Klareesa's POV
Mula sa labas, pumasok na si Stephen sa loob ng classroom namin. Nakita ko naman na nagkatitigan ng matagal si Ley at Stephen. Hindi yung titigan na panglovers o couple kundi pangenemy. Ramdam ko ang tensiyon sa kanilang dalawa.
"Klareesa, tara na," sambit ni Stephen sa 'kin. 'Di naman ako agad nakasagot. Tinignan ko si Ley at hinintay na magsalita.
"Sinong nagsabing sasama siya sayo?" tanong ni Ley kay Stephen at tinitigan na naman niya ng matalim.
"Siya. Siya ang nagsabing sasamahan niya ko. Promise is meant to be fulfilled," sagot ni Stephen sa kanya at binalikan din ng titig na matalim si Ley.
Lumapit si Stephen kay Ley. Kinuha niya ng mabilisan ang bag ko mula kay Ley. Pagkatapos niyang makuha ang bag ko, lumapit naman siya sa 'kin at hinila ang kamay ko. Kinaladkad niya ko papuntang pintuan katulad nung ginawa ko sa kanya kanina. Ano 'to? Gantihan lang?
(AN: Yung tinutukoy niyang kanina ay yung sa Chap 5 kung saan kinaladkad niya si Stephen para makaiwas kay Ley.)
Naramdaman kong may humila dun sa isang kamay ko kaya napatigil ako sa paglalakad. Pashneang Ley 'to. Tinanggal ko yung kamay ni Stephen sa 'kin at hinarap siya.
"Stephen, una ka na sa parking lot. Give me 5 mins. Kakausapin ko lang si Ley."
"O sige. Kapag wala ka pa dun within 5 mins babalik ako." Tumango ako bilang sagot. Naglakad na nga palabas si Stephen at naiwan kaming dalawa ni Ley sa room. Sinamaan ko naman ng tingin si Ley pero ngumiti rin ako pagkatapos ng ilang segundo. Tinatakot ko lang siya para payagan na niya ko.
"Leeyy, wag mo na kaming pigilan, please," pakikiusap ko sa kaniya with matching pleading eyes.
"I don't trust him. Sasama na lang a-" Pinutol ko siya sa pagsasalita.
"Leeyyy naman e. Walang gusto yun sa 'kin kaya imposible 'yang iniisip mo. Kaibigan ko yun at kilala ko pagkatao niya. Tsaka magmomall lang naman kami e. 'Di naman kami matutulog sa iisang kwarto kagaya nung sa 'tin. Mag-aalala ka kung ganun yung situation." 'Di nakaligtas sa 'kin ang pag-iwas niya ng tingin at pag-aayos niya ng kwelyo. I know what is happening in here. So, hindi pala imagination o panaginip yun? Overprotective siya sa 'kin pero mukhang mas malala pa ata siya kay Stephen. Gusto ko sana siyang tanungin tungkol dun pero baka kasi anong isipin niya kapag nagtanong ako. Baka busitin pa ko na masyadong ilusyonada o kaya naman pinagpapantasyahan siya. Nung gabing yun, naramdaman ko na may humalik sa 'kin at nung dinilat ko ang mata ko ay nakita kong si Ley ang nagmamay-ari ng labi na nakalapat sa labi ko. Sa mga gestures niya ngayon, mukhang totoo nga yun at 'di lamang bunga ng imahinasyon ko.
"O ba't napaiwas ka ng tingin?" panghuhuli ko sa kaniya at ngumisi.
"A-ako? U-umiiwas? Iniiba mo naman yung topic e. Kung gusto mong sumama sa kanya, kailangan kasama din ako."
"Hayy,"napabuntong-hininga na ako dahil sa kakulitan niya. "You're unbelievable. Pag 'di mo ko pinayagan, magagalit ako sayo ulit," seryoso kong sabi sa kaniya habang tinititigan siya.
Nakita kong umiwas siya ng tingin. Tumingin siya sa kawalan. Sinamantala ko na ang pagkakataong yun para makatakas. Unti-unti akong naglakad pabaliktad at nung lumingon na siya sa direksyon ko ay tumakbo ako ng mabilis. Oh, yeah! This is fun! hahaha
Ley's POV
Kasalukuyan akong tumatakbo para habulin si Klareesa. Ang bilis niyang tumakbo, grabe. 'Di ko akalain na dinaig pa ko ng isang babae sa pagtakbo. Basketball player ako kaya naman skilled na ko sa pagtakbo. Marami pa talaga akong 'di alam sa babaeng 'to. Sa isang buwan naming pagsasama ay marami na kong nalaman sa kanya pero may mga bagay na 'di ko pa alam at gusto kong malaman yun kung ioopen niya sa 'kin sa pagdaan ng panahon. Gusto ko pang malaman kung anong klase siyang tao. Ang pinagtataka ko lang ngayon ay kung bakit ang bilis niyang tumakbo? 'Di ko na nga siya makita e. Ibig sabihin malayo na ang distance between sa 'ming dalawa. Tuluy-tuloy akong tumakbo papunta sa parking lot. Nung nakarating na ko sa parking lot ay may nakita akong Black Ferrari na kotse na palabas ng gate. May nakita akong pigura ng isang babae at lalake sa front seat nung kotse na yun. 'Di na ko nagsayang ng oras. Sumakay ako sa Maserati S.p.A. ko at pinaandar para sundan sila.

BINABASA MO ANG
Lovelife of a Nerd
RomanceLibro, ballpen, notebook, A+ grades, iyan ang mga bagay na sumesentro sa mundo ni Klareesa Kaye Dominguez. Wala siyang panahon sa mga lovelife katulad ng ibang mga kabataan. Isang araw, nilapitan siya ng kaniyang kaibigan na may kakayahang malaman a...