero dad, I...” sabi ni Michelle na agad na tumayo at lumabas ng office.

      “I don’t need your excuses. Nangyari na. You disappoint me, Michelle.” Sabi sa kabilang linya sabay baba ng telepono.

      Napasandal na lang si Michelle sa pader at napatulala na lang. Ngayon lang nagalit sa kanya ang daddy niya. Hindi na niya alam kung anong gagawin niya, kaya di niya mapigilan ang maiyak. Pero agad niyang pinupunasan yung mga mata niya in case may makakita sa kanya. Huminga siya nang malalim bago bumalik sa SC office. Pagpasok niya sa room, lahat ng mga mata nakatingin sa kanya. Tanging si Adrian ang naglakas loob na nagtanong kay Michelle.

      “Okay ka lang?” sabi ni Adrian. Hello?! Mukha bang okay yan?

       “I’m fine. Sige, una na ako. Bye” sagot naman ni Michelle sabay kuha sa bag niya at umalis.

      “Anong nangyari dun?” tanong nung Secretary habang ngumunguya pa ng pizza.

      “Parang alam ko na yun dahilan” sabi ni Neri. Wow ah, psychic?

      “Talaga? Ano yun? Share!” tanong agad nung PRO at nakisali sa usapan. Chismoso!

      “Ayoko nga. Ang mosang mo! Kalalaki mo pa namang tao” sita ni Neri sa PRO.

      “Wushu, baka love life lang pala yang pinoproblema ni Pres. Dali na!” sabi pa nung PRO.

      “Hoy pwede ba! Wag mo nga itulad sa’yo si Ms. Mitch, ang landi landi mo eh” sagot naman ni Neri sabay nag-flip pa ng hair. Oh diba, taray!

      Si Adrian naman, tahimik lang na nakikinig sa kanila pero bothered pa rin siya sa kung ano ba talaga ang nangyari kay Michelle. “Hay, magkukwento din yun pag okay na siya.” Isip ni Adrian bago pinagpatuloy na lang nila ulit ang kasiyahan. Party nga diba! Bawal ang bitter!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 02, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

When Kings and Queens CollideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon