Klareesa's POV
Sa wakas, nagring na din yung bell. Kanina pa kumakalam yung tiyan ko. Kainis kasi yung teacher namin sa Filipino, ang hilig mag-overtime. 12:10 pm kami nagdismiss kahit na dapat kanina pa kaming 12:00 pm lumabas e. Agad-agad tumakbo palabas yung mga kaklase ko nung paglabas nung teacher naming sobrang ganda pero tomboy ata. Wala kasing boyfriend tapos kung pumorma panlalake. 'Di man din siya palamakeup pero maganda pa din. Palabas na ko ng room nang may tumawag sa 'kin.
"Klareesa, mauna na kayo. 'Di muna ako sasabay. May gagawin lang ako," sabi ni Ley sa 'kin. Tumango ako bilang sagot. Tumalikod na siya at nagsimula ng maglakad. 'Di kaya nagalit 'to sa 'kin dahil tinakasan ko siya nung minsan? Luh, baka galit 'to sa 'kin.
"Ley," pagpukaw ko sa atensiyon niya kaya napahinto siya sa paglalakad.
Tinaas niya lang ang kilay niya na nagpapahiwatig nang salitang, "Ano?"
"Galit ka ba sa 'kin?" tanong ko sa kaniya. Ngumiti siya bago nagsalita.
"Gusto ko man magalit sayo pero 'di ko magawa," sabi niya at ngumiti pagkatapos magsalita. Tumalikod na siya ulit at naglakad na. Lumabas na din ako sa room at hinintay yung mga kasabay kong maglunch. As usual, kasabay ko yung baklang Xander na yun tsaka si Kearley myloves. Agad din naman lumabas yung dalawang taong mahalaga sa buhay ko, ang mga pinakamalapit kong kaibigan.
"K2, saang canteen tayo niyan?" tanong sa 'kin ni Kearley. K2 tawag niya sa 'kin at K1 naman tawag ko sa kanya. Last week lang namin binuo yung nickname na yan. XD Masyado kasing mahaba pangalan ko tapos ang hirap gawan ng nickname. Two syllables lang pangalan niya kaso ayaw niyang tinatawag siya sa first name niya kasi ang bantot daw kaya Canlas pa din tawag ko sa kanya kahit close na kami. XD We decided to give each other a nickname. Dahil dakilang nickname giver si ako, ako na nag-isip ng nickname namin. K1 siya dahil mas nauuna ang e sa l. (KEarley, KLareesa). XD
"Sa Orange Canteen na lang muna tayo. Mas mabilis tayong makakakain kapag dun tayo bumili kasi walang masyadong pila," suhestiyon ko.
"Mabuti pa nga. Gutom na gutom na ko e," sabat ni Xander habang hinihimas ang tiyan niya.
Nakarating kami agad sa Orange Canteen dahil katabi lang ng building namin yung canteen. Tinawag na Orange Canteen yun kasi kulay orange yung kulay ng canteen. 'Di man halata sa pangalan, ano po? XD Color orange yung upuan tsaka yung dingding. Halos lahat ng G9 dito bumibili dati kasi nga malapit lang pero ngayon, yung iba sa canteen ng mga G7 and G8 bumibili kaya 'di na masyadong occupied 'tong Orange Canteen.
Umupo kami sa may ikatlong table.
"Amina mga pera niyo. Ako na mag-oorder," pagmamalasakit ko sa dalawang 'to. Nagbigay si Xander ng 120 habang si K1 naman ay nagbigay ng 150. Naglakad na ko paalis ng table at naglakad papunta dun sa isang stall.

BINABASA MO ANG
Lovelife of a Nerd
RomanceLibro, ballpen, notebook, A+ grades, iyan ang mga bagay na sumesentro sa mundo ni Klareesa Kaye Dominguez. Wala siyang panahon sa mga lovelife katulad ng ibang mga kabataan. Isang araw, nilapitan siya ng kaniyang kaibigan na may kakayahang malaman a...