What's in a Merge?

72 1 0
                                    

Klareesa's POV


Nakarating na nga kami ni Ley sa kwarto niya.


"Dun ka matulog sa sofa," sabi niya sabay turo dun sa blue na sofa na nakapwesto dun sa left side nung kwarto niya.

"Opo, boss," ang tangi kong naisagot. Naglakad na nga ako papunta dun at humiga na. Merong dalawang unan na nakalagay dun sa sofa. Yung isa ginawa kong teddy bear na yakap-yakap ko na ngayon. Tinignan ko si Ley. 'Di ko mapigilang mainis dahil naglalaptop siya. Sabi niya kanina naaantok na siya. What a liar! Dahil 'di pa nga ako naantok, naisipan kong hiramin muna ang laptop niya. Lumapit ako sa kanya. Nakafb siya. Kachat niya si... What! Si Stephen? Nasa kalagitnaan na siya ng pagtatype. Nabasa ko kung anong tinatype niya. 


"Stephen, may kilala akong may crush sa'yo sa room. Wanna-" 


Natigil ang pagtatype niya dahil inagaw ko ang laptop mula sa kanya. 


"Ibubuking mo pa talaga ako, no!" pagalit kong sabi habang nakikipagpatintero sa kaniya. 

"Dapat lang pagkatapos ng ginawa mo kanina. I'm just making it even."

"Bakit binuking din ba kita kay Lisa? Huh, 'di ko na pala kailangan sabihin sa kaniya kasi dati niya pang alam," pang-iinis ko sa kaniya. Mukha namang nainis siya kaya binilisan niyang tumakbo at nadakip niya ko. Bale ang pwesto niyan namin ay nakatayo tapos nasa likod ko siya at nakapalupot yung arms niya sa 'kin na parang niyayakap niya ko. Siyempre, 'di ako magpapatalo. Pilit akong kumalas. Sadly, 'di ko nagawa. Tinanggal niya ang isang kamay niya sa pagkakayakap sa 'kin. Pilit niyang inaabot yung laptop na hawak nang kamay ko na nakawala mula sa pagkakayakap niya. Habang busy siya sa pag-abot dun, agad kong tinanggal yung isa niya pang arm/kamay sa akin. Tumakbo ako papunta sa pinto nang bigla kong maramdaman ang pagkahilo kaya napaupo ako ng 'di oras sa sahig. Inabutan ako ni Ley sa ganung sitwasyon.  'Di na siya nagdalawang-isip pa na kunin yung laptop niya.

"Suko ka na, no?" sabi niya at ngumisi ang mokong. Kung alam niya lang. 

"Ley, tulungan mo ko. Nahihilo ako." Nakita ko ang pag-aalala sa mukha niya. Kinaripas niya ng takbo ang distansya mula sa kama niya hanggang sa pintuan kung saan ako nakasalpak. 

"Anong masakit sa'yo? Oh, sh*t. May lagnat ka nga pala." 

"Okay na ko. Wala na kong lagnat. Nabinat lang siguro ako. Alalayan mo kong maglakad papunta sa sofa. Baka matum-" Binuhat ako ni Ley ng malabride-style. 'Di na ko umangal kasi mahihirapan din ako kung sakaling naglakad kami. Imbes na sa sofa ay inilapag niya ko sa higaan niya.

"Bakit dito? Okay na ko dun."

"Shut up. Patutulugin kita sa sala kung aangal ka pa."

"Sige na nga. Uhm, Ley, pwede bang mahiram yung laptop mo?"

"Bakit? Kung nag-aalala ka na itutuloy ko yung masamang plano ko kanina, well, hindi na." 

"'Di pa ko naantok e." 

"O," sabi niya sabay-abot ng laptop niya. "Wag kang manood/makinig ng kanta sa Youtube. Pwede kang manood kung hihinaan mo lang. I want to sleep already." 

"Opo, boss." 'Di ko na magawang umangal kasi baka bawiin niya pa 'to.  Gaya nga ng sabi niya, humiga na siya sa sofa dahil matutulog na siya.

Lovelife of a NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon