Chapter 8

66 6 1
                                    

    Isang sabado ng umaga, nagkataong walang pasok ang ating mga bida kung kaya’t nandun lang sila sa mga kani-kanilang bahay at nagpapahinga.

(Madrigal’s Residence)

*ding dong ding dong

    “Kathy, buksan mo yung gate” utos ni Zoe, mommy ni Sophia, habang nakaupo sa garden nila kasamang kumakain ng cake si Hugo, ang daddy ni Sophia.

    Maya-maya ay pumasok na ang bisita nila. Aba, si Nathan pala, at may dala-dala pang homemade Lasagna. Mukhang pinaghandaan niya ang araw na ito. Tiniyak niyang sobrang gwapo niya ngayon. Siyempre, iba talaga kapag nagpapa-goodshot sa parents ni Sophia.

    Tinanggal muna ni Nathan yung RayBan shades niya at saka nagsalita, “Hi tita, tito, good morning!” bati niya. Sosyal! Tita at tito agad ang tawag, o diba, feeling close!

    Tumayo si Zoe at nilapitan siya “Hello, ikaw ba yung anak ni Claire?” nakangiting tanong kay Nathan.

    “Opo, ako po si Nathan, Nate na lang po itawag niyo sa’kin” nakangiting sagot naman ni Nathan.

    “Oh my! Hindi man lang niya ako ininform na ang gwapo-gwapo pala ng anak niya. Halika, pasok ka iho.” sabi ni Zoe.

    “Hahaha, thank you po sa compliment tita.” pakumbabang sabi niya

    “C’mon, I’ll introduce you to my husband” sabi ni Zoe at lumapit sila kay Hugo para ipakilala si Nathan “Honey, this is Nate, yung anak ni Claire at Eugene. Remember? yung may-ari ng Royal Wine Company.”

    “Ahh, oo, I must say, may itsura anak nila Claire ah hahaha gusto mo bang maging manugang ko?” sabi ni Hugo

    “Hahaha, eto naman si tito, kung makapagbiro. Thanks tito. By the way, may dala po pala ako, sana po magustuhan niyo, specialty po yan ni mommy” at inilapag sa mesa yung lasagna.

    “Nako, nag-abala pa si Claire” sabi ni Zoe

    “Pakisabe sa mommy mo, salamat. Mukhang masarap ah.” sabi ni Hugo.

    “Masarap na masarap po yan tito. Makakalimutan niyo pangalan ng anak niyo sa sobrang sarap niyan. Haha okay po, sasabihin ko kay mommy” sagot agad ni Nathan, proud na proud sa gawa ng mommy niya.

    “Nga pala, sabi ni Claire may ipapa-abot daw siya sayo?” sabi ni Zoe.

    “A oo nga po pala. eto po tita, invitations po for tomorrow’s wine tasting event” iniabot ang mga invitations sa kanila.

    Binasa muna nila Zoe at Hugo ang invitation at nagsalita si Hugo “Alright, we’ll be there”

    “Talaga po? Thanks tito!” nakangiting sabi ni Nathan

    “Ano ba yung ila-launch niyong bagong product? Is it another product line or extension lang?” tanong ni Zoe

    “New product line po tita. Anyway, abangan niyo na lang po bukas.” sabi ni Nathan

    Habang kakwentuhan ni Nathan sina Zoe at Hugo, lumabas ng kwarto si Sophia dahil naririnig niyang nagtatawanan ang mga magulang niya.

    “O ma’am Piyaya, himala, lumabas din kayo ng kwarto niyo” biro sa kanya ni Kathy.

    “Hay nako Kathy, tigilan mo ako ah, teka nga, sino ba yung bisita nila mommy at daddy? Mukhang nagkakasiyahan sila dun ah” sabi ni Sophia.

    “Ay opo, ang gwapo-gwapo nga po nung bisita nila eh” sabi ni Kathy na kinikilig-kilig pa.

    “Oh really? At talagang kinikilig ka pa ah? Malandita ka. Let me check.” sabi ni Sophia at sabay bumaba sa hagdan, pumunta sa may garden at nagulat sa kanyang nakita “YOU??!! What the hell are you doing here??” malakas na pagkakasabi ni Sophia na may pagtuturo pa.

When Kings and Queens CollideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon