Chapter 20

56 2 1
                                    

      Isa na namang ordinaryong araw ngayon sa CMU para sa ating mga bida. Pinakamaagang pumasok si Sophia sa klase nila. Pero wait, there’s something wrong. Tila malungkot ang mukha nito. Isang oras siyang maaga kaya umupo na lang muna siya sa upuan niya, bago nakinig sa music sa iPhone niya habang nakatingin sa bintana. Nagsesenti si Ate! Walang magulo. Maya-maya, may dumating na siyang kaklase.

      “Morning” bati nito pero hindi narinig ni Sophia dahil malakas yung music na pinapakinggan niya. Sabi sa inyo eh, busy nga magsenti ang lola mo!

      Unfortunately, di nagpatinag ang ever persevering niyang kaklase. Lumapit pa ang kaklase niya at tinawag siya, pero sadly, bingi pa din ang bruha.

      Dahil masakit ang di mapansin, lumevel up din ang efforts ng kaklase niya. Hinawi niya ang buhok ni Sophia at tinanggal ang earphones  ni Sophia, bago sinabing, “Piyaya?!”

      Napatayo sa gulat si Sophia at napatingin dun sa humablot ng earphone niya. Agad niyang pinunasan ang nangingilid niyang mga luha nang makitang si Nathan pala yun.  “Oh bakit? Ang aga aga, manggugulo ka naman.” Sabi ni Sophia.

      Hinatak ni Nathan yung katabing upuan bago naupo sa tabi ni Sophia. Nilapit niya ang mukha niya kay Sophia. “Anong nangyari? Ba’t ka umiiyak?” concerned na tanong ni Nathan nang hawiin niya ang ibang natirang hibla ng buhok na tumatakip sa ever so pretty face ni Sophia.

       “Wala, dun ka na nga.” iwas na sabi ni Sophia. “Ang arte arte mo kasi Piyaya, yan tuloy nahuli kang umiiyak” isip ni Sophia sa sarili.

      “Di ka iiyak kung wala yan. Dali na, anong nangyari?” pilit ni Nathan.

      Huminga nang malalim si Sophia bago nagkwento kay Nathan. “Dahil siguradong di mo naman ako tatantanan ‘pag di ko sinabi, pero promise mo munang di ka tatawa” paniguradong sabi ni Sophia.

       “Oo na, Promise. So, anong nangyari?” sagot naman ni Nathan.

      “Nakakabadtrip kasi eh, ang tagal ko nang hinihintay na mag-concert dito yung Backstreet Boys tapos nung finally matutupad na yung dream ko, nasira lang! Edi nagpa-reserve na ko agad ng tickets. Sabi naman ni Ervin, napagtabi na niya ako ng tickets so akala ko naman okay na, pero kagabi tumawag siya. Sabi niya di daw napa-reserve nung stupid niyang assistant yung tickets ko! Sold out na din lahat ng tickets! Urggggghhhh!” kwento ni Sophia na di mapigilan ang mag-tantrums dahil sa sold out niyang concert tickets. Mahilig ka pala sa boy bands, Piyaya!

      “Kelan ba yung concert?” tanong ni Nathan habang nagpipigil ng tawa. “Shet, magagalit ‘to pag tumawa ako. Pigilin mo Nate. Pero grabe, dahil lang sa Backstreet Boys?!” isip ni Nathan sa sarili.

      “Mamaya na” sabi ni Sophia na hindi pa rin tapos mag-tantrums. Nagsisimula na ulit mamuo ng mga luha niya. Kaya mo yan girl! It’s not the end of the world!

      “Saan? At saka anong oras?” tanong ulit ni Nathan. Anubeh, di ka updated?

      “Sa Araneta Coliseum. 8pm. Haaaaaaay” sabi ni Sophia habang pinapahiran na naman yung mga luha niya. Yung make up mo girl! Baka masira, sige ka.

      “Hey, wag ka na umiyak. Sige ka, papangit ka niyan.” sabi ni Nathan na nakaakbay na kay Sophia habang hinihimas ang braso nito. Pagkakataon nga naman oh, duma-moves ba daw?!

      “Oy, yang kamay mo” saway ni Sophia kay Nathan at pinalo ang kamay nito.

      Si Nathan naman, inalis na lang yung kamay niya at pinatong sa may desk. “So panong plano mo ngayon?” tanong nito.

When Kings and Queens CollideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon