Klareesa's POV
Ang lakas din ng loob niyang sabihan akong "nakikipagflirt", ha? Ano kayang tawag sa ginagawa nilang dalawa ni Lisa? Siya ata 'tong nakikipagflirt! Tuluy-tuloy akong naglalakad habang hawak yung kamay ni Stephen. Ayaw ko muna kasing makita o kausapin si Ley kaya naman hinihila ko si Stephen saanmang lupalop na daan ang tinatahak ko. May dalawang daan ngayon sa harap ko. Parang feel ko na makikita kami ni Ley kung dadaan kami sa left side kaya naman nagdecide ako na dumaan sa right side. Tinahak namin ang daan patungong library.
"Klareesa, wait lang," pagpigil sa 'kin ni Stephen. Hinahabol niya ang hininga niya. May asthma nga pala 'to. Naku, baka inaatake na siya. "Hinay-hinay lang. Baka mabawasan ang gwapo sa mundong 'to. Wag mo kong masyadong pagurin, bes," pabiro niyang sabi.
"Okay ka lang? Ano, dalhin na ba kita sa clinic?" tanong ko na punung-puno ng pag-aalala.
"Okay na 'ko. Tara, lakad na tayo. Baka maabutan pa tayo nung "best friend" mong nag-tatatay-tatayan," sabi niya habang dinidiinan yung salitang best friend.
"Mabuti pa nga," pagsang-ayon ko sa kaniya.
Ilang saglit lang ay nakapunta na kami sa library. Umupo kami sa ikalawang table dun sa right side ng library. Magkaharapan kami ni Stephen habang nakaupo. Bigla ko namang naalala yung nangyari kanina, yung ginawa niya kanina. Ba't hinawakan niya yung pisngi ko at tinitigan niya ko? Bago pa ko mabaliw kakaisip kung anong dahilan, nagdecide ako na tanungin na lang siya.
"Uy, Stephen, anong ibig sabihin ng kanina?"
"Ah... ah.... Ahm," napakamot naman siya sa ulo niya. Nahihirapan mag-explain ang mokong.
"Ano?" tanong ko ulit sa kanya.
"Ahm, ano kasi, yun yung unang technique kung pa'no mang-akit ng costumer." 'Di naman nakatakas sa paningin ko yung paglunok niya ng laway at pagpunas ng pawis. Ba't siya pinagpapawisan? Malamig naman dito ah? Kinakabahan? Saan naman kaya? Wag niyang sabihing takot siya sa 'kin? hahaha Tinignan ko naman siya ng masama para takutin kahit 'di naman talaga ako galit dahil sa sinagot niyang dahilan.
Ngumiti naman siya ng pilit at naiilang.
"Sa tingin mo, gagawin ko yun? Sabi ko na nga ba 'di matino yung ituturo mo e," sabi ko at hinampas siya sa balikat... ng pabiro at tumawa.
"Pero aminin mo, kinilig ka sa ginawa ko no?" pang-aasar niya at ngumisi. Ang sagot ko ay... oo. Busit, kinilig talaga ako kanina sa ginawa niya pero 'di ko pwedeng sabihin siyempre. Ako naman 'tong napalunok ngayon at nagpunas ng pawis.
"Wag ka ngang feeling diyan. Nailang ako at hindi kinilig. Ako kikiligin sa isang tulad mo? Huh," pagdedeny ko sa totoong naramdaman ko.
Biglang naging seryoso yung mukha niya ng ilang segundo pero tumawa din siya pagkatapos.
May problema ata 'tong dinadala. Kanina ko pa napapansin yung pagpalit ng mood niya e. Parang 'di talaga siya masaya. Ayaw niya lang sigurong ipakitang malungkot siya.

BINABASA MO ANG
Lovelife of a Nerd
RomanceLibro, ballpen, notebook, A+ grades, iyan ang mga bagay na sumesentro sa mundo ni Klareesa Kaye Dominguez. Wala siyang panahon sa mga lovelife katulad ng ibang mga kabataan. Isang araw, nilapitan siya ng kaniyang kaibigan na may kakayahang malaman a...