Yanna's POV
12:00am | Ninoy Aquino International Airport
"Alfaro, bitaw na!" pagtataboy ko kay Janrae na mukhang lintang nakayakap sakin ngayon.
"Ayaw!" pagmamatigas nya at mas lalong hinigpitan ang yakap. "Tatlong linggo kita di mayayakap!"
"Dalawang linggo lang e, sus." I rolled my eyes. "Don't worry, I'll be fine there. It's my second home, right? Wala ka bang tiwala sa'kin?"
"Sayo meron, kay Villanueva wala!" sagot nya na dahilan ng pagtawa ng lahat.
"Kids, we need to go." pagsingit ni Ma'am Kristin samin and tapped her wrist watch twice. "1am ang flight natin, right?"
"Pumasok na kayo doon." sabi ni Xander.
"Janrae." pagtawag ko sa panda na nakayakap sakin. Unti-unti naman syang bumitaw.
"Mag-ingat ka doon, ha? Tawagan o imessage mo ko araw-araw sa messanger, balitaan mo ko at wag ka magpapagutom ha! Wag mo kalimutang magdala ng coat o jacket pag lalabas ka, wear at least three layers of clothing. Wag ka magpapaulan--" tuloy tuloy na sabi ni Janrae so I cut him off.
"I will be fine, paranoid." I told him then ruffled his hair. Tumango nalang sya then hugged me for the last time. Nagpaalam na rin kami sa iba then hugged them.
"'Tol, ikaw muna bahala ah. Magvivideo call naman siguro tayo araw-araw, pero imessage mo ko o tawagan mo ko agad kapag may kailangan kayo o may nangyari." bilin ni Stan before pulling Lance into a manly hug. Tumango nalang si Lance. After that, sinundan na namin sila Ma'am Kristin at Sir Adam, ang mga inassign na teachers galing sa Talent Department na magbantay at mag-guide samin for three weeks doon sa Seoul.
Hila-hila ni Stan ang cart na kinuha nya kanina sa labas ng airport, nakalagay doon ang tig-isang malaking maleta namin ni Stan at sa ibabaw ang mga backpack namin. Nang matapos ang lahat ng kailangang gawin bago sumakay sa eroplano, we decided to have some snacks muna sa Starbucks to kill time. And as always, nilibre ako ni Stan, at hindi lang ako- pati yung dalawang teachers na kasama namin.
Wag ka naman masyadong mabait, naiinlove ako lalo.
Hindi nagtagal, sumakay na rin kami sa eroplano and found our seats.
Sabi ko nga, magkatabi kami e. I internally sighed.
As the engine started, I buckled my seatbelt then plucked my earphones into my ears.
This is going to be five long hours. Sabi ko sa isip ko then closed my eyes.
----
"Ladies and gentlemen, welcome to Incheon International Airport. Local time is 7:00am and the temperature is 19° celsius."
Nagising ako nang marinig na ulit ang boses ng pilot na nagsasabing nakarating na kami sa Incheon. Napansin kong kakagising lang din ni Stan at nagsimula na siyang ayusin ang nagulo niyang buhok.
Once our airplane landed safely, we got out of the airplane went inside the airport, took our bags then walked towards the exit.
"How are we going to Seoul? Taxi?" tanong ni Stan kina Ms. Kristin habang tinutulak ang cart na may mga bagahe namin.
"No, the school has a car that we could use for three weeks." sagot ni Mr. Wu as we walked out of the airport. Napansin ko agad ang isang pamilyar na van, yung ginagamit ng mga idol groups dito sa South Korea. Hindi ko nalang dapat papansinin, kaso napansin kong nauna maglakad sina Ms. Samonte papunta doon..
Don't tell me..?
Binuksan ni Mr. Wu ang pinto at may sinabi sa driver tapos humarap muli sa amin.
BINABASA MO ANG
The battle of passion
Teen Fiction"Is it the right thing to put passion above anything else?"