CHAPTER XII

24 1 0
                                    

Stan's POV

4:57pm | Myeongdeong, Seoul

(4:57pm sa Seoul = 3:57pm sa Manila)

"Eolmanayo?" narinig kong tanong ni Yanna doon sa babae na nagbebenta netong.. ano nga ba tawag dito? (How much?)

Sinabi nung babae kung magkano pero dahil medyo maingay, (weh, di nga.) Oo na, hindi ko lang talaga nagets yung sinabi. Basta may won sa dulo, pfft.

"Du-gae juseyo." narinig kong sabi niya tapos inabutan siya ng dalawang cup non tapos binayaran niya na. (Two pieces, please)

Binigay niya sa'kin yung isa.

Isa siyang cup na parang may chicken na maliliit yata tapos may pagka-dark orange na sauce- Yung parang sa tteokbokki.

"Ano 'to?" tanong ko.

"Chicken cup." sagot niya habang nakafocus pa rin sa pagkain. Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa mapahinto na naman siya nang may umagaw ng pansin niya.

"Tteokgalbi!!" nakangiting sabi niya habang naglalakad palapit sa isang stall ULIT.

Ganun ulit, nagtanong siya kung magkano, pero this time apat na ang inorder niya. Marinated ribs daw 'yon na nakatusok sa stick.. Tteokgalbi pala ang tawag doon.

"Kamsahamnida." inabot niya yung plastic na may lamang apat na stick non. Dumampot siya ng isa, hinipan ng konti dahil bagong luto tapos sinimulang kainin.

"Jinjja masisseo!" komento niya. (Really delicious!) Dumukot ulit siya ng isa tapos tinapat niya sa bibig ko.

Binuka ko ang bibig ko tapos tinikman 'yon, masarap nga. Naglakad-lakad pa kami hanggang sa maubos ang mga pagkaing dala namin.

Napansin kong napahinto at naliwanagan ang mukha niya nang makita niya ang isa pang stall ng mga street food. Dakkochi daw ang tawag doon- Chicken skewers in english. Hinila niya ako papunta doon tapos kung ano-ano pinapakain sa'kin. Infairness naman at masarap.

Pagkatapos doon, nakita niya ang tindahan nung tornado potatoes- Potatoes na naka-twirl sa isang stick kasama ang hotdog. Umorder siya ng dalawa, binayaran 'yon at binigay sa'kin yung isa.

"Hindi ka ba nabubusog, A? Kanina pa tayo kumakain dito sa Myeongdong." tanong ko sa kanya habang naglalakad pa rin kami.

"Kaya nga tayo nagpunta dito para mag-food trip." sagot niya.

"Sabi ko nga eh." huminto ako sa harap ng isang stall na nagbebenta ng mga inumin. Umorder ako ng isang cola para sa akin at isang bottle ng apple juice para kay Yanna.

Well, that one of her secrets, she doesn't drink soft drinks. Hindi naman sa bawal siya, ayaw niya lang talaga. She often tells us na kahit yung amoy ng soft drinks, hindi niya ma-handle.

"Uy, tteokbeokki!" turo niya doon sa mga nakadisplay sa isang stall na malapit sa amin. "Been wanting to try those."

Without any hesitation, pumunta kami doon. Binigyan kami nung vendor ng tig-isang order non at isang tooth pick para pang-tusok. Umorder pa si Yanna nung snack na nagngangalang eomukguk, kasi sabi pang-wash down daw 'to sa maanghang na tteokbokki. Binayaran na namin 'yon, naubos naman namin kaagad saka naglakad na pabalik sa van.

"Sobrang saya ng food trip natin, Stan." sabi ni Yanna nang makasakay kami.

"Yeah, i-enjoy mo na kasi konting araw nalang simula na ng preparations natin para sa competition." sabi ko sa kanya.

"Pero Stan, pangalawang araw palang natin out of the 7 days na binigay pang-leisure time. May limang araw pa." sabi niya.

"Dude, mabilis lumipas ang panahon pag nag-eenjoy ka." sabi ko sa kanya.

The battle of passionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon