Chapter 16

49 3 0
                                    

     Ilang weeks na lang, gaganapin na ang pinaka-aabangang musical show sa CMU. Kaya naman busy ang bida natin para siguraduhing magiging the best ang kani-kanilang performances on that very special day.

  Sa auditorium,  nandun sina Janelle at Dominic para mag-practice ng kanilang magiging performance. Ang tanong, may naisip na kaya silang pakulo that will blow everyone’s minds away?

  “Dom-Dom! Sorry, I’m late” sabi ni Janelle at inilapag na niya ang bag niya sa isang upuan. “Coffee?” alok nito habang inaabot yung mocha frappucino niya.

   “Okay lang” sabi ni Dominic. “Kakadating ko lang naman  din” sabi nito habang ininuman yung coffee ni Janelle. Ang sweet naman, share sila!

   “So, anong gusto mong gawin natin sa musical show?” tanong ni Janelle.

    “Malay ko. ‘kaw ba, may naisip ka?” sabi ni Dominic habang tumutugtog nang mahina sa piano.

    “I have no idea!” sagot naman ni Janelle.

    “haha, nice” sabi naman ni Dominic. “Kala ko naman may naisip ka na.” 

    “Malay ko bang di ka prepared? Ikaw yung nag-audition, remember?” sabi naman ni Janelle.

    “Bahala na nga” sabi ni Dominic. Lumipas ang ilang segundo bago nagsalita muli si Janelle.

    “E kung mag-mash up tayo ng Christmas songs? Yung mabilis para di masyadong boring”

    “Pwede rin, kaya lang hindi ako magaling sumayaw ah. Wag kang mag-expect.” Natatawang sabi ni Dominic.

    “Haha don’t worry, hindi ka nag-iisa. Di ko din forte ang sumayaw.” sabi ni Janelle na kumuha ng chocolate sa bag niya at nag-indian sit sa sahig ng stage.

    “So panong gagawin natin?” tanong ni Dominic habang tumutugtog pa din ng piano.

    “Mag-piano ka saka kumanta. Ako naman, dun ako sa audience, for moral support” nakangiting sabi ni Janelle. Okay ka lang? Iwanan ba naman sa ere si Dominic!

    “Seryoso ka?” di makapaniwalang sabi ni Dominic. “Loko ka din e, kung magpalit kaya tayo, ikaw sa stage, ako sa may audience” sabi pa nito. Aba, mukhang may balak din mang-iwan sa ere nito ah?

    “Joke lang naman e” sabi ni Janelle habang naka-pout. “eto naman oh, di mabiro”

     “Haha so pa’no na nga?” sabi ni Dominic.

    “Hmm, kahit ano. Impromptu na lang” sabi ni Janelle.

    “Haha okay, bahala na” sabi ni Dominic.

    At doon na sila sa auditorium nagpalipas nang mag-hapon dahil sa wala na rin naman silang klase. Aba, anong klaseng practice yan? Ewan ko ba sa dalawang ‘to, bahala nga kayo!

* * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * 

    “Mitch! Here’s the list ng pre-Christmas Events natin for the investors” sabi nung SC Secretary. “Kasama na din dyan yung guest list with names ng representatives, head count, equipment na dala nila.”

    “Thanks!” sabi ni Michelle “Sige na, you can go. Ako na bahala dito” 

    At umalis na yung SC Secretary. Ni-review ni Michelle lahat ng papers sa table niya, which includes lahat ng may kinalaman para sa Christmas event at musical show.

    “Okay na ‘to. At least tapos ko na reviewhin lahat ng ‘to.” sabi ni Michelle. Tumayo ito at nag-ayos na ng gamit bago umalis ng SC office. “Adrian, ‘kaw muna bahala dito. Pupunta ko lang yung mga investors para ibigay yung invitations for the event.”

When Kings and Queens CollideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon