Klareesa's POV
"Gising ka na pala. Okay na ba pakiramdam mo?" sambit ni Stephen na nasa tabi ko.
"Ah, oo. A-anong nangyari?" tanong ko sa kanya dahil 'di ko alam pa'no at kung kailan ako nakatulog.
"Nung pinipingot mo ko, bigla na lang natanggal kamay mo sa tenga ko. Akala ko naawa ka lang sa 'kin pero pagtingin ko sayo wala ka ng malay," sagot niya sa 'kin.
"A-ako? Nawalan ng malay? Imposible." Ba't naman ako mawawalan ng malay?
"Dadalhin na nga sana kita sa ospital kaso nung magdadrive na ko, nakita kong gumalaw ka kaya inisip kong nakatulog ka lang. May masakit ba sayo?" tanong niya na punung-puno ng pag-aalala.
"Wala. Ni sipon, ubo o lagnat nga 'di ako nagkakaroon within this year e. Alaga ko sarili ko. Alam ko ang tama at mali para sa katawan ko kaya imposibleng sakit ang dahilan ng pagkawala ng malay ko," pagpapaliwanag ko kay Stephen.
"E ano naman kaya ang dahilan? Baka napagod ka lang siguro sa paglibot natin sa mall tapos sinabayan pa ng pagkabusog mo kaya nakatulog ka. hahaha 'Di ka man pala nagthank you sa 'kin dun sa libre ko, no?" sabi niya sa 'kin at nagpout. Pati pala lalaki nagpapout. Abnormal talaga 'tong si Stephen. Napatingin ako sa labi niya at naalala ko yung panaginip ko. Biglang nagpalpitate si hearteu(heart) ko. Ibinaling ko ang paningin ko sa ibang direksyon at nakita ko si Mama na nasa harapan ng pinto. Nginitian niya ako at naglakad papunta sa gate.
"Kaya 'di ako nagthank you kanina kasi naiinis ako sayo. Masyado mo kasing inoverdo e." Akmang pipingutin ko na siya ng hinawakan niya ang kamay ko.
"Baka mawalan ka na naman ng malay kapag piningot mo ko, sige ka. hahaha"
"I'm sorry," seryoso niyang paghingi ng tawad habang nakatitig ng malalim sa mga mata ko. "Sige na. Nasa gate na si mama mo. Wag ka masyadong magpagod sa bahay niyo. Baka mawalan ka na naman ng malay," pagpapatuloy niyang sabi at saka binitawan ang kamay ko. Bubuksan ko na sana ang pinto ng kotse kaso pinigilan niya ko.
BINABASA MO ANG
Lovelife of a Nerd
RomanceLibro, ballpen, notebook, A+ grades, iyan ang mga bagay na sumesentro sa mundo ni Klareesa Kaye Dominguez. Wala siyang panahon sa mga lovelife katulad ng ibang mga kabataan. Isang araw, nilapitan siya ng kaniyang kaibigan na may kakayahang malaman a...