Narrator's POV
6:00 pm | Sparks Village
Tulad nga ng dapat na mangyari, nagdrive na si Charles papunta sa food park na sinasabi sa kanya nila Janrae. Tahimik ang byahe nila at awkward ang tamang term para ilarawan ang atmosphere na bumabalot sa kanila ni Jasmine. Tanging ang tunog lang ng pag-andar ng kotse ni Charles ang maririnig.
"Hey, say something." natatawang sambit ni Charles.
"A-ah, Sorry, hindi lang kasi ako sanay.." mahinang sabi ni Jasmine.
Napasulyap sa kanya si Charles at napangiti nang makita niyang tahimik na nakatingin lang si Jasmine sa labas ng bintana.
"Why? Is it your first time to go out with a guy?" tanong ni Charles.
"Y-yeah." mahinang sagot niya ulit. Pero sa utak niya, ang sinasabi niya-
Oo, nirereject ko lahat ng umaaya sa'kin kasi iniintay kita.
Tahimik lang si Jas- hindi lang dahil kinikilig siya, kundi dahil hindi pa rin siya makapaniwala na kasama niya na ang lalaking iniintay nya nang matagal, and perhaps nababother pa rin siya doon sa sinasabi ni Charles kanina na date daw ito.
"Something seems to bother you. What is it?" pagpuna ni Charles sa kanya.
Inipon niya muna lakas ng loob niya bago magsalita. "B-bakit kanina.. s-sabi mo kay Senior, may d-date ka.."
Narinig ni Jasmine ang mahinang pag-chuckle ni Charles. "Isn't this a date?"
Pilit pinapakalma ni Jasmine ang sarili niya. Hindi niya mapigilan ang pamumula ng mga pisngi niya at wala siyang magawa para kumalma ang malakas at mabilis na tibok ng puso niya. Hindi siya makapag-salita. Hindi niya alam kung ano ba dapat ang isagot niya.
Kahit pa andami-daming gusto niyang itanong kay Charles, lahat ng 'yon ay nakabara sa lalamunan niya. Hanggang ngayon, hindi pa rin maabsorb ng utak niya na inaya siya sa isang date ng lalaking dati ay tinitignan niya lang mula sa malayo.
"Look, Jas, I want to know you more that's why I asked you out on a date." diretsong sabi ni Charles kay Jasmine.
Pilit hindi pinapahalata ni Charles na kabado din siya sa date nila. Hindi niya alam kung paano niya magagawa na maging komportable si Jas sa kanya dahil halata namang naiilang pa siya. Siguro dahil biglang nag-aaya si Charles nang walang matinong dahilan o dahil fangirl siya ni Charles.
Mukha lang cool si Charles, pero sa isipan niya, marami din siyang gustong itanong. Gustong gusto niyang itanong kung may dahilan ba kung bakit tahimik siya tuwing kinakausap siya ni Charles o dahil ganoon lang ba talaga ang ugali niya. Pero ang gusto sana ni Charles, subukan niya munang gumawa ng efforts para maging komportable siya bago magtanong ng mga bagay-bagay.
"We're here." sabi ni Charles as he swiftly parked his car. Pinatay niya na ang engine ng kotse niya then unlocked his seatbelt.
"Hold on." ang huling sinabi ni Charles bago siya mabilis na lumabas sa kotse niya kaya nanatili nalang na nakaupo si Jasmine sa loob.
Laking gulat niya nang mabuksan ang pinto sa tabi niya at nakita na si Charles ang nagbukas non para sa kanya.
What a gentleman. She thought.
Mahina siyang nagpasalamat kay Charles at sinuklian naman 'yon ni Charles ng isang ngiti. Sinara niya na yung pinto tapos nagpunta na sila sa loob ng food park. Tumingin-tingin sila sa paligid pagkapasok hanggang sa may cafe sa may bandang gitna na nangingibabaw sa paningin ni Charles.
This must be the cafe that they have been talking about. He thought then walked towards that cafe. They entered the place, wherein positivity can be seen in the theme, and looked at the menu in front of them.
BINABASA MO ANG
The battle of passion
Teen Fiction"Is it the right thing to put passion above anything else?"