Klareesa's POV
Ako unang umiwas ng tingin. Hays ba't ko nasabi yun? Gusto kong lamunin na lang ng lupa. KLAREEEESAAA ANO GINAGAWA MUE?
"Uhmm." Napatingin ako sa kaniya ng marinig ko siyang magsalita.
"Klareesa... actually, naramdaman ko din 'yang naramdaman mo." Hinintay ko lang siyang magsalita ulit.
"Ano, kay Stephen tsaka Xander," pagpapatuloy niya habang nakayuko. Awkwardness is in the air.
"Akala ko nga nagkakagusto na ako sa'yo e pero saka ko lang narealize na nagseselos lang ako as a friend. Gusto ko ding maging affectionate ka sa 'kin katulad nung ginagawa mo sa kanila." Uh, o-kay? A moment of silence ulit.
"Kaya ikaw, baka ganyan lang din yung nararamdaman mo. Naguguluhan ka lang," pambabasag niya sa katahimikan. Nagkatinginan na naman kami ulit.
"S-siguro nga," ang tanging nasabi ko.
"Klareesa, tara, sabay na tayo," biglang sabi ng isang tao na nasa tabi ko, si Stephen. Bigla namang sumusulpot 'to. Nakakabigla. Pero thank you sa kaniya, makakatakas na din ako. wahaha Ang awkward talaga ng environment e.
"Sige," pagsang-ayon ko sa kanya at ngumiti.
"Uhmm, Leah, okay lang naman sa'yo, 'di ba?" biglang tanong ni Stephen kay Ley.
"Why not? Sige ikaw na maghatid sa kanya," sagot niya habang nakangiti. Wow, nag-iba ang ihip ng hangin. Dati makabawal 'to wagas ah.
"Sa isang kondisyon," pagpapatuloy niyang sabi. Luh, sabi ko na nga ba magbabawal na naman 'to e.
"Hayaan mo munang ituloy namin yung pag-uusap namin ni Klareesa." IHHHHH WHYYYYY SHOCKS AKALA KO MAKAKATAKAS NA AKO.
"Sige," walang pag-aalinlangang sagot ni Stephen. "Klareesa, una na ako sa parking lot," pagpapatuloy niyang sabi. Tumango na lang ako at ngumiti ng pilit. STEPHEN DAPAT HUMINDI KA E. HUHU Napabuntong-hininga na lang ako. Mukhang wala na akong choice kundi harapin yung sinimulan kong kalokohan.
"Klareesa," tawag ni Ley sa 'kin. Tumingin naman ako sa kanya. Naglakad siya papalapit sa akin. Luh, bakit? Ba't ka lumalapit? Hinila niya yung bewang ko gamit yung dalawang kamay niya para mapalapit sa kanya. Inilapit niya din yung mukha niya sa mukha ko. Uy ano 'to? Ba't may paganito kang ginagawa? Ngayon, nakatitig kami sa mata ng isa't-isa.
"Anong nararamdaman mo?" tanong ni Ley sa 'kin. 'Di naman ako makasagot. Pero kung ako ang tatanungin...ang nararamdaman ko ngayon? Mabilis, sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Sasabihin ko ba?
"Mabilis ba?" tanong niyang muli. Naiwan lang akong nakatingin sa kanya. Walang lumalabas na salita sa bibig ko. Unti-unti na siyang humiwalay sa 'kin at binitawan na din niya yung bewang ko. Wala akong nagawa kundi ang tumingin lang sa sahig. Shocks, what the heck did just happened?
BINABASA MO ANG
Lovelife of a Nerd
RomanceLibro, ballpen, notebook, A+ grades, iyan ang mga bagay na sumesentro sa mundo ni Klareesa Kaye Dominguez. Wala siyang panahon sa mga lovelife katulad ng ibang mga kabataan. Isang araw, nilapitan siya ng kaniyang kaibigan na may kakayahang malaman a...