Friends?

32 0 2
                                        

Ley's POV



"Kasi nga mahal mo na siya." Yan ang mga katagang sinabi sa 'kin ni Lisa. Nasabi ko na naman ba kaya yung iniisip ko? Ba't ba kasi ganun ako? Ano ba yan! Sana naman 'di ko nasabi lahat. Kahiya, hays. 


"O, ba't ganyan mukha mo? hahaha," sabi ni Lisa at tumawa. Sino ba namang 'di mabibigla slash mahihiya kung nasabi mo yung iniisip mo na 'di dapat malaman ng kahit sino lalong-lalo na ng crush mo?


"May narinig ka bang sinabi ko?" tanong ko sa kanya. 


"Ha? Wala naman. hahaha," tugon niya at ngumiti. Ang ganda talaga ni Lisa. Ba't kaya tumabi sa 'kin 'to? Bigla tuloy akong kinilig dahil sa idea na magkatabi kami ni Lisa ngayon. wahaha 'Di ko kasi agad napansin yun dahil nakatuon yung atensiyon ko sa sinabi niyang "Kasi nga mahal mo na siya"  Nakahinga naman ako ng maluwag dahil sa sinagot niya sa 'kin na wala siyang narinig. E ba't naman kaya niya nasabi yun? 


"Uhm, ano palang ibig sabihin mo dun sa sinabi mong kasi nga mahal mo na siya?" Takte, ano kaya yun? Meyo kinakabahan pa din ako habang hinihintay siyang sumagot. 


Hinarap niya sa 'kin yung cellphone niya. "Nagbabasa ako ng Wattpad. Nagtatanong kasi yung main character sa sarili niya kung bakit siya nagkakaganun tas ako naman si tanga sinagot siya kahit 'di naman niya ako naririnig. hahaha Mahal na niya yung best friend niya pero 'di niya kayang aminin sa sarili niya." Nanlaki naman yung mata ko sa narinig ko. Ba't kailangan pang magbest friend, 'di ba? Shootness overload. 


"Anong title niyan?" tanong ko sa kanya. Siyempre samantalahin na yung pagkakataon para makausap si crush. Damoves damoves din pag may time. Sayang wala dito si Klareesa. 'Di ko tuloy mapapamukha sa kanya na marunong naman akong dumamoves kahit papa'no. Pashnea kasi yung babaeng yun e. Tingin sa 'kin torpe o kaya naman banban. Palagi akong inaasar nun pag malapit sa 'min si Lisa. Banban daw ako. Sus. Mas banban siya dahil 'di niya maamin yung feelings niya kay Stephen. Nabalik ako sa katinuan nung nagsalita si Lisa. Ba't kasi bigla ko na lang naisip yung babaeng yun? Nasa harapan ko si Lisa pero siya yung naiisip ko, ano ba yan!


"Lovelife of a Nerd yung title. Ang ganda nung kwento, promise. Kinikilig ako dun sa dalawang bida kaso mas gusto kong magkatuluyan yung second lead guy tsaka yung main lead girl character."


"Bakit naman?" tanong ko na may halong pagtataka. Kadalasan kasi sa mga tao ay support na support sa love story ng mga main characters e. Sa book, movie o sa drama man. E bakit naman kaya ayaw neto na magkatuluyan yung dalawang bida? Abnormal din pala 'tong crush ko e. 'Di ko mapigilang mangiti dahil kausap ko si crush ngayon at magkatabi pa kami. Ang bait niyo naman po sa 'kin, Lord. Thank you, Lord. Iiwasan ko na pong magmura kapag nagagalit ako. 


"Kasi masasaktan lang yung dalawang bida. Masasaktan lang sila dahil sa pakikipaglaban nila sa tadhana. Merong mawawala at mawawala kung ipapagpatuloy nila ang laban para sa pag-iibigan nila. Ayoko naman maging miserable ang buhay nung mga main characters kaya mas mabuti nang wag na lang silang magkatuluyan." Nakaramdam naman ako ng lungkot dahil sa sinabi niya. Feel ko kung nangyari yun sa 'kin 'di ko kakayanin. Yung feeling na mahal niyo yung isa't-isa pero pinipigilan naman yung pag-iibigan niyo. Mas masakit pa ata yun sa one-sided love e. 

Lovelife of a NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon