Chapter 15

58 4 0
                                    

    The next day, dinumog muli ang bulletin board sa harap ng SC office. Obviously, ngayon ang araw na pinakahihintay ng lahat! Ang dami na namang tao sa may bulletin board, lahat mga naghihintay sa ilalagay na listahan para sa Festival at Musical Show. Malapit nang mag-7:00 am nang dumating yung SC Project Manager na magpapaskil ng listahan. Pagkadikit pa lang ng listahan sa bulletin board, agad itong pinagkaguluhan  to the point na natulak na paalis yung SC Project Manager. Nagdagsaan ang mga estudyante para makita ang pangalan nila habang yung iba naman para makichismis lang.

    “YAHOOOOOO!” sigaw ng grupo ng mga lalaki, “Hanep pare, back-up dancers tayo para sa musical show.”

    “Pasado tayo mga Bro” sigaw ng isa pa nitong ka-miyembro.

    “Yes! Kasali tayo! It’s our time to shine  girls!” sabi ng isang babae

    “Hoy, second voice lang tayo” sagot naman ung isa.

    “at least kasali, hahaha!” sabi ulit nung babae.

    “Approved yung proposals natin sa Festival!” sigaw naman nung iba.

    Karamihan ay masaya at tuwang-tuwa sa balita na natanggap nila samantalang may mga dismayado din sa results. 

    “Nag-practice naman ako nang mabuti, pero bakit ganun. Kulang pa din” sabi nung isang mangiyak-ngiyak sa results.

    “Pinagpuyatan ko yung proposal, pero ni-reject lang, bakit ganun?” sabi naman nung isa na grabe ang lungkot, naka-pout pa.

    “Michelle!!!” sigaw ni Sophia pagkapasok sa SC Office, kaya naman nagulantang ang lahat ng officers na nasa office na yun.

    “Sophia kalma lang!” sagot naman ni Adrian kay Sophia.

    Binalibag ni Sophia ang pinto at sinabing “Nasaan si Michelle? Huwag niyo siyang itago!!!” patuloy ni Sophia sa pag-hihysterical sa SC Office.

    “Kausap niya si Dean Yure Highness” sabi ni Adrian “Bigla na lang siyang sumugod dun e”

    Pagkatapos ng sinabi ni Adrian ay biglang umalis si Sophia at dumiretso na sa office ni Dean Yure Highness. Tuluy-tuloy na sana siya sa loob ng opisina nito nang may nakahandang speech with matching pagdadabog ng pinto nang marinig niya si Michelle na sumisigaw.

    “Dean! Hindi pwede ‘to! You can’t do this us, especially to me!” sigaw ni Michelle.

    “Calm down dear, pwede naman natin ‘tong pag-usapan nang mahinahon” sabi ni Dean Yure Heinez.

    “Calm down?! Pa’no ako magka-calm down kung napaka-unreasonable ng request niyo?!” sigaw ulit ni Michelle.

    “Anong unreasonable dun? I just want you to participate in our musical show.” Ngiting sabi ni Dean Yure Heinez na parang di man lang na-bother sa outburst ni Michelle.

    “You can’t do this to us!” sabi ni Michelle.

    “And why not my dear Michelle?” tanong ni Dean na nakakaloko.

    “Sobra na ‘to! Ako na nga in-charge with everything here yet you still want me to perform sa musical show? And what’s worse, with Mr. Montenegro?!” sagot ni Michelle. “You’ve gotta be kidding me!”

    “I don’t see any problem with that. Besides, I know you can work it out.” sagot ni Dean “Plus I know you and Mr. Montenegro will make a great team! Excited na ko sa performance niyo!”

    Biglang umepal si Sophia pagpasok niya sa loob ng opisina ni Dean. “So this is all your fault! Ikaw ang may pakana nang lahat ng ito, Dean?! How could you do this to me???”

When Kings and Queens CollideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon