Charles' POV
5:46pm | Backstage
"Congratulations, Vince!" bati ni Zac at nakipag-fist bumb kay Vince.
"Welcome to the group bro!" tuwang sabi ni Drew at nakipag-high five din kay Vince.
Vince Hartford was chosen as the top 1 among the unofficial trainees and he's now a part of our group. Hindi naman siguro kami mahihirapang mag-adjust kasi mabait naman siya at kami naman mismo ang pumili sa kanya bilang top 1.
"Thank you, Seniors--" pinutol kaagad ni Nathan ang sasabihin ni Vince at sinabing, "No need to call us seniors. You're a part of us now."Medyo napatawa lang si Vince. "I'm sorry, it just feels surreal." Napa-ngiti ulit siya. "I still can't believe that this is happening."
"Well, you need to believe now. Starting tomorrow, you'll be living in the same dorm with us." natutuwang sabi ni Janrae. Tumango nalang si Vince bilang sagot at di nagtagal, inaya na rin kami ni Yanna na umuwi kasi iniintay pa kami nung iba sa dorm para sabay-sabay na daw kaming mag-dinner.
Sumakay na kami ni Yanna sa kotse ko at sinimulan ko nang magdrive.
"So, what will happen to the remaining 9 students among the top 10?" tanong ko kay Yanna.
"They'll move to Sparks College, tomorrow din." sagot niya habang pinapakelaman yung phone ko.
"Which means, we'll have a few same classes with them?" tanong ko.
"Yeah," sagot niya. "But I guess that is because we need to look after them, not just to treat them like our normal classmates."
"Oh, right. Damn it." I cussed under my breath. "We're basically still seniors in their eyes."
Napatigil naman saglit si Yanna bago siya sumagot then looked at me, "You seem so interested with that Wilson, huh?" pagtanong niya sakin nang may kasamang pang-aasar. "Or should I say, attracted?"
"Maganda na, cute pa. And not just that, ang galing niya pa kumanta and she looks nice. Not to mention, she's already well-known and magaling din siya mag-rap." pagdedescribe ko. "Who wouldn't like her?"
"I understand, dude. Kung lalaki ako, liligawan ko na kaagad yun." natawa siya. "But anyways, kidding aside, ano plano mo? Are you going to court her?"
"Not yet." sagot ko naman kaagad. "I want to know her more and itago muna 'tong kung ano mang nararamdaman ko as much as possible."
"Good choice." sagot niya. "Mas masarap nga naman magmahal kapag matagal nang nakatago yung feelings mo tapos ibubunos mo bigla lahat."
Napa-smirk na may kasamang konting chuckle naman ako sa sinabi niya. "Hugot ka pa diyan, Andrada."
If you're thinking na walang interest sa mga lalaki or lesbian 'yang best friend ko, well, you're wrong. VERY WRONG. I know her very well and just by observing how he looks at every member can lead me to conclusions kung sino ba ang crush niya, ang hindi niya masyado trip o yung kaclose niya talaga. Of course, I know it all kahit hindi ako sinasabihan niyan.
At oo, tama kayo ng pagkakabasa. May crush si Yanna among the 12 guys sa Voiceless. Narealize ko lang nun nang makita ko kung paano niya tignan ang member na 'yon habang nakikipagtawanan sa kanya. Saka ko lang narealize na pasok pala siya sa ideal type ni Yanna - Charismatic, talented, sporty. Basta daw yung parang fictional character ang datingan. Lalo na at mabilis daw siyang nagkakagusto sa lalaking lagi niyang nakakasama. Syempre, exception na kami ni Drew dun, at alam namin 'yon. -___- Matagal ko nang best friend si Yanna at si Drew naman, childhood friend niya. Malabo daw siyang magkagusto sa mga lalaking sobra nang naging close sa kanya. Of course, since she's the only girl in our team, I am definitely positive that she's been hiding her feelings from anyone. Kahit kanino, hindi siya nagsasabi about sa "crush" niya kasi tropa ang turingan naming lahat sa grupo. Pero ibahin niya ako, she can't fool me. I can see her concern for him whenever he's sad, sick or anxious.
BINABASA MO ANG
The battle of passion
Teen Fiction"Is it the right thing to put passion above anything else?"