Chapter 7

84 5 4
                                    

    Panibagong araw na naman sa CMU pero ang masaklap dun ay umuulan ng bongga. Nobyembre na naman, well ganyan talaga ang weather. At least hindi baha diba?

    At dahil nga sa umuulan ay hindi makalabas ng Engineering building si Janelle. Balak niya kasing tumambay sa may puno at doon magpahangin at matulog. Unfortunately, dahil sa umuulan, nagmumukmok na lang siya sa classroom nila.

   “Waaah, umuulan.” sabi ni Janelle sa sarili niya habang nakapalumbaba sa mesa niya. “BV, wala tuloy akong magawa, i’m so bored.” Napabuntung-hininga na lang siya.

   Lumipas ang buong araw ni Janelle sa University at natapos na ang lahat ng klase niya. Sa kasamaang palad, wala pa ding humpay ang pag-ulan sa labas.

    “Buti pa yung klase ko tapos na, yung ulan di pa din. Hay!” sabi ni Janelle, na nag-give up na sa walang kamatayang ulan.

    Sa kabilang dako ng campus...

    “Grabe naman ‘tong ulan na ‘to, ayaw paawat” sabi ni Adam habang palabas sila ni Nathan ng Commerce Building.

    “E ganun talaga!” sabi ni Nathan. “Weather weather lang yan!” dagdag pa nito.

    “Ewan ko sa’yo” sagot ni Adam kay Nathan “Pasakay muna sa kotse mo.” Sabi pa nito.

    “Aba, at kelan mo pa ako naging driver?” sabi ni Nathan kay Adam habang hinahanap ang susi ng kotse niya.

    “Please! Sige na.” pagmamakaawang sabi ni Adam “Nasa may Eng’g kasi yung kotse ko, ubos na kasi parking dito kanina.”

    “Wow, kelangan sa Eng’g talaga ah? Dumadahilan ka lang e” pang-aasar na sabi ni Nathan.

    “Nate naman e. Nag-please naman ako ah.” sabi ni Adam na malapit ng maglupasay. “Sige na, hatid mo lang ako kahit dun lang sa Engineering building, dyan lang naman yun e.”

    “Oo na, dami po pang sinasabi e.” pagsuko ni Nathan kay Adam. “Oy, tigilan mo yang pag-puppy dog eyes mo, sa babae lang gumagana yan. Pasalamat ka mabait ako.”

    “Yehey!” sigaw ni Adam at sabay nag-power hug kay Nathan sa gitna ng daan kung saan maraming tao ang nagtinginan. “Ihahatid  ako ni Nate!”

    “Oy, tigilan mo yan. Iiwan kita.” sabi ni Nathan habang kumakawala sa yakap ni Adam. “wag kang mag-skandalo dito, ang daming tao oh!”

    At dahil mabait si Adam, pinakawalan naman na siya nito “Haha, sabi na di mo ko matitiis e.”

    “Ewan ko sa’yo, bahala ka dyan. Iiwan talaga kita” sabi ni Nathan habang palayo kay Adam.

    “Eto naman oh, why so serious?” sabi naman ni Adam, habang sumusunod kay Nathan. “Game, tara.”

    Sumakay na sila sa kotse ni Nathan at lumabas ng parking lot. Habang nagda-drive si Nathan, bigla niyang tinanong si Adam.

    “Pre, kamusta naman ang puso mo dyan?” tanong ni Nathan. Aba, usapang lovelife ata habol nito eh. Sa kasamaang palad, medyo slow si Adam sa ganyan.

    “Ah, eto buhay pa naman ako” pagtatakang sagot ni Adam “Tumitibok pa naman, bakit?” sabay hawak ni Adam sa puso niya.

    “Ay ewan ko sa’yo” sabi ni Nathan na napakamot ng ulo niya sa pagka-slow ni Adam, “I mean, may lovelife ka?”

    “Eh?” sagot ni Adam kay Nathan.

    “Hala, wag ka na magmaang-maangan!” sagot ni Nathan “Para namang hindi obvious. Kilala ka namin, pre. Di ka magkakaganyan kung di dahil sa babae.”

When Kings and Queens CollideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon