Magulong Puso

40 1 0
                                    

Klareesa's POV

Lahat kami nabigla sa inasta ni Stephen. Lalong-lalo na ako dahil nga sa nakita kong pagpalit ng kulay ng mata niya. Ako lang kaya ang nakakita nun? Tatanungin ko sila mamaya. Kahit na medyo natatakot, mas pinili kong tumayo at nagsimulang maglakad para sundan si Stephen. Ano kaya problema nun? Ba't bigla na lang siya nagbagsak ng kutsara at nagwalkout? Galit kaya siya? At kanino naman kaya? Siguro kay Ley dahil ang sama-sama talaga ng tingin niya kay Ley kanina. Teka. Bati na sila, 'di ba? May nickname na nga sila sa isa't-isa e. E ba't bigla na lang nagalit si Stephen? Nagbibiruan lang naman kami ni Ley kanina ha? Ano kayang mali dun? Wag niyang sabihing nag- nagseselos siya. Hay, erase erase. Ba't naman siya magseselos? 'Di naman niya ako gusto. Hays, kung anu-ano na naiisip ko. Ang daming tanong sa isipan ko pero 'di ko masagot. Nasa labas na ko ng Orange Canteen ngayon. Nasaan kaya yun? Ang bilis naman niyang maglakad. Bigla naman lumabo ang paningin ko. Nakita ko na nasa cr si Stephen. Specifically, nasa cubicle siya ng cr. Umiihi. Buti na lang nakatalikod siya sa view ko kung hindi nakita ko na si junjun niya. Argh, disgusting. Bumalik na ang paningin ko sa normal. Nagsimula ulit ako maglakad papunta sa kung nasa'n siya ngayon. 

Malapit na ako sa men's cr. Wala akong nakitang Stephen sa labas ng cr. So, maghihintay pa ko dun sa labas ng cr ng mga lalake? Ano ba naman yan! Ba't kasi magkahiwalay pa ang cr ng mga lalaki at babae dito sa school namin? Abnormal din yung architect ng school namin e. Hays, ano pa kasing kaartehan ng Stephen na 'to e. Nung nasa tapat na ko ng pintuan ng men's cr, sakto namang niluwa ng pintuan si Stephen. Buti naman at 'di ko na kailangan maghintay dito sa labas. Halatang nabigla si Stephen nung makita niya ako.

"O, ba't nandito ka? Panlalakeng cr 'to ha. Wag mong sabihing- Omaaaygaaad." Tinakpan ng mokong ang bunganga niya. Ano na naman problema nito?

"Anong wag mong sabihing?" 

"Tomboy ka ba, Klareesa?" Pagkatapos na pagkatapos niyang sabihin ang "Klareesa" ay nakatanggap siya ng sapok mula sa akin. Opo, hilig kong manapok lalo na kung siraulo yung kausap ko para mabalik siya sa realidad at magtino ang utak. Pero 'di naman masyadong malakas yung sapok ko. hehe

"ARAY!" angal sa 'kin ni Stephen at hinawakan ang ulo niya. Sinamaan niya ako ng tingin. Bigla na lang niya ako kinurot sa pisngi. 'Di lang yung kurot na nakyukyutan pero yung kurot na nanggigigil. Ang sakit ng kurot niya. Talagang gumanti ang mokong.

"ARAY KO!" sigaw ko sa kanya kaya tinigil niya na ang pagkurot sa 'kin. Sigurado akong namumula na yung mukha ko dahil sa pagkurot na ginawa niya. Aww, ang sakit talaga. Sinamaan ko siya ng tingin. Hays, kahit crush ko 'to, minsan nakakainis din 'to e.

"Masakit?" tanong niya sa 'kin at ngumiti ng naiilang.

"MALAMANG!" pasigaw kong sagot sa kaniya. Tinalikuran ko siya at naglakad na.

"Sorry na. Gumanti lang naman ako. Mas masakit kaya yung sapok mo." 'Di ko siya pinansin. 

"'Di ba sabi ni Leah 'di ka niya ililibre ng ice cream? Ako na lang manlilibre sayo. Ililibre din kita mamayang uwian." Napangiti naman ako sa narinig ko. Hinarap ko si Stephen. 

"Talaga?" tanong ko sa kaniya. 

"Yan na nga ba sinasabi ko e. Kapag libre, ang bilis-bilis mo talagang kunin. Sana ganun ka rin kadaling kunin," pabiro niyang sabi. 'Di ko masyadong narinig yung sinabi niya nung huli kasi pabulong.  Yung "sana ganun ka rin" lang ang narinig ko. Nginitian ko siya dahil sa sinabi niya. 

Lovelife of a NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon