Chapter 17

45 3 1
                                    

     Sa bahay ng mga Sandoval, nandun ang kuya ni Janelle na si Jasper. Hinihintay niya si Janelle from school kasi may pupuntahan daw silang dinner, according sa parents nila. At knowing na makakalimutin si Janelle, siguradong di pupunta yun mag-isa. Tada, yan tuloy. Chaperone siya ngayon ni Janelle.

     “Anong oras ba uuwi yun? Dun na nga lang ako sa kwarto nun maghihintay” sabi ni Jasper sa sarili habang papunta sa kwarto ni Janelle. Pagpasok niya sa kwarto ni Janelle, natigilan siya sa may pinto dahil sa nakita niya.

     “What the fu----” sabi ni Jasper nang makita niyang punung-puno ng pictures ni Adam ang kwarto ni Janelle. May sampung posters ni Adam na nakapaskil sa pader, tapos yung screensaver ng laptop niya puro mga candid shots ni Adam, may nakatingin sa camera, at meron ding stolen.  Sa sound system ng kwarto niya, mahinang tumutugtog ang “Angel with a Shotgun” na kinanta ni Adam nung auditions, pagkatapos ay “Intoxicated” naman ang sumunod. Mukhang naka-repeat yata yung playlist. Bukod pa dun, may mga nakakalat pa ding pictures ni Adam na mukhang di pa tapos i-collage sa may kama ni Janelle. Oh my gosh, stalker lang Janelle?

     “Shet, kaninong kwarto ‘to?” sabi ni Jasper. Lumabas ulit ito ng kwarto bago sinarado ang pinto. Tumingin-tingin siya sa hallway bago sinigurong kay Janelle nga yung kwarto. Binuksan niya ulit yung pinto and true enough, yun pa din ang mga nakita niya. Natameme na lang siya bago bumalik sa sariling kwarto.

     “Si Janelle, sinapian na. Yan ba ang epekto ng pagdadalaga? Hindi pwede ‘to! Hindi ako papayag na kung sinu-sinong lalaki lang poporma kay Baby Sister. Dadaan muna sila sa ibabaw ng bangkay ko! Humanda yang Adam na yan, pag nakita ko.” Sabi ni Jasper sa sarili habang nag-eemo dahil nagdadalaga na si Janelle. Shocks, may sister-complex pala si Kuya! Talo pa tatay kung mag-react. Kawawang Adam, walang kamalay-malay!

      Pag-uwi ni Janelle, nagulat siya dahil naka-abang sa may labas ng kwarto niya si Jasper.

     “Hala, anong problema nito?” isip ni Janelle sa sarili. “Kuya, ba’t ka dyan nakatambay? Wala ka bang sariling kwarto?” sabi ni Janelle sa Kuya niya.

     “Magbihis ka na. May dinner daw tayo sabi nila Mama.” Sabi ni Jasper na parang walang nangyari  kanina.

     “Okaaaaay” sabi naman ni Janelle bago pumasok sa kwarto niya.

     “Nga pala, magligpit ka nga ng kwarto mo. Ang kalat!” sabi ni Jasper bago bumalik sa sariling kwarto para magbihis na din.

     “Hala, anong sapi nun? Mas makalat pa kaya yung kwarto niya.” Sabi ni Janelle na nagtataka sa Kuya niya. “Baka meron. Time of the month yata.” Sabi pa nito bago napakamot ng ulo. At nagbihis na siya para sa dinner nila mamaya.

                (7pm sa Red Restaurant)

     “Hello good evening, Mr. And Mrs. Sandoval” bati ni Mr. Tan “This is Mr. And Mrs. Rodriguez, with their son, Adam.”

     “Nice to meet you!” sagot naman ni Mr. Sandoval. “My children will be here in a few minutes. Galing kasing school yung dalawa.”

      “It’s fine,” sabi ni Mr. Tan “Anyway, let’s have dinner.”

     Sa kalagitnaan ng dinner, marami nang napag-usapang kung anu-anong business trip at partnerships ng tatlong pamilya. Yung mga anak ni Mr. Tan, fully engaged din sa usapan nila. Working na kasi. In short, walang makausap si Adam dahil puro oldies yung mga kasama niya.

     “Ano ba ‘to, wala akong makausap dito.” isip ni Adam “Sana sumama na lang ako kila Nate.”

     Nang may biglang may dumating sa table nila.

When Kings and Queens CollideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon