The Prophecy

253 4 2
                                    

Masasaksihan sa silid ng section Zinc ang magulong mga estudyante na iba't-iba ang ginagawa habang hinihintay ang pagdating ng kanilang guro sa unang subject. May mga naghahabulan na parang bata kahit na nasa ika-siyam na baitang(grade) na sila. Mayroon ding mga nagtatawanan na magkakabarkada dahil sa bakla nilang kaibigan na tinatawag ang poging estudyante at sinabihang, "Papa, anong pangalan mo?" Sa isang sulok naman ay makikitang abalang nagrereview ang numero-uno sa kanilang klase, Si Klareesa Kaye Dominguez. 


Kung inaakala mong katulad siya ng mga ibang matatalino na hindi biniyayaan ng magandang pisikal na anyo, nagkakamali ka, tol. Maraming lihim na nagkakagusto sa kaniya sapagkat mayroon siyang natatanging alindog. Simple lang siyang babae kung titignan. Hindi man siya singputi ng ibang babae, ang kalooban naman niya ay mas maputi pa kaysa sa mga naggugluta. Kaya naman maraming nagkacrush sa kanya dahil wala ka nang ibang hahanapin pa sa kaniya. Itsura, check. Ugali, check. Matalino pa. Sa'n ka pa? 


Focus na focus siya sa pagrereview dahil magkakaroon sila ng test sa AP at 'di niya maaatim na hindi maperfect ito. Natigil ang kaniyang pagrereview sa pagsulpot ng kaniyang best friend na si Kearley. 


"Klarissa, samahan mo nga muna ako sa canteen," sabi nito na hindi man lang inisip na nakakaistorbo siya. 


Dahil sa likas na mabait si Klareessa, walang alinlangan na tumayo ito at sinabing, "Tara na nga."


Klareesa's POV


Naglalakad kami papuntang canteen nang biglang nagsalita si Kearley habang itinuturo ang isang tao. 


"Klareesa, si wtf, o." 


Wtf, short for what-the-feeler. Akala niyo what the f*ck, no? Nagkakamali kayo. Good girl ako kaya 'di ako nagmumura. Siya yung kinaiinisan ko, tsk. Ang yabang kasi e.


"Jusko, ang gandang pambungad sa umaga. Bilisan na natin maglakad. Ayoko makita pagmumukha niyan," sabi ko habang tumitingin sa ibang direksyon. 



Binilisan na nga naming maglakad at nakarating na din sa coop(tawag namin sa canteen). 


"Tara na, Klareesa," aya sa 'kin ni Kearley habang hawak-hawak yung binili niyang  cheese flavored popcorn sa kanang kamay at ice tea naman sa kaliwang kamay.


"After 75 years, sa wakas, nakabili ka na rin," sabi ko habang tumatayo mula sa kinauupuan na bato. 



Sanay na kong hinihintay 'yang magaling kong best friend. Hays, magrereview pa pala ako. 


GENERAL POV


Natapos na ang pagsusulit ng 9-Zinc sa AP at 'di nakapagtatakang si Klareesa na naman ang nakakuha ng perfect score. Kahit na naistorbo siya kanina, 'di iyon naging hadlang. Ganoon siya kadedicate sa pag-aaral. Samantala, ang iba naman ay may malulungkot na mukha sapagkat nakakuha sila ng bagsak na grado. Pinakamababa ata ay 10 sa hanggang 50 nilang test. Natigil ang kanilang pagluluksa ng biglang nagsalita ang kanilang guro na si Mr. Karl Resonante. 

Lovelife of a NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon