Klareesa's POV
As usual, 4:00 ako lagi nakakauwi sa bahay galing school. Ang klase namin ay hanggang 7:00 AM-3:00 PM. High school na ko ganyan pa din schedule. Isang oras ang biyahe mula school. Pagkaring pa lang ng bell ay agad akong kakaripas ng takbo palabas para makasakay ng jeep kaya 'di ako nalelate umuwi. Iniiwan ko na lang si Kearley kasi may kasabay naman siya tsaka 'di kami pareho nang sinasakyan pauwi. Nakabihis na ako ng pambahay at sumalampak na sa upuan. Kinuha ko yung cellphone kong nasa loob ng compartment ng personal cabinet ko. 'Di ko dinadala sa school yung cp ko. Distraction lang yun. Inonline ko yung fb ko. May message galing kay Ley.
Ley Albert Neville
Hi Klareesa! (smile emoticon)
Sent: 3:30 pm
Ang tagal mo namang mag-ol.
Sent: 4:07 pm
Aysus, nagtaka pa siya kung bakit ako matagal mag-online. This man has no common sense. Ang layo kaya ng bahay ko sa Easton University. Palibhasa, nakatira siya sa Easton Compound e. Nireplyan ko na siya.
(AN: Yung bold(hindi yung pinapanood XD) na italicized na sulat ay message galing kay Klareesa while yung normal font na italicized ay galing kay Ley.)
Ley Albert Neville
Malayo kasi sa Easton University yung bahay ko, remember? Pag-usapan na natin yung tungkol sa project.
Sorry naman. XD 'Di ko alam e. Where should we start?
Dahil ikaw ang pinakamayaman sa group, ikaw muna mang-abono ng pambili ng mga output na kakailanganin sa paggawa ng product. Is it okay?
Oo, sige. Maaga pa naman. Bili na kaya tayo ng mga ingredients ngayon?
Anong tayo? Ikaw na lang, Ley. Malayo yung bahay namin sa palengke. Gagastos pa ko ng pamasahe.
Kailangan ko ng kasamang mamili. Tulungan mo kong magdecide kung ano yung mga bibilhin ko. May kotse naman kami. Sunduin na lang kita diyan.
O sige. Btw, anong una nating ititinda?
Pastillas na lang siguro. See you. Magpapahatid na ko papunta diyan sa bahay niyo.
Wait, alam mo ba bahay ko?
Oo naman. Nagpractice kami dati diyan sa baranggay niyo tapos nadaanan namin yung bahay niyo.
O sige. Hintayin kita.
Seen 4:19 pm
Gumawa muna ako ng assignment habang hinihintay si Ley. Mahigit 30 minutes na ang nakalipas nang biglang tinawag ako ni mama kaya naman nahinto ako sa paggawa ng assignment.
"Kaye, yung kaklase mo nandiyan." Ang bilis naman ni Ley. Patay, 'di pa ako nakakapagbihis.
"Ma, pakisabi magbibihis muna ako saglit," sabi ko at naglakad na ako papuntang cabinet para mangalkal ng damit.
"Saan lakad natin?" tanong ni mama ko habang nakahawak sa bewang niya.
"Bibili po kami ng ingredients para sa project. Baka abutin po kami hanggang 7 kung traffic," sagot ko habang patuloy pa ring nangangalkal.
![](https://img.wattpad.com/cover/93630558-288-k622161.jpg)
BINABASA MO ANG
Lovelife of a Nerd
RomansaLibro, ballpen, notebook, A+ grades, iyan ang mga bagay na sumesentro sa mundo ni Klareesa Kaye Dominguez. Wala siyang panahon sa mga lovelife katulad ng ibang mga kabataan. Isang araw, nilapitan siya ng kaniyang kaibigan na may kakayahang malaman a...