Chapter 13

58 4 2
                                    

    Tapos na mag-audition si Dominic, kung saan isang hearfelt song ang tinugtog at kinanta niya. And guess kung para kanino? Aba, no other than Ms. Michelle Valderama. I-deny man niya, alam naman nating lahat ang totoo, anubeh!

     “Next” sabi ni Michelle at lumabas na si Adam sa stage na may dalang electric guitar. Ang angas nang dating niya, napakapogi! At syempre, nagsigawan at nagtilian ang mga babae! Wala pa nga e, grabe agad mag-react ang audience natin. Hinay lang girls, may susunod pa.

    Nagulat at napahinto si Janelle sa ginagawa niyang pag-eedit ng pictures ni Sophia, habang napangiti naman si Sophia nang makita si Adam.

    “You may now start.” sabi ni Michelle na nag-thumbs-up pa kay Adam, kasi naman kahit siya walang takas sa malakas na charm nito. Iba yata ang kamandag ni Adam!

    “I’m Adam Rodriguez, here to play my guitar and to sing. Hope you would like it” sabi ni Adam. Muling nagdilim ang auditorium at tumapat ang spotlight kay Adam. Nagsimula nang tumugtog si Adam na may dramatic intro nang biglang,

    (I'm an angel with a shotgun, shotgun, shotgun,

    An angel with a shotgun, shotgun, shotgun...)

    Yaan ang mga unang linya ni Adam sa kanta, Angel with a Shotgun ng The Cab pala ang kakantahin niya. Nagsimula na rin tumugtog si Adam ng electric guitar niya at ang mga babae ay di maiwasang magsitilian.

   Get out your guns, battle's begun,

    are you a saint or a sinner?

    If love's a fight, then I shall die,

    with my heart on a trigger.

    Napanganga ang madlang people sa nakikita nilang performance. Kahit sila Janelle, Michelle at Sophia, na-starstruck kasi parang hindi si Adam ang nasa entablado. Habang tumatagal ang performance ni Adam ay para ka nang nanunuod ng concert. Para na siyang rockstar sa paghe-head bang niya sa stage. Hindi naman tayo iniform, concert pala ito...

    Hindi namamalayan ni Janelle na kanina pa pala siya click nang click sa camera niya dahil sa pag-picture kay Adam nang palihim. Na-setup na din pala niya ang MacBook Air niya para ma-videohan ang performance ni Adam. Buti na lang lahat ng tao ay tulala sa stage, kaya hindi napapansin ang ginagawa niyang pamimirata kay Adam, peace Janelle.

    They say before you start a war,

    you better know what you're fighting for.

    Well baby, you are all that I adore,

    if love is what you need, a soldier I will be.

    “Shocks, full memory na agad?” tanong ni Janelle sa sarili niya “Asan na yung mga spare memory cards ko? Ayan.” at pinalitan na niya ito. Di niya alam, sa kanya lang nakatingin si Adam.

    I'm an angel with a shotgun,

    fighting til' the wars won,

    I don't care if heaven won't take me back.

    I'll throw away my faith, babe, just to keep you safe.

    Don't you know you're everything I have?

    ..and I, wanna live, not just survive, tonight.

    Sa may gilid ng stage na buti na lang natatakpan ng stage curtain, makikita sina Dominic at Nathan na intense maka-cheer kay Adam.

When Kings and Queens CollideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon