Chapter 6

77 4 3
                                    

    Pumunta naman tayo kina Sophia at Nathan. Magsisimula ang kwentong ito sa classroom nila, kung saan mag-uumpisa pa lamang ang klase nila.

    “Hay, ang boring! Sayang, wala pa si Piyaya.” sabi ni Nate na nakapangalumbaba sa desk niya.

    “Sus, kapag nandito naman, aasarin mo lang din” sagot ni Adam.

    “Cute naman siya kapag naaasar e. Nga pala, nagawa mo ba yung homework natin sa strama (Strategic Management)? Pa-kopya naman o” sabi ni Nathan, take advantage nito para lang makakopya kay Adam.

    “Yan kasi, puro si Piyaya kasi yung inaatupag mo e. Kung hindi siya, ibang babae naman. Di ka pa ba nagsasawa sa ginagawa mo?” sabi ni Adam na para bang pinangangaralan si Nate.

    “Grabe, para namang ang sama sama kong tao. Though, yung kay Piyaya medyo totoo. The rest ng sinabi mo, wala tapos na yun. Busy ako ngayon sa business. Kaw kaya magpuyat kakagawa ng mga presentations. Kaya dali, pakopya na.” paliwanag ni Nathan.

    “Andami mo pang sinabi, kokopya ka lang din naman. O, bilis, dadating na si sir.”at binigay din ni Adam yung homework niya. Ang bait, noh?

    “Salamat sa aking napakabait na kaibigan! haha, di bale, babawi ako next time.” papuri ni Nathan.

    “Ewan ko sa’yo. Dalian mo na lang kumopya.” sabi ni Adam na umupo sa mesa ni Nathan. ”Uy, di nga? seryoso ka talaga kay Piyaya? Hindi basta-basta yang babaeng yan, alam mo yun”

    “Alam ko, kaya ko nga gusto e” nakangiting sagot ni Nathan habang kumokopya ng sagot sa homework.

    “Seryosong gusto o gustong asarin?” Nag-aalangang sagot ni Adam

    “Uh, pareho?”

    “Oy, umayos ka” sabi pa ni Adam. “pag yan, nagkaloko-loko, wag kang tatakbo sa’min ah. Sinabihan ka na namin.”

    “oo na, seryosong gusto ko nga. Ang kulit naman” amin na ni Nathan.

    “Sinabi mo rin yan dati. Tapos pag nagsawa ka na, bigla mo na lang kakalasan. Kilala na kita Nate. Sabihin mo na lang sakin na seryoso ka na kapag napasagot mo na si Piyaya” sabi ni Adam sabay lagay ng earphones sa tenga niya.

    “Tingnan mo ’to, magtatanong tapos di naman maniniwala pag sinagot mo nang maayos” sa isip-isip ni Nathan. “Hmmm, ang tagal ni Piyaya, matext nga. Baka kung ano na nangyari dun.”

    Hi Piyaya, it’s Nate, pinakagwapo mong blockmate :D where art thou my love? Come to school na, can’t wait to see you. <3

    At sinend niya kay Sophia yung text message niya.

    Sa kabilang dako, kung nasaan si Sophia, nakatanggap siya ng text message from an unknown number. Actually, nasa kabilang building lang siya, busy magpa-media. Nabasa niya yung text at laking gulat nang malamang si Nathan pala ito. “What the hell???” tapos nag-reply siya.

    How’d you know my number??? I don’t remember giving it to you. Stalker lang ang peg???

    “Bwisit! Pati ba naman number ko, nakuha pa niya?! That sneaky pervert!” sabi ni Sophia.

    Biglang nag-reply si Nathan.

    Well, I have my sources... You didn’t answer my question, c’mon, tell me where you are. If you want, I’ll even pick you up. ;)

    No need. Teka nga, start na ng klase natin ah. Makinig ka na nga. Wag mo na akong itext. Ginugulo mo buhay ko. Busy ako. Bye!  reply ni Piyaya.

When Kings and Queens CollideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon