CHAPTER VI

15 1 0
                                    

Yanna's POV

"A-ano kamo, Stan?" pagtatanong ko.

"I said, date tayo." pag-ulit niya.

"E-eh? Tayong d-dalawa lang?" tanong ko.

"Oo. Date nga eh." he chuckled.

"HOY!" napalingon kami parehas kay Janrae. "Anong date? May dapat ba kong malaman dito? Hoy, Villanueva, pinapaalala kong pinsan ko 'yan ah. Kahit leader kita a--"

"Shut up, Alfaro. Dami mong sinabi. I-kick kita dyan paalis sa grupo ko e." pambabara ni Stan na naging dahilan ng pag-"oww" ng ibang members at tawanan.

"Hoy, Stanley Daniel, anong date ka diyan? Hindi ka pa nagpapaalam sa pinsan." sinamaan ng tingin ni Janrae si Stan.

"Hoy, Janrae Stephen, hindi ka niya tatay." pambabara niya ulit kaya napa-oww at tawanan ulit yung iba. "Just a friendly date, okay? Magsisimula lang kaming magprepare para sa pag-alis namin next week. Pwede na? Kalmado ka na?"

"Hindi pa rin!"

"Ano na naman? Sasapakin na kita eh."

"May utang ka pa sa'kin, Villanueva!" sagot ni Janrae.

"Ah oo nga pala. Thanks for yesternight, man! I owe you a drink." sabi ni Stan. "Pero mamaya na pagkauwi namin ng pinsan mo. Ge bye. Ingat kayo. Sa labas na kami kakain ni Yanna."

Then hinila niya na ko papunta sa kotse niya. He started driving papunta sa mall.

"What else do we need to buy, leader?" tanong ko sabay labas ng phone ko para maglista ng mga kailangan naming bilhin mamaya.

"Pfft. When it comes to shopping, you're the leader, A." we both laughed. "But I guess you won't be needing to buy too many winter clothes because you have a lot of them, right?"

Napaisip ako. Hmm.. Oo nga. Andami ko nang clothes na pang-Korea dahil hindi ko naman first time na pupunta doon. In fact, nasa pang-limang beses ko na yata 'to.

Tumango ako bilang pagsagot kay Stan. "In fact, I don't think I still need to buy anything."

"Well, you can help me." he said and I just nodded.

Sure, basta ikaw. Hihihihi~

Hindi nagtagal at nakarating na rin kami sa mall. Hindi na rin kami nagsuot ng cap o shades o mask pantakip dahil wala ding magagawa 'yon since medyo maaga pa at marerecognize din naman kami. Hindi naman siguro kami ma-iissue neto, wala naman kaming ginagawang masama, e.

Naglakad kami ni Stan papunta sa isang boutique na panlalaki. He started strolling and looking around para magtingin ng mga winter clothes. Nagpaalam naman akong umupo nalang sa available na seat doon habang namimili siya.

I just grabbed my phone and did random stuff to kill time.

"A!" he called, causing me to lift my head up. "Which one looks better on me? This one," tinapat niya sa katawan niya yung denim na jacket. "Or this one?" then tinapat niya yung gray na coat sa katawan niya.

Well, bagay naman sa kanya parehas.

Wala e, gwapo eh. Sa paningin ko, kahit garbage bag pa siguro suotin niyan, gwapo pa rin.

"I can't choose." pagsagot ko. "Bagay naman sayo parehas."

Napatingin siya ulit doon sa dalawang hawak niya. "Okay then, I'll just buy both. Wait lang, mag-iikot pa ko ulit."

Seems like this is Stan's favorite boutique. Yung ibang nakadisplay na damit dito nakita ko na sa closet ni Stan kagabi eh.

Nakita kong may dala-dala siyang mga damit at pumasok sa fitting room. Maya-maya, lumabas siya nang suot na ang white na polo bilang panloob, isang sweater na ang majority ay purple, pants na dark blue at isang light blue na coat.

The battle of passionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon