Charles' POV
5:54pm | Sparks College Studio
Okay, good job!
I released a silent sigh after I heard that from the photographer.
"Thank you!" I told the staff with a smile then did a 90-degree bow.
I went back to our practice room to grab my stuff then started walking back to the parking lot with a strap of my bag on my shoulder and my phone on my free hand.
Habang pababa ng hagdan, I just let my fingers run through my hair para maayos ito. When I reached the ground floor, agad akong napakagat sa labi ko dahil sa nakita ko.
Sa open field.. mukhang may practice yung mga bagong trainee, including Jasmine. At ang nagiinstruct sa kanila ay si..
Dana Caballero.
Senior namin, dating mentor, at higit sa lahat, girlfriend ni Lance. Pero dahil sa senior-junior relationship nila, mas pinili nalang nila na gawing private ang relasyon nila. Nakakahang-out namin siya minsan kaya kapag nasa school, ang hirap magpretend na senior lang ang tingin sa kanya dahil parang kaibigan na rin namin siya.
Lumapit ako at nakuha ang atensyon niya. "Good afternoon, Senior." I said then did a low bow.
Nang magtama ang mata namin ni Dana, este Miss Dana, para kaming nag-uusap gamit ang mga mata namin pero hindi namin pinapahalata 'yon. Para bang nagkakamustahan kami sa utak namin, ganon.
"What brings you here, Senior?" tanong ko sa kanya. Isa pa 'yon, mas prefer ng mga Senior na english ang gamitin sa pakikipagusap sa kanila dahil mas pormal. Eh lahat kami, nasanay nang tagalog ang pakikipag-usap kay Dana pag kami-kami lang.
"I was called to assist them for a monthly assessment." sagot niya kaya napatango nalang ako at nagpaalam na mauuna na.
Tumango sya and hugged me. Okay lang naman ang hug since hindi naman pinagbabawalang maging close ang senior at junior. Besides, alam naman ng lahat na naging mentor namin si Dana.
"Tell Lance I miss him." She whispered before breaking the hug. Tumango nalang ako.
Napansin kong nakatingin sa akin si Jasmine.. ulit. Kasi kanina pa siya pasulyap-sulyap sa'kin. Bakit kaya? Fangirl ko kaya 'to? Tsk, matanong na nga lang si Dana mamaya sa text.
"Wag mo titigan, malusaw 'yang fangirl mo." mahinang sabi ni Dana sa'kin.
Natawa nalang ako. "I need to go. They are waiting for me." sambit ko. "And tell her that I said good luck."
Napangiti nalang si Dana at tumango. Pagkatapos non, nagtungo na 'ko sa kotse ko.
---
6:00pm | Voiceless' dorm
Nadatnan ko silang nilalapag na ang mga pagkain sa malaking coffee table namin sa living room. May isang malaking box ng pizza, box ng chicken, may mga rice din sa mga plato, mga baso at iba't ibang inumin. Dumiretso muna ako sa kwarto ko at nagshower. Pagkatapos ko, naki-join na ako sa kanila sa living room at naupo sa tabi ni Lance na naka-indian sit sa sahig.
Ganito naman kami madalas eh. Manonood ng movie kasabay ng dinner, may mga nakaupo sa sofa at may mga nakaupo sa sahig.
"Ano na papanoorin?" tanong ni Janrae, ang may hawak ng remote, at nakahiga sa lap ni Yanna na nakaupo sa dulo ng mahabang couch.
"Despicable me 2." suggest ni Nathan.
"Civil War." suggest ni Yanna sabay dukot ng isang slice ng pizza.
BINABASA MO ANG
The battle of passion
Teen Fiction"Is it the right thing to put passion above anything else?"