Klareesa's POV
Nabigla kami ng mga kagrupo ko sa pag-asta ni Ley dun sa isang costumer. Sinabihan ba naman niya ng ganito: "Do I have to repeat myself? I said it's Php4 each." Sungit, 'di ba? 'Di ko alam kung anong nakain nito ba't nagkakaganyan siya. Inisip ko nga na baka may period siya kaya ganyan. 'Di naman siya ganyan e. Ang kilala kong Ley ay sociable at friendly. Buti na lang at bumili pa rin yung sinungitan niya. Naglalakad na kami ngayon para maghanap ng rooms na vacant/walang teacher. Tinabihan ko si Ley at nagsimula nang mag-imbestiga kung may kinalaman ba siya dun sa pagkamatay ng ipis sa bahay namin. dejoke lang XD
"Ley, may problema ka ba?" tanong ko sa kaniya na punong-puno ng pag-aalala. Baka kasi may nangyaring malala kaya nagkaganyan siya.
'Di niya ako sinagot at nagpatuloy lang sa paglalakad. 'Di rin niya ko nilingon.
"Psst, tao po ako. Notice me, please."
For the second time, 'di pa rin niya ko pinansin. Aba, natatapakan ang aking pride, mga bes. Namuo ang isang malawak na ngiti sa aking labi nang makita ko si Lisa kasama yung mga kagrupo niya sa 'di kalayuan. Mukhang alam ko na ang gagawin ko.
"Ayaw mong magsalita ha. Kung tawagin ko kaya si Lisa at sabihing gusto mo siyang kausapin? Mukhang masaya yun," sabi ko na may halong panunukso. Hinarap ako ng mokong. haha Sabi na e. Eto kahinaan niya.
"Subukan mo lang or else-" pinutol ko siya at sumigaw.
"LII- ," natigil ang pagtawag ko kay Lisa dahil tinakpan niya yung bunganga ko.
"Okay, you win," pasuko niyang sabi. I'm so great. hehe
"Ano na? Spill the beans. Handa akong makinig sa problema mo."
"Wala akong problema," sabi niya at umupo sa batong upuan.
"Wala daw. E ba't ganun yung attitude mo kanina sa customer?"
"Ewan ko. Kahit ako nabigla dun sa nasabi ko. Gutom lang siguro, to."
"Sus, ang yaman-yaman mo 'di ka nagbebreakfast?"
"Nagbreakfast ako no."
Kate's POV
(AN: Si Francess Kate, Kate for short, ay yung manghuhula na friend ni Klareesa. Paalala lang kung sakaling nakalimutan niyo na kung sino siya.)
Nakatingin ako ngayon kina Ley at Klareesa na nag-uusap mula sa malayo.
"Nagsisimula na."
"Anong nagsisimula?" nabigla ako nang biglang may nagsalita. Nang lumingon ako, nakita kong si Xander pala.
BINABASA MO ANG
Lovelife of a Nerd
RomanceLibro, ballpen, notebook, A+ grades, iyan ang mga bagay na sumesentro sa mundo ni Klareesa Kaye Dominguez. Wala siyang panahon sa mga lovelife katulad ng ibang mga kabataan. Isang araw, nilapitan siya ng kaniyang kaibigan na may kakayahang malaman a...
